Special Chapter #3

646 13 2
                                    

Months later.......

I am standing in front of the mirror, wearing my own designed wedding gown.

"Mimmi?" I turn around and smile when I saw my child.

"Wow! You look so handsome!" Niyakap ko ito saka binuhat. I don't care if magugulo man ang gown ko or ayos ko basta mayakap ko lang ng mahigpit ang anak ko.

"Where have you been kiddo?" Pinapatawag ko kasi ito kanina dahil sabi ni mommy ay hindi pa daw ito nakabihis dahil naglalaro pa at ayaw magpahawak kaya tumakas.

"Daddy." Kumunot ang noo ko.

"Wala naman si daddy mo dito ahh?"

"Nandito siya kanina." Nilingon ko ang nagsalita at si mommy pala iyon.

"He said, maaga daw siya pumunta dito to get Axis para siya na ang magpaligo at mag-ayos sa anak niyo." Tumango-tango ako saka hinalikan ang anak ko sa pisngi at kung saan-saan pa.

Ilang araw din kami hindi nagkita dahil sinama siya nila mommy sa Japan to visit the Universal Studio there. Mabilis nilang napasama ang anak ko dahil sinabi lamang nila na marami syang favorite na nandoon ay sumama na ito agad. Naiwan kami ni Maximo dahil madami pa kaming aasikasuhin for our wedding.

May mga kakilala naman ako na mga organizer kaya sila na ang inasahan ko pagdating dito. Ako na din ang gumawa ng mga gowns and dresses for my own wedding dahil for me ay less hassle siya dahil hindi mo na kailangan magpabook at alam na alam ko ang progress.

Binaba ko na ang anak ko nang tinawag na ito sa labas. Kailangan na daw kasi pumunta sa mismong venue dahil hinahanda na nila lahat ng mga maglalakad.

Pinili namin ni Maximo na maging simple lang ang kasal at puro family and friends lang ang pupunta. May mga media din sana na gustong pumunta ngunit hindi na namin sila pinaunlakan dahil baka maging magulo lang ang kasal lalo na't medyo madami sila na gustong pumunta. We choose a private wedding kaya wala masyadong pictures and videos na maipapakita in public but after the wedding naman ay magbibigay nalang kami ng statement.

Nang ako na lamang ang mag-isa sa loob ng silid ay binalik ko muli ang tingin ko sa salamin saka ngumiti.

Hindi din nagtagal ay may kumatok mula sa labas at iyon ang kaibigan ko na nag-organize ng kasal ko.

"Paris, handa ka na ba?" Excited nitong sambit. Tumango ako.

"Then, let's go. Naghihintay na sila lahat sa baba."

*****

Watching the woman I love walking down the aisle is really a memorable scene in my whole life. Hindi ko ma-express kung gaano ako kasaya.......

I started to cry nang nasa kalagitnaan na siya ng aisle at hinawakan na siya ng mga magulang niya. Sobrang saya ko dahil sa wakas natupad ko din ang promise ko sa kaniya.....at iyon ay pakasalan siya at makasama siya hanggang sa pagtanda.

"Pre, yan na siya." Pinunasan ko ang luha ko saka nguniti at niyakap si Paris. Yumakap at nakipagkamayan din ako sa parents niya saka dinala ko na siya sa harapan ng altar.

The venue has their own chapel para sa mga magpapakasal, binyag, at sa mga simba tuwing Sunday. Pinili namin ang place na ito dahil hindi malayo siya sa city, at maganda ang ambiance. Medyo mahal ang reservations lalo na kapag wedding ang mangyayari dahil madaming need ipareserve, but of course hindi namin iyon inisip dahil special ang araw na ito para sa aming dalawa ni Paris.

I can't stop myself to reach her hand because of nervousness.

Nagsimula na magsalita ang pari, at medyo tumahimik na ang lahat. Paminsan minsan ay naririnig ko ang anak ko na nagsasalita dahil medyo malapit lang siya sa pwesto namin dahil kandong siya ng mommy ni Paris.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon