Chapter 58

558 14 3
                                    

Thanks for the comments😍 Miss niyo ba update ko? Char! One week din pala ako hindi nag-update😅 Bawi nalang ako next year😂

Enjoy Reading😍
————————————-

Buong araw ko ay parang walang laman ang utak ko kundi puro Maximo lang. Hindi ako kumakain hangga't hindi ako pilitin ni mommy at hindi din ako gumagalaw ng pwesto hangga't hindi ako ginagabayan ng nanay ko.

Wala akong kinausap kahit na isa sa kanila dahil hindi ko din alam kung ano ang pwedeng sabihin sa kanila lalo na't baka isang salita ko lang ay iiyak nanaman ako.

"Anak.....magpahinga ka na. Hindi ka nakatulog kanina. Don't worry sabi ng daddy mo ay sila na daw ang bahala doon....."


"Mommy....." Mayroon akong hindi nalaman na sinabi lang ni daddy sa tatay ni Maximo at kay mommy dahil baka kapag sinabi daw sa amin dalawa ni tita ay dumoble ang nararamdaman naming sakit.


"Ano yung sinabi ni daddy kanina sa inyo?" Normal kong sambit. Lumunok ako upang mawala ang nagbabara sa lalamunan ko at pilit na hindi pinakita sa nanay ko ang sakit na nararamdaman ko.


"I'm sorry Paris pero sabi din ng doctor na huwag din sabihin sa inyo agad dahil—"

"Mom....please. Sabihin niyo na sa akin ngayon dahil once na mag-open kayo uli sa akin about dyan ay baka bumalik nanaman ang lahat. Sobrang sakit pero pinipigilan ko gumawa ng ikasasama lalo ng loob ko kasi gusto ko din po protektahan ang nag-iisa at pinaka importanteng ala-ala sa akin ni Maximo. Gusto ko isahan na lang ang sakit dahil kapag unti-unti na akong nagmove-on for my baby ay ayaw ko na po makarinig ng kahit na ano patungkol sa nangyaring masama kay Maximo."


"Pero makakasama din ito sa kalusugan mo......isipin mo din ang sarili mo anak. Kailangan mo din alagaan ang sarili mo para sa anak niyo."

"Pero mommy......"

"Paris....."

"Please say it now....." Napapagod na ako ngunit hindi ko titigilan si mommy dahil maslalong hindi ako tatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang lahat.

"Sige.....ganito na lang. Sasabihin ko sayo pero dapat ipromise mo sa akin na hindi ka gagawa ng kung ano na makakasakit sayo lalo......." Tumango ako pero nakikita ko pa din sa reaksyon ni mommy na hindi talaga siya naniniwala sa akin.


"Sabi ng daddy mo naklaro na daw nila lahat but to make sure ay sasailalim muna sila sa autopsy pero—"

"Mommy, what do you mean by sila?" Huminga ng malalim ang aking ina saka nagpatuloy muli.

"Base on the investigation madami ang nadamay pero hindi na sinabi ng daddy mo kung ilan dahil kailangan muna itago ang mga impormasyong iyon pero sinabi lang ng daddy mo sa amin kahit labag sa batas ay para malaman namin ang lahat also Maximo's parents na gusto din ng explanation about sa nangyari. Your daddy is doing his best to give us some information even though its risky." Tumango ako ngunit mabagal pa din ang pagproseso ng ilang impormasyon sa utak ko.


"You can continue, mom." Nilingon ako nito. "Don't worry my brain can take all the informations kahit na mabagal."


"I think....you should rest first. Bukas ko na lang sasabihin lahat. Anak, naaawa na ako sa kalagayan mo ngayon. Kahit na ilang ulit ka ngumiti sa akin para masabi na okay ka kahit hindi, as your mom alam ko lahat ng nararamdaman ng anak ko. Kaya please lang....magpahinga ka na muna at bukas na tayo mag-usap dahil nakakasama yan sa bata at sayo din kaya kung gusto mo protektahan ang nag-iisang ala-ala sayo ni Maximo ay dapat magpahinga ka at isipin mo ang kaligtasan niyong mag-ina. Okay?"


The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now