Chapter 46

509 15 7
                                    

Napakamot ako sa ulo ko nang makita ang design ko na taliwas sa gusto kong disenyo. Nilingon ko ang ilang nagkalat na papel sa table ko at napailing nalang. Nakailang minuto na kasi ako dito at hanggang ngayon ay hindi pa din ako ma-satisfy sa gusto kong design sa dress na susuotin ni mommy para sa event ng company nya.

Inalok-alok ko yung nanay ko na ako nalang ang gumawa ng dress nya tapos ngayon hindi ko magawa.....

Ininom ko ang matabang na juice na pinahanda ko kanina sa sekretarya ko. Inubos ko ang strawberry juice at nilapag iyon sa table saka ko sinandal ang likod ko sa swivel chair.

It's been two weeks since nawalan ako ng gana magtrabaho. Natatapos ko naman yung mga gawain ko but after that para akong pagod na pagod at inaantok.

Nakwento ko na kay Maximo yung paiba-iba kong mood pero tawa lang sya ng tawa kaya sa huli ay binababaan ko nalang sya ng tawag kahit na minsan lang kami mag-usap.

Maximo and his team are safe. Mukhang natunugan daw kasi ng mga kalaban yung plano nila kaya sa huli ay unti nalang daw ang naabutan nila doon sa place. I'm glad that they are safe. Hindi masyado nagkwento sa akin si Maximo pero okay lang naman sa akin iyon dahil karapatan nya yon at baka mamaya maparusahan na sya ng sobra dahil panay ang pagbibigay nya ng information sa akin. Minsan nga pinipigilan ko sya na magsalita tungkol sa mga misyon nila pero palagi lang nyang sinasabi

"I know you will never betray me. Kasi kapag ganon para mo na ding kinalaban ang pamilya mo. Hahahaha."

O diba nabaliw......

Kumuha pa ako ng isang bondpaper para magsketch nang biglang may kumatok at pumasok si mommy na may dalang cake. Woahh!! Here we go again! Banana cake!


Agad akong nagpahanda ng platito at knife and fork sa sekretarya ko dahil nakakapanlaway na yung cake. Agad namang binuksan ni mommy ang dala nya at napapalakpak ako na parang bata nang makita ang favorite ko na banana cake.

Agad kong nilantakan ang cake pagkahiwa ko nito kaya hindi ko na nabigyan si mommy. Ginilid yung mga gamit ko para mailagay ko sa gitna ang cake.

"Paris...."

"Yes mommy?" Sambit ko habang nasa cake pa din ang atensyon ko.

"May mga napapansin ako sa mga galaw mo....." Tumigil ako sa pagkain saka inosenteng tinignan si mommy.

"Anong galaw?"

"Like.....paiba-iba ang mood mo, dumadami ka na kumain, palagi kang inaantok, at weird yung mga pinapaluto mong food sa akin kapag pupunta ako sa unit mo." Kumunot ang noo ko pero unti-unti din iyong nawala nang mapagtanto na tama si mommy.


"May hindi ka ba sinasabi sa akin or sa amin ni daddy mo?" Napatanga ako. Anong sasabihin ko? Hindi naman ako sigurado......


"Diba may inamin ka sa akin noon after umalis ng daddy mo at si Maximo? Gumamit ba kayo ng protection ni Maximo o umiinom ka ba ng pills?" Parang may sariling utak ang mga galaw ko dahil bigla na lamang akong umiling kay mommy.


"Then, are you pregnant?" Malumanay ang bawat salita ni mommy kaya kahit sobra ang kaba ko nawawala iyon ng kaunti dahil sa malumanay na pagsasalita ng nanay ko at ganon din ang reaksyon nya.


"I-I'm not sure......" Tumango ito saka sumubo ng cake.

"Don't worry hindi ko naman agad ito sasabihin sa daddy mo without knowing the truth at isa pa ayokong pakealaman ang buhay mo. I'm your mother but it doesn't mean na ikokontrol ko na ang buhay ko forever. I'm here anak.....kung may gusto kang sabihin or may problema ka just say it to me para hindi ako mag-alala sayo. Minsan nalang kita nakikita kasi busy ka palagi at syempre ako din kaya kung maaari I want to be a mother to you.......so please wag kang matakot sa akin kapag nalaman natin ang result if you're pregnant or not." Ngumiti si mommy sa akin. I don't know why but I'm being emotional right now because on what my mom said.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora