Chapter 19

735 19 0
                                    

Paalis na kami ng Bolinao pero ang ala-alang gusto ko na limutin na dito ay ayaw pa ding umalis sa isipan ko.



"Ms.Paris, ayos na po ang lahat at pwede na po tayong umalis." Tumango ako saka sumakay na sa sasakyan.



Habang nasa byahe ang utak ko ay nanatiling lutang pa din. Alam kong napapansin na ako ng mga kasama ko sa sasakyan pero syempre hindi nila ako pwedeng pakealaman.


"Ms.Paris, magstop-over na muna daw po tayo dito." Nagising ako sa katotohanan nang biglang magsalita sa tabi ko si Razmen. Luminga ako sa lugar kung nasaan kami at puro kainan ang mga nakikita ko. Naalala ko na sinabi ko kahapon na kapag pauwi na kami magstop-over na muna sa isang kainan para makakain kami at dahil may gusto din ako bilhin dito.



Nauna na akong bumaba saka kinuha ang sling bag ko na may lamang cellphone, wallet, tissue, lipstick, and powder. Hinintay ko ang dalawa kong kasama at yung kasama naming driver na mukhang type na type ng dalawa dahil pangmodel daw ang mukha at katawan. Hindi ko alam kung saan nahanap ni daddy ang lalaking ito pero hindi nalang dinako nagtanong dahil baka kung ano pa ang isipin ng ama ko. May isa pa kaming kasama na body guard na mukhang artistahin din kaya ang dalawa ay parang mga kiti-kiti tuwing nakikita ang dalawa. Kung sila pala ang naunang pinadala ni daddy para maging body guard kahapon edi sana hindi ko na kinailangan ng tulong nila Maximo....edi sana walang nangyaring kababalaghan kagabi!


Speaking of Maximo, pagkatapos nyang sabihin yung katagang hindi nya ako ginamitan ng proteksyon umalis na sya agad. Gusto ko sana syang habulin para masuntok dahil hindi biro yung sinabi nya! Kung mabuntis nya ako ano na mangyayari sa career ko?! Hindi pa ako handa maging ina! P*t*ng*na talaga ni Maximo!!!


Nawalan ako ng ganang mamili dahil pinakyaw na daw yung mga favorite kong chips kanina dito sa souvenir and food shop. Pumasok nalang ako sa isang filipino restaurant at pumili ng mauupuan. Nakasunod lang naman saakin yung apat kaya hindi ko na sila kailangan pang tawagin.


Gusto ko man pag-usapan namin ang nangyari sa summer fashion week pero dahil nga wala ako sa mood kaya hindi nalang at nanahimik nalang ako ganun din ang mga kasama ko habang hinihintay namin ang order namin.

*

"Maximo, bakit ka nga pala nawala agad kagabi?" Kahit na may kanya kanya kaming sasakyan nang pumunta kami ng Bolinao kasama ko pa din sila Murphy at Damon dahil pinahiram nila yung sasakyan nila sa ibang sundalo na pabalik na din ng Manila. Sasakay pa kasi ng bus ang ibang kapwa namin na sundalo para makabalik ng Manila kaya nag desisyon nalang kami na ipahiram sa marunong magdrive ang sasakyan nila Murphy, Damon, Lennon , at Gideon para hindi na magbus yung iba. Madami din ang sundalo na umattend sa kasal at kilala naman namin ang lahat kaya ayos lang ang ginawa namin. Sila Terrence, Lennon, at Gideon ay magkakasama sa sasakyan ni Terrence na pinagpasalamat ko naman dahil kung nandito silang lahat sa sasakyan ko baka kanina pa sumabog ang utak ko sa lahat ng tanong nila na kung nasaan ako kagabi. Sa dalawang ito nga sabog na paano pa kaya kung sabay sabay na silang nagtanong.


"Hindi ka namin nakita doon sa mismong night party kahapon kaya nagtataka kami kung saan ka talaga nanggaling." Kinagat ko nalang ang labi ko at hindi umimik. Meron akong respeto kay Paris kaya kailangan kong itikom ang bibig ko para hindi malaman ng iba ang nangyari saamin.


Masaya ako nang gabing iyon pero nagsisisi din ako na ginawa namin yon. Tama naman si Paris na kailangan kalimutan nalang namin yung nangyari dahil isa iyong pagkakamali. Hindi pa namin kilala ang isa't isa pero nakagawa na kami ng kababalaghan.



Hindi kami nakainom that time pero still nakagawa pa din kami ng milagro. I'm her first at masaya ako doon pero mukhang ako lang ang masaya doon dahil sino ba naman kasi ang masisiyahan sa sitwasyon namin.


Siguro kailangan ko nalang ihanda ang sarili ko sa kung ano ang pwedeng gawin ng daddy ni Paris saakin. May mali ako dito kaya tatanggapin ko kung ano man mangyari sa susunod.


Nagstop over na muna kami sa isang kainan dahil nagugutom na daw ang mga hinayupak kong kasama. Niyaya ko na din lahat ng mga kasamahan naming sundalo na saluhan na kami. Mabilis lang kami kumain dahil agad na tumawag ang isa sa nakatataas na ranggo sa militar saakin at balak daw nila kaming ipadala muli sa isang misyon.


Nang makarating kami sa bahay nagkanya kanya na ang lahat at ako naman ay nagligpit na ng mga gamit na dadalhin ko pabalik sa kampo. Tapos na ang maliligayang araw namin at oras nanaman para pagsilbihan ang bansa.


Sinara ko ang bag ko saka pinakatitigan ang bahay. Hindi ko alam nanaman kung kailan ako muli makakabalik dito kaya tuwing aalis ako palagi kong tinitignan ang bahay dahil hindi ko masasabi kung makakabalik pa ako dito.


Hindi pa sinasabi saakin kung isang mabigat na mission ang gagawin namin pero kahit ano man iyon at gaano man kabigat iyon ipagpapatuloy pa din namin ang trabaho namin dahil tungkulin namin iyon.


Tinignan ko ang cellphone ko at bumungad agad saakin ang mensahe ng isa sa kasamahan ko din.

Message From: Daryl

"Pre, mukhang mahirap ang mission natin ngayon kasi mukhang dalawang team yata ang ipapadala kasi madami daw at kalat-kalat. Mukhang pinaghandaan yata nila kaya ingat nalang tayo lahat."


Sanay na ako sa mga ganitong mensahe pero hindi pa din talaga mawawala ang kaba dahil sabi ko nga kanina hindi natin masasabi kung hanggang saan lang ang buhay natin.............

———————————————————-
09/01/20

Note: Hanggang dito na po muna ang update ko for this week. Pasensya na po dahil sa hindi ko madalas na pag-update, marami na po kasi akong ginagawa kaya pagpasensyahan nyo po sana. Ipagpapatuloy ko pa din naman po itong story pero asahan nyo lang po na matagal lagi ang update. 😊

For more question and info don't hesitate to message me here:
Instagram: _rsshdljymstd_
Gmail: rsshdljymstd15@gmail.com
Wattpad acc: miss_golden_mask

The Captain's Heart (Will go under major editing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz