Chapter 11

851 18 0
                                    

"Ms.Paris, nagbigay po pala ng invitation ang Morrone Modeling Agency para sa magiging event nila for Summer Fashion Week. Nag email din po ang agency kung gusto nyo daw po pwede na kayong pumunta sa Morrone Modeling Agency ngayon para makapili na daw po kayo ng magmomodel sa mga design na ilalabas natin." Kinuha ko ang inabot nitong invitation saakin at binasa.


"Okay. Mag-email ka sa agency at sabihin mo pupunta tayo doon tomorrow after lunch." Binalik ko na ang aking atensyon sa mga design na tinatapos ko pa.


Isa akong all around designer. Hindi lang kasi sa mga pambabaeng kasuotan ang focus ko pati na din sa lalaki at pwede din akong magdesign para sa mga pets.


2 year ago na bigyan ako ng award bilang isang most successful designer. Nakikipagmeeting ako sa mga kung kani kaninong veteran designer para ipakita ang design ko. Most of my relatives they always questioning me about military and my always answer to them is "Military is not my profession." Oo, napapalibutan nga ako ng mga nagtatrabaho sa militar pero hindi naman ibigsabigin non ay magmilitar na din ako. Bilib ako sakanila pero mukhang hanggang doon nalang yon.



"Ms.Paris!" Sinamaan ko ng tingin ang sekretarya ko na hinihingal pa.


"Yes?"


"Magpaparticipate din po pala si Ms.Ivon Gutierrez sa Summer Fashion Week." Natigil ako sa pagdedesign nang marinig ang pangalan ng kinasusuklaman kong tao sa fashion industry.



Oo magaling sya nung una ko syang nakasama sa isang event pero nang malaman ko kung saan nya pinagkukuha ang mga design nya ay nawala ang paghanga ko sakanya. Nagnanakaw sya ng mga design sa ibang mga designer na hindi pa ganoon sumisikat sa industriya ng fashion. May mga nagsasabi na saaking ibang mga designer na mag-ingat ako sakanya dahil lagi nyang ninanakawan ng design ang mga nakakasama nya sa event at yung mga pangit nyang design ang ipapalit sa mga nabiktima nya.


Tinignan ko isa-isa ang mga kasama ko dito sa opisina. Ilang years na kaming magkakasama at mana saakin lahat ng mga kasama ko dito kaya sigurado ako na walang manloloko saakin dito.


Kinuha ko ang mga design na ginawa ko noong nakaraan pang Linggo. Pagsapit palang talaga ng summer naghahanda na ako ng mga designs na pwede kong ilabas sa event.


"Mananakaw nya kaya to'?" May mga pangit na design akong nilabas at binigay iyon sa sekretarya ko.


"Alam kong maglalabasan nanaman ang mga media para sa paparating na event kaya ayan ang ipakita mong design sakanila." Ngumiti ako ng parang demonyo at dahil nga mana din saakin ang sekretarya ko edi nakitawa din sya saakin.


"I like your plan boss....." Tumango ako ng maarte at ngumisi.



Binalik ko ang atensyon sa lahat ng dinedesenyo ko at ngumiti sa naiimagine na mukha ni Ivon sa mismong event.

*

Gabi na nang makaalis ako sa opisina at wala na akong makitang empleyado maliban nalang kay manong guard na pang-gabi.


"Bye, manong. Kayo na po ang bahala sa office." Dumiretso na ako sa parking lot at mabilis na sumakay sa sasakyan saka pinaandar ito.


Inaantok na ako pero nagawa ko pang pumunta sa bar. Hindi kasi kumpleto ang araw ko kapag walang alak na dumadaloy sa lalamunan ko. Pagpasok ko sa loob punong puno na ng mga tao....malamang alanganin namang hayop.


Pumili ako ng pwesto kung saan malayo sa dancefloor dahil ayokong maistorbo ng mga nagsasayaw doon. Naupo ako sa isang couch at nag-order ng inuming hindi ko pa nat-try.


Matapos kong maka-order nilibot ko ang aking paningin sa mga taong nagsasayaw sa malayo at sa mga naghaharutang magjojowa. Tf! Yung isang magjowa na nasa gilid ko ay parang mga highschool palang yata at daig pa ang mag-asawa kung magyakapan at maghalikan!


Kinuha ko na ang inuming inorder ko at lumagok agad habang hindi ko pa din inaalis ang tingin sa magjowang naghahalikan sa gilid ko. Yung mapapa-sana all ka nalang sa nakikita mo.


"Hey...baka malusaw naman yung magjowa sa tingin mo." Nanlaki ang mata ko sa gulat at muntikan ko nang mabuhos sa unggoy na biglang nagsalita sa likod ko.


"B-bakit ka nandito?" Lumayo ako ng bahagya sa unggoy.


"B-bakit bawal na ba akong pumunta dito?" Inirapan ko ang lalaki at binaling ang atensyon sa lima pang lalaki na umupo sa nasa tapat kong couch.


"Hi!" Bati ng mga ito. Ngumiti ako sakanila at hindi na pinansin ang makulit na lalaki sa tabi ko.


Oo! Nagkita na kami ng ilang beses. Nahatid na din nya ako sa bahay namin at nadala na din nya ako sa bahay nya PERO!.......Hindi porke't ganon close na agad kami. Hello! I'm Paris Victoria Katheline Montefalcon Mondejar....na nagsasabing hindi ako agad makikipagkaibigan sa mga sundalo dahil natuto na ako!


Tinignan ko ang isang lalaki na nasa tapat ko dahil kanina pa nito pinapaikot ikot yung dala nyang hindi ko naman alam kung ano yun.



"Hey! What's that?" Curiousity kills kaya! Baka mategi ako agad dito kapag di ko alam yang pinapaikot ikot nya.



"Oh! this one?"


Tinignan ko ito ng seryoso. "Ayy hindi, yung sofa. Yung sofa yung tinutukoy ko kaya nakatingin ako dyan sa hawak mo kasi hawak mo yung sofa." Obvious naman tanong ko ehh! Nakatingin ako sa hawak nya tas tatanungin nya ako kung yun ba? My gosh!



Tumayo na ako para umalis na pero natigil ako nang makita ko din silang nakatayo lahat kaya naupo akong muli para tignan kung susunod pa ba uli ang mga ito at tama nga ako sumunod nga sila. Dahil nasaltikan nanaman ang utak ko napagdesisyonan kong asarin sila kaya tumayo ako ulit, tumayo yung limang sundalo pero itong kapitan nila naka de-kwatro nalang at umiinom ng beer.



"Kung sila kaya mong mapasunod pwes ako ibahin mo Paris." Inirapan ko ang gago at umalis na nang walang paalam.



Gusto ko magrelax ngayon tapos sumipot pa yung gagong yon.


Natigil ako sa labas ng bar nang biglang pumasok sa isip ko kung bakit ko nga ba inaayawan ang lalaking yon.


Wala naman syang ginawang masama saakin para mainis ako sakanya ng ganun........

......pero naaalala ko kasi sakanya yung nakaraan ng lalaking minahal ko.


Natatakot na akong sumugal kaya ngayon palang pinipigilan ko na ang sarili kong magustuhan ang lalaking yon.


"Captain, nandito pa pala sya." Nilingon ko ang nagsalita at agad kong binalik ang malamig kong reaksyon.


"Sinusundan nyo ba ako?" Lumapit bigla saakin si Maximo. Aatras sana ako nang biglang may sumulpot na sasakyan sa likod ko at muntikan na akong masagasaan kung hindi lang ako hinila ni Maximo.


Dahil sa paghila nya saakin sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Kitang kita ko na ng sobrang lapit ang kagwapuhan nya. Nakakainis! Bakit ba ang gwapo nito! Naramdaman ko nalang bigla na parang may nagkakarerang mga kabayo sa puso ko. This is bad.


Tinulak ko sya ng pagkalakas lakas para bitawan na nya ako.


"U-uuwi na a-ako!" Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa nya dahil umalis na ako agad dahil sa sobrang kaba ko.


Nang makarating ako sa sasakyan ko agad akong napahawak sa hood ng sasakyan at saaking dibdib.


Ano yung naramdaman ko kanina?! Bawal yon! Bawal yon!


"Hindi! Gwapo lang sya kaya ganon!" Pagpapaniwala ko sa sarili.


Pumasok na ako sa sasakyan at nagmaneho ng mabilis papunta sa condo unit ko.


Kailangan kong matulog ng maaga dahil baka sa pagod lang yon at antok!


Kinabahan lang ako kasi m-muntikan akong masasagasaan! Tama! Tama! Yon ang dahilan! Wag kayong ano!

-------------------------------

The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon