Chapter 28

722 14 0
                                    

It's been a week since he started protecting me. Kung yung unang araw ay mailang-ilang pa kami sa isa'-isa, ngayon ay para na kaming aso't pusa.

"You can't go outside today....." Napairap nanaman ako dahil nasa tabi ko nanaman ito. Hindi pa sya pinapapasok sa militar dahil sa injury nya. Panay na din ang reklamo ko sa tatay ko dahil malala na ang lalaking to' pero yung tatay ko ay panay ang sabi din na inuutos nya yon kay Maximo at sumusunod lang to'. May mga sinusunod din naman ako na rules na sinasabi nya dahil masstress lang ako kung makikipagdebate pa ako sa lalaking to'

"C'mon Maximo! One week na ang nakalipas at sigurado naman ako na hindi na ako gagalawin nila Mr. Villavega! Pinacancel ko na lahat ng appointment nila sa akin kaya siguro naman ayos—"

"Gusto mong umalis?" Napatigil ako sa pagsimsim ng kape saka tumungin dito.

"Yes!"

"Fine. Pwede ka lumabas pero wag mo akong tatawagan kung may mangyari sayo....You can go now." Tuwing nakakasama ko talaga ang lalaking to' nagiging paborito ko na ang pag-irap.

Umalis nalang ako mula sa pagkakaupo at dumiretso sa kwarto para kunin ang bag ko. Handa na akong umalis nung hinarang nya ako kanina sa labas ng unit ko kaya no need na para magbihis.

Dumiretso ako sa may pinto at ramdam ko ang presensya nya sa likod ko pero hindi ko nalang pinansin. Alam kong may pagkasarkastiko ang pagkakasabi nya kanina pero dahil sinabi nyang pwede akong umalis, aalis talaga ako.

Bubuksan ko palang ang pinto nang magulantang ako sa paghampas nya sa pader at sa malapit nyang presensya sa akin. TF!

"Sino may sabing lumabas ka ng hindi ako kasama?" Abnormal ba to'? Kasasabi lang nya kanina tapos tatanungin nya ako......

"Wala kang sinabi na sasama ka...."

Imbes na tanggalin nito ang kamay at lumayo ng kaunti upang makaalis na ako ay iba ang ginawa nya. Maslalo nya pang nilapit ang mukha nya sa akin pero syempre dakilang matapang ako kaya kahit anong lapit ng mukha nya ay sinasalubong ko iyon.


"Sasama ako." Saglit pa kaming nagtitigan bago ito umalis sa harapan ko. Kunot noo ko itong tinignan. Ano ba kasing trip ng isang to'?


"Bahala ka....basta aalis ako." Nauna na akong lumabas ng bahay at narinig ko naman na nagsara ang pinto at ang yabag nito. Akala ko ay mananatili sya sa likod ko pero ang loko ay nauna pang maglakad sa akin at nauna ding pumasok sa elevator.


Nang magtagpo ang mata namin wala akong ginawa kundi irapan lamang ito saka pumasok. Binabawasbawasan ko na nga ang pagiging mainisin ko pero ang isang to' ay parang gusto yatang matikman lagi ang inis ko.


Nang makarating kami sa baba nauna na akong lumabas pero hindi nagtagal ay nanguna din ito sa paglabas ng building. Hindi kami nagkakarera pero mukhang gusto yata ng lalaking ito na magkompetensya kami dito.


Nang makalabas ako hindi ko na sya matagpuan kaya kinuha ko na ang phone ko para magbook ng sasakyan pero pipindutin ko palang ang book nang biglang may busina ng busina sa harapan ko. Nakagilid naman ako at hindi naman nya ako masasagi tapos busina pa ng busina. Maganda ang sasakyan at base sa pagkaalam ko ay latest ang model ng sasakyan, siguro mayaman ang may-ari at bagong lipat lang dito.


I can't use my car dahil utos yon ng tatay ko dahil baka kung ano daw gawin sa akin habang nasa sasakyan ako at isa pa base kay daddy maaaring kilala na nila Mr.Villavega ang sasakyan ko kaya bawal muna akong gumamit ng sasakyan hangga't hindi pa naaayos ang lahat.


Pipindutin ko na sana muli ang book now nang biglang bumusina nanaman ang sasakyan. Ano nanaman bang problema ng may-ari ng sasakyan na to'. Ano to' flex lang na may sasakyan syang mamahalin....pwes WALA AKONG PAKE!

Binalik ko ang tingin ko sa cellphone at nakita ko ang pangalan ng tukmol. Balak ko sanang hindi sagutin pero baka mamaya may importante lang na sasabihin kaya labag sa loob ko iyong sinagot.

"Ano nanaman?"

"Halika na dito sa sasakyan" Luminga linga lang ako kung saan para hanapin ang sasakyan nya na nakita ko na noon pero nakailang linga ako wala naman akong nakikita.


"Hoy lalaki! Wag mo nga akong pinagloloko. Lutang ka yata! Wala ka namang sasakyan dito ehh." Narinig ko ang mahina nitong tawa sa kabilang linya na lalong nagpaangay ng dugo ko. Aba may gana panh tumawa!


"Meron kaya.....ano ba kasing hinahanap mo ehh malapit nga lang ako sayo." Alam ko na ang ibigsabihin nya ay yung tungkol sa sasakyan pero kasi parang iba ang dating ng sinabi nya sa akin.


Mygosh Paris! Kabahan ka nga!


Lumingon nanaman ako kung saan-saan at wala namang malapit na sasakyan sa akin kundi yung sasakyan lang na busina ng busina na parang tanga.

"Halika na....."

"Anong halika na?! Saan?! Wala nga akong makitang sasakyan!"

Bumisina na nanaman ang sasakyan na halos ikamatay ko na dahil sa gulat.

"Ohh ayan bumusina na ako.....halika na dito." Lumaki ang mata ko nang tignan ang sasakyan. Inis akong nagmartsa patungo sa pintuan ng driver's seat saka kinatok iyon. Bumukas ang bintana at nakita ko nanaman ang lintek nitong ngisi. Sa pagkakataong iyon hindi ko sya inirapan at basta ko nalang hinampas ang bag ko sakanya. Hindi naman gaano malakas yon pero sapat na para makabawi sa panggugulat nya sa akin kanina pa.

Tumungo na ako sa back seat at naupo na parang boss. Ayoko muna syang makatabi dahil baka masapak ko lang sya. Ilang araw na nya akong iniinis kaya baka mamaya hindi ko na mapigilan ang sarili ko na masapak sya.

"You don't want to sit beside me?" Umiling ako saka tinuon nalang ang atensyon sa labas. Narinig ko itong bumuntong hininga. "Fine." Hindi nagtagal umandar na din ang sasakyan pero hindi pa kami nakakalayo nang itigil nya ito sa gilid saka tumingin sa akin. Tinaasan ko naman ito ng kilay.

"You know what......ayaw ko talaga na magkagalit tayong dalawa so please let's stop this nonsense argument and let's enjoy this night. Don't worry sasama lang ako sayo to protect you at hindi na kita papakealaman sa gusto mong gawin." Sa sinabi nyang iyon unti-unti akong kumalma. Ayaw ko naman talaga makipag-away sakanya dahil hindi na kami bata para mag-away pa.

"So please......come hear beside me." Ngumiti ito na parang tuta kaya wala akong nagawa kundi ang tumabi na din sakanya.

Nang makaupo na ako sa shotgun seat lumingon ito sa akin.

"Saan tayo pupunta?"

"Club." Alam kong napatigil ito pero hindi na ako nagsalita pa dahil doon naman talaga ang punta ko.

Hindi ko na din sya narinig pang magsalita kaya hanggang sa makarating kami sa isang club na napuntahan ko na din noong peaceful pa akong nakikipag-inuman kung saan. Marami ang nagsasabi sa akin na kababae kong tao palagi akong umiinom. Wala akong pake sakanila kung ano ang sabihin nila dahil buhay ko to' at alak lang ang kadamay ko noong nagdadalamhati ako sa namatay kong puso. Ayaw ko na balikan ang ala-alang yon pero yung alak gusto kong balik-balikan.


Tinigil nito ang sasakyan pero hindi na muna nya ako hinayaang lumabas dahil maghahanap na muna daw sya ng parking. Hindi naman nagtagal ang paghahanap nya dahil may mga nag-aassist naman na tauhan sa club  kung saan pwede magpark. Hinintay ko itong lumabas at sabay na kaming pumasok.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay bumungad agad sa akin ang mga alak at mga nagsasayawan na mga tao. Lilingunin ko na sana si Maximo para sabihin kung saan ako pupunta pero pagkalingon ko wala na sya.

He's now doing his job.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now