Chapter 51

502 15 0
                                    

Gusto kong bumalik sa unit niya pero parang may pumipigil sa akin na wag na lang. Is this because of guilt?

Alam ko na sa oras na makonsensya ako sa mga nasabi ko ay hindi na ako makakapunta ng mission. Natakot ko siya at kitang kita ko iyon sa mukha niya at dahil doon ay gusto ko nalang sapakin ang sarili ko dahil nagpromise ako sa sarili ko na hindi na ako gagawa ng kagaguhan na maaaring magdala ng stress kay Paris pero ito nanaman ako at nakalimutan ko nanaman ang pangako ko sa sarili ko at sa kaniya din.

Gusto ko linawin ang lahat ng nangyari kanina dahil sigurado ako na matagal nanaman kami muli magkikita at may posibilidad man na hindi na mangyari iyon dahil ang susunod at huli kong misyon bilang sundalo bago ako umalis ay madugo at kailangan paghandaan.


Bumalik ako sa bahay saka niligpit ang ilang gamit ko na pwede kong dalhin sa misyon at isa na doon ang maliit na larawan namin ni Paris noong panahon na nasa Bolinao kami at hindi pa gaano maayos ang trato niya sa akin. Ang lugar na iyon ay memorable sa akin hindi lamang sa dahil may nangyari kundi dahil naging konektado kami sa isa't-isa noong panahong iyon at dahil doon ay nabuo at lumaki ang pagmamahal ko sa kaniya kahit na sabihin na napaka-aga para mapamahal ako agad sa isang tao na ilang pagkikita lang pero para sa akin ay hindi naman nasusukat ang haba ng panahon para mahalin mo ang isang tao dahil kung haba ang sukatan ng pagmamahal ay hindi mabubuo ang salitang "love at first sight".


Napangiti ako saka nilagay na sa bulsa ng bag ko ang larawan at hinanda na ang ilang gamit na pwedeng makatulong sa misyon namin.


Mamayang gabi ay kailangan na naming bumalik sa Head Quarter para pag-usapan nanaman ang maaaring mangyari at mga plano na susundin para sa misyon. This is my last mission before I resign as a soldier and a captain of Alpha Team so I want this mission to be successful without any civilians and soldiers getting hurt.


Nang matapos ako sa pagliligpit nilagay ko na lahat sa sasakyan ang mga gamit saka tinignan ang bahay na maiiwan ko nanaman na walang tao. Naiisip ko nga minsan kung tao din o nakakaramdam ng kahit na ano lang siguro ang bahay na ito ay siguradong nagtatampo na ito sa akin dahil palagi akong wala.

Natawa ako sa naiisip saka kinuha ang isang folder na naglalaman ng ilang papeles sa coffee table saka binasa ang mga nakalagay doon. Matagal ko na talaga pinahanda ito pero ngayon ko lang natanggap dahil nasa trabaho ako palagi.

Napangiti ako habang nilalagdaan ang bawat papel at iniisip ang maaaring mangyari sa hinaharap.

Ang papel na ito ay inihanda ko kung sakali man na may mangyari sa akin sa misyon. I want to clear everything. Hindi ko naman kasi masisiguro kung maliligtas ba ako sa mga panganib na nasa tabi ko lang minsan kaya. Hindi ko lang naman ito ginawa para sa maaaring mangyari sa mission namin kundi para na din sa mga susunod pa na mangyayari at inaayos ko na din ang lahat para bago kami maikasal at magkaanak ni Paris ay kumpleto na ang lahat ng papeles na kakailanganin including my will.

Natapos ko ang pagpirma sa mag papeles saka nilagay ko na ito sa sasakyan at sinara na ang bahay. Tuwing may misyon ako ay palaging ganito ang sitwasyon at ginagawa ko.

Tumitingin ako palagi sa kabuoan ng bahay ko saka ngingiti at nagpapaalam na akala mo ay katapusan na ng lahat. Natatawa man ako pero kasi naging parte din ng buhay ko ang bahay na ito dahil yung mga nauna kong sahod ay inipon ko at noong nakaipon na ako ng sapat na pera ay nilaan ko dito lahat dahil pangarap ko din na makapagpatayo ng bahay gamit ang pinaghirapan kong pera.

Sigurado naman na kapag maiiwan ko ang bahay na ito ay sa mabuting kamay siya mapupunta.

Umalis na ako sa bahay saka nagmaneho patungo sa bahay ni Mr.Mondejar. I want him to know na desidido na ako na sumama sa laban. Ayokong maiwan sa kampo habang iniisip ko na nasa panganib ang mga kasamahan ko. Ayoko maging useless dahil hindi ako nagtraining para lang mamasyal at magpapogi lang. Nagsundalo ako para maprotektahan ang mga mahal ko sa buhay at ang bansa.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon