Chapter 43

496 16 0
                                    

-Sorry for the late late update. Madami po kasi akong ginawa kaya yung promise ko na tatapusin ko na sya before mag end ang March ay hindi na natuloy dahil naging busy po ako pero sa mga naghintay thank you po sainyo kahit na hindi talaga ako madalas mag-update.
———————————————

"Dad, matutulog na po ako." Nagtinginan nanaman sila lahat sa akin dahil sa pagsulpot ko bigla. I'm not on my mood today kaya itutulog ko nalang.

"Maaga pa....." Ngumiti lang ako sa tatay ko saka sa mga kasama nya.

"May pupuntahan pa po kasi ako bukas ng maaga kaya kailangan ko na matulog para hindi ako malate." Pinilit ko pa din ngumiti kahit may nararamdaman akong pagbara sa lalamunan ko at isa pa alam kong nakatingin si Maximo sa akin pero hinayaan ko nalang at ayaw ko sya makausap ngayon hindi sa nag-iinarte pero gusto ko muna ng space. Nasa trabaho naman sya ngayon kaya sigurado naman ako na hindi na din nya gagambalain ang alone time ko.


"Where are you going tomorrow?" Tumingin ako sa gawi ng ilang sundalo na naroon saka binalik ang tingin kay daddy na hindi pinalampas ang sinabi ko kanina. Sa office lang naman ang punta ko bukas pero nagawa ko yata syang big deal kay daddy.


"Somewhere." Tumango-tango ito.

"Okay. Just text me the details tomorrow kung saan ka pupunta. Good night honey." Tumayo ang tatay ko saka ako niyakap at hinalikan sa noo. "Alagaan mo ang sarili mo palagi Paris dahil hindi araw-araw kasama mo kami ng mommy mo." Tumango ako saka niyakap si daddy at siniksik ko sa leeg nya. Nakakahiya man at dito pa kami nagyakapan ng tatay ko pero kasi gusto ko muna maramdaman saglit ang kalinga at pagiging Alejandro Mondejar ni daddy at hindi pagiging isang Lt.Gen.Mondejar na mahigpit. I miss my daddy so much dahil simula noong may nangyari kay Darick hindi na kami gaano kaclose ng tatay ko at unti-unti ko din napansin na lumalayo ako sa sakaniya.


"Daddy......" Humigpit pa lalo ang yakap ko dahil sigurado pagkatapos ng araw na ito hindi ko nanaman sya makakasama dahil busy nanaman sya sa pagsisilbi sa gobyerno at sa bansa.


"Don't cry honey.....naiiyak na din si daddy at nakakahiya kasi nandito si Mr.President at may mga sundalo din dito......." Tumawa ako dahil sa bulong na iyon ng ama ko. Malambot sya pagdating sa pamilya nya at minsan ayaw nya iyon na makita ng ibang tao dahil baka i-blackmail daw sya pero ngayon bilib din ako sa old man na ito dahil tumatapang na din sya.


"I'm not crying....." Saktong pagkakasabi ko lang ay bigla akong suminghot at narinig iyon ni daddy. I don't want to cry but I can't hold my tears because of my mix emotions for the past and present.


Pinahid ko ang ilang nakatakas na luha mula sa mata ko saka lumayo na kay daddy. Nagpaalam na ako sa mga naroon saka pumasok na sa loob ng bahay at sakto naman nakasalubong ko si mommy na patungo sa dining area sa pool side para magbigay ng coffee. Nagpaalam na din ako sakaniya saka humalik bago ko umakyat sa kwarto at pagsara ko ng pinto doon na bumuhos lahat ng luhang kinikimkim ko kanina pa.


Alam kong may rason si Maximo kaya nya ginawa at sinabi yon pero masakit pala. Gusto ko syang intindihin dahil baka may dahilan sya at ayoko maging sensitive sa lahat ng galaw nya. I don't want to be a toxic girl to Maximo because I don't want to be a burden to him. Marami na syang iniisip at ayoko na dumagdag pa doon.......pero kasi nasasaktan ako. I want to hear his explanation but I can't at the same time because of what he did earlier. Naguguluhan na din ako sa sarili ko at dumagdag pa yung text kanina.

Nahiga ako sa kama at napangiti ako nang wala sa sarili dahil pumasok sa isipan ko yung mga panahon na okay pa ako. Yung wala akong inaalala. Yung walang Darick at Maximo pa sa buhay ko. Yung tanging iniisip ko lang ay yung makatapos ako ng isang design para maipasa iyon at makapag-audition sa mga darating na fashion show.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now