Chapter 23

696 15 1
                                    

Minulat ko ang aking mata at bumungad agad sa akin ang puting-puti na kwarto. Hindi pa naman ako patay diba?


Pinakiramdaman ko ang sarili ko at laking pasasalamat ko naman na buhay pa naman ako. Ginalaw ko ng kaunti ang aking hita at agad kong naramdaman ang sakit.


Matagal na noong huli akong natamaan ng baril at isa iyon sa mga hindi ko makakalimutang araw dahil malapit na talaga ako malagutan ng hininga noon dahil ang sugat ay sa bandang tiyan. Sabi ng doctor buti nalang daw hindi gaanong malalim ang bala kaya hindi naapektuhan ang laman loob ko.


Malayo naman sa bituka ang tama ko ngayon pero masakit pa talaga kapag natatamaan ka.

Huminga ako ng malalim at pinikit ng mariin ang aking mata sa tuwing nararamdaman ko ang sakit.

Narinig kong bumukas ang pinto at nakita ko na pumasok mula doon si Murphy na may dalang prutas at sumaludo sa akin.

"Bakit ka nandito?" Hindi ko makapaniwalang sambit dahil dapat nasa mission palang sya. "

"The mission is success pero marami ang sugatan na sundalo at dinala sila lahat dito." Para akong naguilty sa sunabu nito. I'm the captain of the team pero mas nauna akong nawala kanina. Hindi ko sila nasamahan at naguide kaya nangyari——

"Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Tama lang na inalis ka agad sa laban dahil hindi namin kaya na mawalan ng kapitan kung pananatilihin ka pa namin doon. Oo, gusto ka namin makasama doon at nalungkot kami nung una kang natamaan pero masmalulungkot kami kung mamamatay ka doon dahil sa pagmamatigas mo na maiwan doon." Binaba nito ang mga prutas sa side cabinet saka masungit na tumungin sa akin. Mukhang may period si Murphy ngayon dahil sa itsura nya.

Hindi ko na binalik ang topic kanina dahil alam kong may magagalit nanaman dito. Yes, I'm a captain pero may respeto pa din naman ako sa mga kasamahan ko.

"Kamusta sila?" Tumigil ito sa pagbabalat ng saging at tumingin sa akin.

"Sino?" Halos mapaubo ako ng wala sa oras sa sagot nito. Gusto kong matawa pero pinilit ko na maging seryoso dahil seryoso din ito.

"Yung mga sugatan?" Tumingin sya sa may pinto nang bumukas ito at pumasok mula doon si Lenon na may dala namang lobo at may nakalagay na happy birthday. Putek sino may birthday?

Humarap muli sa akin si Murphy na ngayon ay kagat-kagat na ang saging na akala ko ay ibibigay sa akin.

"Ayos na silang lahat dahil hindi naman malalim yung mga sugat na meron sila. Ikaw lang yung may sugat na malalim." Pigilan nyo ko! Pigilan nyo ko! Kung wala lang akong sugat baka nasapak ko na to'! "......wag ka magalit sa akin sinasabi ko lang naman ehh." Maslalo akong nakaramdam ng bwiset nang makita ang nakanguso pa nitong bibig habang nagsasalita.

"Lenon, kuha ka saging masarap at mahaba pa." Nilingon ko ang itsura ni Lenon matapos syang ayain ni Murphy na kumuha ng saging na parang dinala lang nya dito para may makain sya. Kita ko ang ngisi sa mukha ni Lenon saka binaba na muna ang mga lobo at kumuha ng saging. Hindi lumilipad ang lobo na dala nito dahil nasa stick sila.

Habang sarap na sarap ang dalawa sa pagkain ng saging na hindi manlang ako bigyan, halos mawalan ako ng hininga ng pumutok ang dalawang lobo na nakalapag sa sahig at biglang pumasok ang dalawang naka-unipormeng sundalo at nakalabas ang mga baril ng mga ito.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat at halos murahin ko na ang dalawang unggoy na patuloy pa din sa pagkain ng saging na makakalahati na nila. Lumapit si Lenon sa dalawang sundalo at hinawakan ang dalawa sa balikat.

The Captain's Heart (Will go under major editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن