Chapter 45

504 14 0
                                    

Hello! Update Again! Thank you po sa paghihintay......

Isang linggo na ang lumipas at tinutok ko nalang ang sarili ko sa paggawa ng mga designs at dress para sa mga client ko na matagal na pala akong hinihintay.

Sa isang linggo na iyon ay bihira lang ako makatanggap ng tawag at text kay Maximo at expect ko naman yon dahil nga nasa trabaho sya at maswerte ka na nga lang kung matawagan o matext ka nya palagi.


Ang huli nyang tawag sa akin ay kahapon at sinabi nya na may mission daw sila at ngayon yon. Hindi nya sinabi ang oras pero hindi na ako nagreklamo dahil karapatan nya yon at nasa batas nila yon.


"Ms.Paris." Nilingon ko ang sekretarya ko na ngayon ay may kasama nang kliyente. Nginitian ko ito saka pinapasok sa opisina.


"Hello po. Take a sit so that we can start." Naupo ito sa pang-isahang upuan na nasa tapat ko lang. Inabot ko dito ang ilang designs na pinili ko para sa magiging wedding gown nya. Wala syang binigay na design sa akin kaya ako na mismo ang pumili at sigurado ako na yung tatlo na ginawa kong designs ay babagay sa kaniya.


Hinintay ko ito na pumili sa mga designs at sakto naman na pumasok muli ang sekretarya ko na may dalang tray. Nilapag nito ang dalawang tasa ng kape at dalawang platito ng cake. Napangiti ako nang makita ang cake. Hindi ko naman talaga hilig ang banana cake pero noong pumunta kasi kami sa Makati ni Maximo may pinagbilhan kami ng cake noon at sinabi ng cashier na best seller daw nila yung cake na yon kaya hindi na kami nag-alangan dahil mukha namang masarap at nakita namin na kabibili lang ng ganon yung dalawang babae ng cake na yon. Nakakalula ang price ng cake for a small size at napatanga ako nang malaman namin na banana cake pala iyon pero nakakahiya naman na bawiin pa namin dahil nakabox na yung cake. Pagkadating namin sa bahay naunang kumain si Maximo dahil curious daw sya kung anong lasa ng gintong cake. Noong sinabi nya na masarap hindi agad ako tumikim, saka lang ako tumikim nung naghahanap na ako ng dessert after we eat or dinner. Sobrang sarap ng cake at sakto lang ang tamis nya kaya pagkatapos non palagi na ako bumibili ng cake at natutuwa din ako dahil kapag bibisita si Maximo sa unit ko noon ay palagi syang may dalang cake pero ang loko ay kakalahatiin palagi ang cake kasi favorite din daw niya. 



"Ito po yung gusto ko." Kinuha ko ang disenyong inabot sa akin ng kliyente saka tumango at sinabi sakaniya lahat ang detalye about sa gown para kung may ayaw sya na materials na gagamitin ko ay mapalitan ko agad. 



"Gusto ko yung design nya is pulido po ang pagkakaburda." Tumango ako saka sinulat iyon sa maliit kong notebook. "Kasi yung nagpagawa po kami ng gown sa ibang shop para sa wedding ng cousin ko, yung design po sa mismong gown ay hindi maayos at parang hindi sya burda." 



Tumango akong muli. "Okay po. Ang gagawin ko po is iuupdate ko po kayo palagi about sa gown para kung may ipapabago kayo na ilang designs lalo na din doon sa gown ng mga bride's maid." Tumango ito.



"Okay po. Ilang days or weeks ba ang hihintayin namin?"


Tinignan ko ang Ipad na kung saan doon ko nilalagay lahat ng mga schedule ko. May mga ibang dress din kasi akong ginagawa kaya hindi ko masasabi na agaran kong magagawa ang orders nya pero maspinapriority ko kasi yung rush or malapit na yung deadline para hindi magkaproblema. Noon kasi nagkaroon ako ng problema dahil nagkasabay-sabay lahat at hindi ko inayos ang sched ko kaya sa huli may 2 clients akong nawala dahil malapit na ang deadline na binigay nila sa akin at hindi ko pa nagagawa yung order nila kaya pagkatapos non natuto na ako na hindi muna ako tumanggap ng ilang projects or orders kapag madami na ang nakapila sa sched ko. Kahit kasi may mga tauhan ka mahirap pa din dahil maya't-maya dapat ang pagbabantay mo sa mga designs at syempre ikaw ang pinakamaraming gagawin. Maarte ako pagdating sa trabaho dahil ayokong nasasabihan ng kung ano-ano o mali ang pinaghirapan ko dahil aaminin ko, medyo sensitive ako pagdating sa mga works ko at maspipiliin ko pa na magpuyat sa paggawa kaysa sabihan ng pangit ang aking gawa dahil siguradong didibdibin ko nanaman ang sinasabi ng iba tulad nalang noong mga nagsisimula palang ako. I want to change my attitude kasi iniisip ko na hindi iyon bagay sa career ko at isa pa lahat ng tao ay nagkakamali kaya dapat tanggapin ko yon without being sensitive dahil yung mga binibigay na puna ng mga nakakakita ng designs ko which is mga senior ko ay puro mga aral na kailangan ko matutunan para mag-improve palagi ang mga gawa ko. 

The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon