Chapter 29

646 12 0
                                    

Naupo ako sa may bar stall na malapit sa bartender dahil masyadong madami nang tao kung gigitna pa ako at baka mamaya mangyari nanaman yung mga kinakaayawan ko at yon yung mga sumasayaw-sayaw na lasing saka matutumba sa pwesto ko at matatamaan ako.

Tumingin ako sa mga alak at habang nakatingin ako sa mga iyon ay parang nanunuyo na ang lalamunan ko. Matagal na din ako hindi nakakainom ng mga hard liquor dahil palaging nasa bahay si Maximo at palagi nalang nya sinasabi na alcohol is bad for my health pero umiinom din naman sya. Hipokrito talaga ang lalaking yon paminsan-minsan kaya hindi ko nalang pinapatulan dahil baka may pinagdadaanan lang.

Hindi ako makapili kung ano sa mga alak ang uunahin ko kaya luminga linga na muna ako at may pumukaw naman na inumin sa mata ko na hawak ng isang lalaking customer. Pulang-pula sya na may cherry sa tuktok at parang umaapo-apoy pa ng kaunti. What kind of drink is that?

"Excuse me...." Tawag ko sa bartender na hindi naman gaano kalayo sa akin.

"Yes mam?" Gwapo  ang bartender pero nasa alak pa din ang atensyon ko. Tinuro ko ang alak na mapula saka tinignan ang bartender.

"What kind of drink is that?"

"Ohh that drink is Cherry Bomb, one of our best seller here." Tumango tango ako saka ngumiti.

"I want that drink too...." Kinindatan ko ang bartender at nakita ko na ngumisi ito. OMG! he has dimple!!!

Balaban din pala itong bartender na ito. Habang ginagawa nito ang alak nakita ko na iba't-ibang alak ang pinaghahalo nya at isang red sauce na hula ko ay iyon ang cherry sauce. Inalis ko muna ang tingin ko sa ginagawa ng bartender para hanapin si Maximo dahil baka mamaya inalon na sya ng mga tao sa dancefloor.

Natagalan ako sa paghahanap sakanya at yun pala ay nasa second floor lang ng club at may mga kasamang....wait.....babae?!

"Mam, this is your drink." Inalis ko muna ang tingin ko kay Maximo na ngingiti ngiti sa mga babaeng pinagkakaguluhan sya sa itaas. Inabot ko ang inumin na umaapoy- apoy pa ng kaunti. Tinignan ko iyon saka nagtataka kung pwede ko na ba syang inumin o hindi dahil baka mapaso ako.

Nang mawala ang apoy saka ko nilagok ang alak at para akong bumalik sa nakaraan nang malasahan ko iyon. Para ko na syang natikmaan sa kung saan pero hindi ko alam kung saan. Uminom muli ako at sa pagkakataong iyon ay wala na akong tinira. Mapait sya sa una pero pagtumagal ay grabeng tamis ang malalasahan mo na magpapawala ng kapaitan sa lalamunan mo.

Tumingin ako sa bartender saka sinenyasan ko ito na bigayan pa ako ng isa pang Cherry Bomb.

After I order my second drink, I check Maximo again at hanggang ngayon ay kasama pa din nya ang mga babae at sa pagkakataong iyon ay para silang dumami pa. Ano bang meron sa lalaking yon? Bakit parang naging habulin na yata sya ng babae? Fine! Hindi ko naman kasi makakaila na gwapo talaga sya......

Hindi ko nalamang ito pinansin dahil baka gusto din naman magpakasaya lalo na't hindi naman nila iyon palagi nararanasan dahil sa mga misyon na binibigay sakanila.

Ininom ko ng dalawang beses ang alak at saka ko lang naramdaman ang kaunting hilo. Hindi ako mabilis tamaan ng alak dahil sanay na ako pero ang inuming iyon ang kaya yatang patumbahin ako ng ilang inuman lang pero kahit nakakaramdam na ako ng hilo ay tuloy pa din ako kaya umorder na ako ng dalawa para isahan nalang.

Kailangan ko na lubusin ang araw na to' dahil sigurado ako na bukas may sisira nanaman ng araw ko. Minsan lang pumayag si Maximo kaya lulubos lubusin ko na.

While drinking my third Cherry Bomb drink I feel that there is someone beside me so I looked at it and saw a man unfamiliar to me with a smile even scarier than a ghost.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now