Chapter 55 - The Last Battle

529 16 0
                                    

I'm sorry for the late update again. Nagkaroon kasi ng problem dito sa story at ngayon ko lang napansin dahil may ginawa pa akong requirments kanina. Pasensya na po dahil busy pa rin ako dahil sa mga sunod-sunod na requirments na kailangan tapusin for enrollment next SY.

Babawi nalang ako but for now....I can't promise na matatapos ko siya on time dahil full sched palagi😞
——————————————————

I'm receiving a lot of reports from my team members and bosses but my brain is still not processing about what happened.

Akala ko hindi na mangyayari pero nagkakamali ako.......

Dahil sa isang iglap pala ay madaming buhay ang nawala at kasama na doon ang bata na kanina lang ay niligtas ko. Hindi ko manlang nalaman ang pangalan niya kinuha na agad siya.


Hindi ko mapasok sa isip ko lahat ng mga nangyari dahil wala akong nagawa..........


Binalik ko na sa realidad ang sarili ko nang makarinig ako ng salita mula sa earpiece ko.


("This is Lt.Gen.Mondejar......don't worry you are the only one who can hear this......Arcega, I know you're now blaming yourself again about the incident but please to continue to protect our country you need to do something. Tanggalin mo lahat ng iniisip mo ngayon dahil nakakasagabal lang yan. Isipin mo na namatay sila upang protektahan din ang bansa at ipagpapatuloy mo na lamang ang hindi nila natapos. Huwag mong hayaan na kainin ka ng takot. I want you to be strong and fight kahit na anong mangyari. My daughter still needs you and I want you to be with her kaya kung titigil ka dito ay para mo na din tinalikuran ang mga kasamahan mo na lumaban hanggang kamatayan. Do your best Maximo as a captain and return with the flag of victory.") Hindi ko alam kung ano ang maaaring sabihin ngunit magsasalita pa lang ako ay nawala na sa kabilang linya si Lieutenant General kaya ang nagawa ko na lamang ay huminga ng malalim at inisip lahat ng mga sinabi niya.


Tama siya. Kung titigil at matatakot ako dito ay para ko na din tinalikuran lahat ng tao na naniniwala sa akin at para ko na din kinalimutan ang bansa ko. I promise to protect my country and my fellow Filipinos but how can I do that if we stop believing to ourselves that we can protect them and we can defend them from the bad people. Nagpromise din ako sa bata kaya kailangan kong tuparin iyon. Hindi ko matatawag na sundalo ang sarili ko kung sa misyon ay matatakot lang ako. Madami na din akong napagdaanan kasama na doon ang mga training namin at ayaw kong sayangin iyon dahil lang sa nangyari.


Kinuha ko ang locket sa bulsa ko saka hinalikan ang nasa loob na litrato nito.


"Pray for me, baby." Naiiyak kong sambit. I don't know why......pero kasi nakakaramdam ako ng kakaiba na hindi ko mawari.


Pumikit ako saglit saka nagdasal at pagkatapos nito ay sinimulan ko na bigyan ng command ang mga kasamahan ko. Wala nang urungan ito.


Nilagyan ko ng mga baka ang dala kong sandata at saka nagsimula nang makipaglaban sa gabilang kampo.

-

-


-

-

-


-


-


-

"I-I still want to get m-married and see my child.....b-but I think I c-can't m-make it...."

*
*
*

Hating gabi na ngunit hindi pa din ako makatulog. Hinimas himas ko ang aking tiyan upang sa gayon ay kumalma ako. Until now wala pa din akong natatanggap na balita. I don't know kung kailan ang misyon nila dahil sabi ni Maximo sa akin noong huli kaming nagkausap ay hindi pa sure. I know may hindi din siya sinasabi sa akin pero hinayaan ko na lang dahil karapatan niya iyon at isa pa nasa batas nila iyon.

Tumagilid ako ng higa saka hininaan ang aircon dahil sobra akong nilalamig. Sanay naman ako sa malamig pero hindi ko alam bakit bigla nalang yata nag-iba ang lagay ng balat ko.


Nagpabaling-baling ako sa kama at pinilit na patulugin ang sarili ko pero wala pa din nagbago at maslalo lang ako hindi nakatulog. Dahil wala akong magawa para patulugin ang sarili ko, pilit akong bumangon sa kama saka lumabas ng kwarto. Sakto naman na medyo nagugutom ako kaya dumiretso ako agad sa kusina para magluto ng kung ano.


Tinignan ko ang laman ng ref at hindi ko pa din mapigilan na mapangiti. Hindi naman ako sobrang lakas talaga kumain kaya hanggang ngayon ay puno pa din ang ref ko at dahil iyon sa kagagawan ni Maximo.


Kinuha ko na ang ingredients na kakailanganin ko para makagawa ng omelette. I don't know why pero palagi na ako nagc-crave sa pagkain na iyon kaya minsan tuwing iniisip ko na soon ay makakasama ko na si Maximo dito ng matagal ay hindi ko mapigilan na ma-excite dahil siya na ang paglulutuin ko ng omelette everyday.


Tinignan ko ang rice cooker at nakita ko na may kaunting rice pa naman na natira kaya iyon nalang ang gagamitin ko. Nagscramble na ako ng itlog saka naghiwa na din ako ng ilang ingredients na gagamitin ko. Ako lang naman mag-isa ang kakain pero masgusto ko pa din masi yung kumpleto ang rekado ng mga niluluto ko dahil para akong nakukulangan ang panlasa ko kapag may nawawalang ingredients.


This past few days, napapansin ko na talaga na unti-unti na akong nag-iiba due to my pregnancy. May mga nag-iba na din sa physical appearance ko which is my body is gaining weight and yung size ng breast ko ay medyo lumaki na din. First time ko ito kaya wala akong pinagbabasehan but thanks to my mom dahil tinutulungan niya ako kapag may mga hindi ako alam and also sa friend ko naman na todo suporta sa pagbubuntis ko dahil ginagampanan na daw niya ang pagiging ninang niya sa bata. Alam kong may nais iparating ang kaibigan ko sa akin pero hinahayaan ko nalang dahil sabi niya it's complicated pa daw but of course as her friend may naaamoy na ako na hinihintay ko nalang na ibunyag niya dahil ayaw ko naman pangunahan ang mga desisyon niya sa buhay.

Nang matapos akong magluto, dahan-dahan kong nilagay sa plato ang ginawa kong omelette dahil baka biglang masira. Minsan lang ako makaperfect pagdating sa ganto dahil minsan napuputol bigla or may mga hindi pa na cover ng maayos ng itlog.


Naupo na ako saka kumuha ng gatas saka kumain na.

"Hmmm! Sarap ko talaga......magluto" May naramdaman akong kulang kaya kumuha ako ng ketchup at iyon......PERFECT NA!


Mabilis kong naubos ang pagkain ko kaya nang matapos ako ay tutungo na sana ako sa lababo nang masagi ko ang baso na kinalalagyan ng gatas na hinanda ko kanina. Para akong nawala sa sarili saglit dahil nakatingin lang ako sa basong nabasag at sa natapon na gatas. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero bigla na lang akong kinabahan..........dahil bumabalik na naman sa akin ang nakaraan.

-

-

-

-

"No! No!.......h-hindi pwede! Maximo!"

The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now