Chapter 39

527 13 2
                                    

"Bye Ma, Pa." Humalik ako sa pisngi ni mama at yumakap naman ako kay papa bago kami umalis. Matagal nanaman bago ako makakabalik dito kaya mamimiss ko nanaman sila lahat.

Tinignan ko ang kabuoan ng bahay na parang hindi na ako makakabalik dito. I know someday baka hindi na din ako makakabalik dito. Ang trabaho ko ay delikado at tuwing nasa mission kami parang kalahati ng katawan namin ay nasa hukay na pero syempre kahit may kaunting takot at kaba kaming nararamdaman ay desidido pa din kami na gawin ang trabaho namin.

I hug and kiss again my mom and dad. I will miss them so much. Alam kong pagdating ko sa Manila ay hindi ko na sila masyado matatawagan kaya minsan kung may oras or pwede sila tawagan tumatawag agad ako para makamusta sila.

Lumayo na ako saka nagpaalam sa mga pinsan ko bago kami umalis ni Paris. Nauna na nagpaalam si Paris sa pamilya ko bago ko pinasok sa sasakyan dahil hindi pa din magaling yung paa nya. Nagsisisi ako sa nangyari sakanya pero nakapag-usap naman na kami ng maayos.

Bumusina ako bago ko pinaandar ang sasakyan.

Palagi kong tinitignan si Paris kung ayos lang sya at mukha namang ayos pero may part pa din sa akin na nag-aalangan.

Ginilid ko ang sasakyan saka hinarap ito. Isang oras at kalahati na ako nagmamaneho pero kahit isang salita ay wala pa din akong naririnig sakanya.

"Baby.....eyes on me." Huminga ako ng malalim nang hindi ito lumingon agad saka at tinignan muna ang relo.

"Anong oras tayo makakarating ng Manila? May nagpaschedule kasi sa akin na client." Tinignan ko lang ito ng seryoso at hindi sumagot agad. Tuwing tumitingin ako napapansin ko na palagi lang sa cellphone ang mata nya at yung iba kong tanong ay hindi nito sinasagot.

"Eyes on me...." Matigas kong sambit.

Tumingin ito pero saglit lang. Nakaramdam ako ng inis sa ginawa nya pero pinigilan ko nalang ang sarili ko dahil ayokong magkaroon nanaman kami ng away. Sa parents ko palang kami legal pero sa pamilya nya ay hindi pa at sigurado ako na kapag nagsawa sya sa akin dahil sa nangyayari ay iiwan nya ako and I don't fvcking like that!


Pinaandar ko muli ang sasakyan pero tinigil ko din ito sa isang kainan na palagi kong pinupuntahan noon.

"Let's eat baka gutom ka lang." Pinark ko ng maayos ang sasakyan saka naunang lumabas para alalayan ito pero hindi pa ako nakakarating sa kabilang banda ng sasakyan nang buksan nya ang pinto at pinilit ang sarili na makababa.

"Stop." Pagpipigil ko pero tuloy pa din ito kaya sa huli ay hindi ko na napigilan ang tinitimpi ko kanina pa. "Pumasok ka sa loob ng sasakyan at mag-uusap uli tayo. Akala ko tapos na pero hindi pa pala kaya pumasok ka at nag-uusap tayo. Alam kong hindi ito ang magandang lugar para makapag-usap tayo ng masinsinan pero gusto ko marinig yang mga hinaing mo." Matapang kong sambit.

Sumunod ito kaya sinara ko muli ang pinto at bumalik sa pwesto ko. Alam kong may tumitingin sa amin at naguguluhan kung kakain ba kami doon o hindi pero wala muna akong pake dahil na kay Paris ang atensyon ko at sa problema nya.

"So what's your problem with me?" Diretsahan kong sambit dahil ayaw ko na magpaligoy-ligoy pa at sayangin ang oras.

"Wala akong problema." Tumingin ako saglit sa labas ng sasakyan pero agad ding binalik ang tingin sa katabi ko na ngayon ay hawak nanaman ang cellphone.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now