Chapter 41

552 17 0
                                    

-Kahit mabagal, update again!!
————————————————————————-
After 2 days back to work again. Kasalukuyan akong patungo sa office. Ayos naman na yung paa ko at buti nalang hindi gaano napuruhan.

Babalik na din si Maximo aa trabaho nya so for the last time ihahatid nya ako sa office bago sya pumunta sa kampo. Para sa akin ay napaka-ikli ng panahon na nagkasama kami at kahit ayaw ko pa na bumalik sya dahil siguradong maninibago ako ay hindi ko na ginawa dahil syempre labas ako sa trabaho nya at alam kong may kailangan pa syang gawin lalo na't sobrang tagal nyang nawala.


Nang makarating na kami sa labas ng shop hindi muna ako lumabas.

"Bye." Pagputol nito sa katahimikan. Nilingon ko sya saka ngumiti. "What kind of smile is that?"

"Nothing." Hinalikan ko sya saka lumabas na ng sasakyan pero bago pa ako makalayo ay narinig ko ang pagbukas ng sasakyan kaya nilingon ko syang muli at nakasandal na ito sa kanyang sasakyan at sinesenyasan akong lumapit sakanya.


Naglakad ako muli pabalik sakanya at huli na nang mapagtanto ko ang nais nya kung bakit nya ako pinalapit muli. Isang masarap at matamis na halik ang ibinigay nya sa akin na sigurado ako na mamimiss ko talaga.


Ayoko na lokohin ang sarili ko tungkol sa mga ganitong bagay at ayoko na ding itago pa ang tunay na nararandaman ko kay Maximo. May ginawa na kami at sapat na yon para sa akin na iparamdam ko sakanya na mahal ko sya dahil hindi ako isang klaseng babae na basta-basta nalang nakikpagtalik sa ibang lalaki. Maximo is my first......yes, he is. Si Darick nga ang una kong naging boyfriend pero hindi naman ibigsabihin non na sya din ang una ko. Hindi kami gaano nagkakasama ni Darick noon dahil sa trabaho at palagi silang pinapadala sa mission at syempre minsan ko lang din sya nakakausap kaya masasabi ko na ang naging relasyon namin ay wala masyadong encounter pero pinaramdam naman namin sa isa't-isa na kahit na ganon ay mahal namin ang isa't-isa.


"I love you Paris." Sambit nito nang putulin nya ang halik. I don't care kung may nakakakita man sa amin basta nasa lalaking nasa harapan ko lang ang atensyon ko.


Mamimiss ko sya.........ayoko man pero hindi pwede dahil ayoko naman maging sagabal sa trabaho nya.

"I love you too Maximo." Sumimangot ito. ".....I mean Madox." Ngumiti ako. Lakas talaga ng trip.


"Bye." Ngumiti ako saka hinalikan ito ng mabilis bago pumasok ng shop.

Narinig ko ang pag-usad ng sasakyan nya kaya nagdiretso na din ako sa paglalakad at sinalubong agad ako ng dalawa kong tauhan dito which is yung dalawa din na palagi kong kasama.

"Welcome back po Ms.Paris!" May hawak na tatlong lobo at bouquet si Dalia habang si Razmen ay hawak ang isang bilog na cake na may nakalagay na 'Welcome Back Ms.Paris'

Napangiti ako sa surprise ng dalawa dahil kahit alam ko na simula noong hindi ako pinapasok ni daddy ng office ay sila palagi ang sumasalo sa lahat ng gawain ko kasama na yung mga nakakapagod na meetings. Bumaba ang sales namin this month dahil hindi kami naging present sa ilang fashion week na makapagbibigay ng madaming sales sa amin. I'm very thankful to them because they are still with me during hard and good times like a true friend.

"Thank you!!" I hug them both and smile.

Inabot ko ang bitbit ng dalawa at nagulat naman ako nang biglang may sumigaw sa likod ko.


"Paris baby!!!" Kahit kailan talaga si Avie sobrang ingay. "Come to Avie!" Tignan mo toh ginawa pa akong baby. Niyakap ko din si Avie saka tinanggap ang sinisingit nya sa kamay ko. Ngumiti ako saka tinignan ang binibigay nito. Halos mawala ako sa sarili nang makita ang tatlong pregnancy test na noon nya pa pinagpipilitan sa akin simula nang malaman niya ang nangyari sa beach.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now