Chapter 42

525 12 2
                                    

Nagmamadali akong pumasok ng bahay dahil 7:18pm na at kadarating ko lang. Nahumaling kasi ako sa pamimili ng kung ano-anong gamit sa mall dahil nagbabalak nanaman ako na palitan yung ibang furnitures ko sa unit kaya natagalan ako dahil inayos ko pa yung mga idedeliver doon.

Bumaba na ako agad ng sasakyan at napansin ko na may tatlong sasakyan nanaman na nakaparada sa labas ng bahay. Napailing-iling nalang ako dahil ganyan naman palagi kapag dumadating si daddy.

Pagpasok ko ng bahay naamoy ko agad ang masarap na amoy ng ulam at sigurado ako na si mommy ang nagluto ng pagkain namin for dinner dahil nagrequest ako. Nakasalubong ko si manang diane sa sala kaya nilapitan ko ito upang tanungin.

"Nasan sila?"

"Ayy nasa pool side sila mam Paris dahil doon daw gusto ng daddy nyo magdinner." Tumango ako saka nagmamadali na tumungo sa pool side area. Nainis pa ako ng kaunti dahil nagmamadali na nga ako at doon pa gumana ang pagiging malimutin ko kaya ang nangyari kahit tumira ako dito mula pagkabata ay naligaw pa din ako pero buti nalang nakarating din ako sa wakas at bumungad sa akin ang napakabangong usok ng inihaw na barbecue.


Winaksi waksi ko ang usok at bagsak ang bibig nang makita ko ang mga nasa hapag na nagk-kwentuhan.

Akala ko ba dinner with the family lang at wala lang sila kuya? Pero bakit yung nakikita ko ay nandito ang Presidente ng Pilipinas na umiinom ng kape at may mga limang sundalo din na naroon at isa doon ang lalaking humihingi ng load sa akin kanina.

Tahimik sana akong susulpot sa hapag dahil parang may pinag-uusapang importante ang mga ito pero napansin ako agad ni daddy kaya napatigil ang pag-uusap nila at lahat ng mata ay nakatuon na sa akin na ikinahiya ko.


"Nandyan kana pa.....maupo kana sa tabi ng mommy mo para makapagdinner na tayo." Ngumiti ako ng pilit at hindi ko mapigilan na tignan ang lalaking humihingi ng load. Hindi ko sya mairapan dahil nakatingin pa din ang iba sa akin kaya binigyan ko nalang sya ng blangkong ekspresyon.

"Ngayon nalang kita nakita Paris.....parang noon lang ay sama-sama ka pa ng daddy mo na pumupunta sa bahay." Nilingon ko ang presidente saka nahihiyang ngumiti. Buti nalang talaga hindi na nya tinuloy na sinasama ako ni daddy papunta doon sa bahay nila para manghingi ng pamasko kahit hindi pa naman pasko.

Mr.President is my father's bestfriend. Noon palang bago pumasok ng politika si Tito Hernan ay magkaklase na sila ni daddy noon pang highschool at college at nagkahiwalay lang sila nang mag-aral si Tito Hernan ng Law sa ibang bansa habang ang tatay ko ay nandito sa bansa at nagt-training para maging isang Philippine Army pero noong bumalik naman ito ay kilala pa din nila ang isa't-isa. Nagplanong tumakbo sa politika si tito nang mapansin nya ang ilang galawan ng ilang mga politiko na nasasangkot sa korupsyon. Wala na akong masyadong alam na detalye kung bakit paano at bakit nais ni tito na tumakbo sa politika at baguhin ang sistema ng gobyerno.


Naupo ako sa tabi ni mommy at sakto katabi ko ang lalaking namumulubi sa load. Ayoko muna syang tawagin sa pangalan nya dahil nababanas ako sa ginawa nya kanina. Naramdaman ko ang mahinang pagsipa nito sa paa ko kaya napatingin ako sakaniya at binawian ng sipa pero sa pagkakataong iyon ay medyo malakas na hindi nalalaman ng iba. Alam kong naramdaman nya ang pagsipa ko dahil ngumisi pa ang loko.


Nagsimula na kaming kumain at hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila pero sigurado ako na tungkol nanaman iyon sa kalagayan ng bansa at kung ano ano pang childhood memories ni tito at daddy. Hindi ko tinuon ang pansin ko sa mga usapan nila at puro kain nalang ako. Masasarap ang ulam kaya hindi ko mapigilan kumain at isa pa namiss ko na din magluto si mommy kaya kain lang hangga't may lalagyan pa sa tiyan yung kinakain ko.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now