Chapter 2

1.6K 28 0
                                    

"Salute! Captain!" Sumaludo din ako sa isa kong kasamahan. Hindi naman na nya kailangang sumaludo pa saakin kahit nasa labas na kami ng kampo pero mukhang nasisiraan nanaman kasi ng utak.

"Murphy, tawagin mo na nga sila Damon sabihin mo pupunta na tayo sa club. Sila itong excited pero laging nahuhuli." Hinubad ko ang pang-itaas kong damit at kumuha ng isang plain white
v-neck t-shirt at iyon ang sinuot.

Nilingon ko ang nasisiraan kong kaibigan at hinampas ng walang laman na tubig na plastic bottle. Lumilipad nanaman kasi yata ang utak nya.

"Ayy, Captain!" Shinoot ko ang empty plastic bottle sa trash can saka tumingin muli kay Murphy.

"Sinunod mo na ba yung inutos ko sayo kanina?" Hindi ako nito sinagot at nanatili lamang nakatingin ulit sa kisame. Dahil sa sobrang curious ko kung ano ang tinitignan nya sa kisame tumingin din ako at wala naman akong nakita na espesyal doon kaya binatukan ko si Murphy.

"Ano na bang nangyayari sayo? Sabihin mo lang kung nagkaroon ka ng war shock at dadalhin kita agad sa ospital baka kasi manghamon ka nalang bigla ng away dito." Inalis nito ang tingin sa kisame at napatanga nalang ako nang umalis ito at dumiretso sa banyo.

Si Murphy ba talaga itong kasama ko kasi kapag ibang tao ito ibabalik ko na sya sa kampo.

Sinuot ko ang black leather jacket ko saka humarap sa malaking salamin at
nagpagwapo-pose.

"Woah Captain! Pangmalakasang Cardo Dalisay yata yang suotan mo ahh!" Napalingon ako sa kakapasok lang na hayop. Boses palang alam na alam ko kung kanino galing.

"Uyy Lennon Square!" Okay! Nakalabas na pala ng banyo ang lutang na Murphy.

"Tang*na mo Magma boy!" Napakunot noo ako sa usapan ng dalawa.

"Magma boy?" Walang kaalam-alam kong sambit.

"Captain, kaya ako lutang kanina kasi nag-iisip ako ng magandang code name ko para kapag nagkaroon tayo ng private mission iyon ang itatawag nyo saakin. Nung pumunta ako ng banyo tinext ko si Lennon kung ayos ba ang code name na magma boy at sabi nya ayos lang naman daw kaya binigyan ko na din sya ng code name na Lennon Square." Napanganga ako sa utak ng dalawa. Tang*na! Ang kikinang ng utak nila!

"Ano bang klaseng utak meron kayo?"

Nag-isip ang dalawa saka ngumiti. "Utak tao, Captain. Ikaw anong klaseng utak ba meron ka Captain?" Napahampas nalang ako ng mahina sa noo ko.

Hindi ko na sinagot ang tanong ni Murphy at dumiretso nalamang sa labas ng bahay at binuksan ang sasakyan.

Pinagawa ko ang bahay na ito for my mom and dad para hindi na sila ganoon kalayo saakin pero isang aksidente ang nangyari. Hindi naman nawala ang magulang ko saakin pero labis na trauma ang naiwan ng aksidente sakanila kaya imbes na magkakasasama na kami noon pa ay namalagi sila sa ospital pero buti nalang maayos na ang lahat at nakabalik na din sila sa dati pero maspinili nila na sa isang probinsya namin sila tumira para nandoon daw ang ilang kamag-anak namin. It was a masacre and I want a justice not only for my parents but to my friends, relatives, and other people who died in the masacre. May isang sundalo na kumausap saakin na kung gusto ko makuha ang hustisya para sa mga taong namatay kailangan kong sumali sa militar para labanan ang mga teroristang pumatay sa mga kakilala ko. My dream is to be a lawyer pero kinalimutan ko iyon para maging sundalo.

Matagal na simula nang matalo namin ang grupo nila pero nanatili pa din ako dito dahil napagdesisyonan ko na sa pamamagitan ng pagsusundalo hindi lang pamilya at kakilala ko ang mapoprotektahan ko pati na din ang buong Pilipinas.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang