Chapter 26

704 15 0
                                    

Habang nasa labas sila daddy at Maximo hindi ako mapakali kaya maya't maya ang tingin ko sa pinto dahil baka kung ano na ang pinag-uusapan nila at masama pa doon ang ginawa namin ni Maximo noong nasa Bolinao kami. Shit! Kung malalaman yon ni daddy siguradong hindi patay kaming dalawa ni Maximo. Matanda naman na ako at may isip na ako sa mga ganoong bagay pero si daddy kasi ay over protective kaya minsan kahit mag night club lang ay ayaw nya dahil baka kung sino-sino nalang daw ang halikan kong lalaki doon. Iinom lang naman ako pero palagi kasing nasa isip ng tatay ko ay ang pagwawala at pakikipagtalik ko sa club.

Nang pumasok si daddy agad nagtagpo ang tingin namin kaya nag-iwas ako agad ng tingin at kunwari ay nakikinig sa chief ng PNP. Kinawit ko din ang braso ko kay mommy dahil baka mamaya sumigaw nalang si daddy at magulat kami. Masmabuti na may shield ako at si mommy yon para kahit papaano ay mapagtakpan ni mommy ang ginawa ko.

Sumunod na pumasok si Maximo na seryoso ang itsura. Ano ba kasi ang pinag-usapan nila? Kinakabahan tuloy ako.

Nakipag-usap na nang masinsinan si daddy doon sa chief kaya nakahinga ako ng maluwag at tinanggal ko na ang pagkakakawit ng braso ko kay mommy.

Gusto kong lapitan si Maximo at tanungin ito kung ano ang sinabi nya at tinanong sakanya ni daddy dahil baka mamaya kung ano-ano na ang pinagsasabi nya pero hindi ko magawa kasi nakipag-usap si Maximo sa ilang sundalo din na naroon.

Naupo ako sa sofa at hinintay nalamang na matapos ang usapan ng lahat. Ligtas naman ako kaya ano pa ba ang dapat nilang pag-usapan? Si daddy kasi ehh!

Sumandal ako at tinignan nalamang ang bawat isa na nasa loob ng condo ko. Ni isa ay walang pumapansin sa akin. Kanina para akong artista kung pagkaguluhan nila ngayon naman para akong basura na dinadaandaanan lang nila.

Pagkalipas ng ilang minuto nagpaalam na din si Chief at ilang pulis at sundalo saka umalis kaya kami nalang nila daddy, mommy, at Maximo ang natira. Akala ko nga ay aalis na din si Maximo nang magsialisan na din yung mga kasamahan nyang sundalo pero hindi dahil pinaiwan sya ni daddy.

"Maupo kayo ni Paris dyan at mauupo din ako dito sa tapat nya at magharap tayong lahat." Dahan-dahan akong naupo sa sofa saka pinakiramdaman si daddy. Ano ba kasi ang nangyayari? Dapat pala pinagtago ko nalang si Maximo sa kwarto para wala nang ganito. Pasaway din naman kasi yung isa pinagpilitan na hindi na sya magtatago.

"I want to ask you........kung ano ang nangyari noong nandoon kayo sa Bolinao, Pangasinan?" Halos mahulog na ako sa sofa nang marinig ang tanong ni daddy. What the f?! May alam sya nangyari sa amin? Gago ba si Maximo?! Bat nya sinabi!!!!

Hindi ko magawang tignan ang katabi ko dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na bugbogin to'.

"Bakit hindi kayo makasagot?"

"D-dad......"

"Sir, may kinasal po kasing sundalo na nasa team ko po at sa Bolinao din po iyon ginanap. Umattend kami ng ilang alpha team sa kasal dahil iyon po ang gusto ng groom which is kasamahan po namin. Hindi po namin alam na magkakaroon pala ng summer fashion week that time at nakita nalang po namin doon si Ms.Paris..." Wow Ms.Paris.... ".....coincidence po ang nangyari sir. Tinulungan po namin ang anak nya dahil nagkaroon ng problema sa mga models at—-" Pinutol ko ang pagsasalita nito dahil gusto ko din magsalita at magkwento.

"D-daddy...... yung mga models ko kasi na napili doon sa MMA ay nakuha ni Ivon kaya ang nangyari ang nagmodels ng mga damit ko ay sila nalang dahil sila yung mga nakita kong available. Dad.....tinulungan nila ako na maresolba yung problem ko sa SFW."

"Okay. Iyon lang naman ang gusto kong malaman dahil nagugulohan ako nang makita ko ang pictures nyo na magkasama. I don't know kung paano yon nangyari dahil ang alam ko lang ay day off nila Arcega at nasa Fashion Week ka naman." Nakahinga ako ng maluwag pero nang makita ko ang nagdududanh mukha ni daddy parang bumalik ang kaba ko sa dibdib.

"Paris, kung makahinga ka ng malalim parang may tinatago kang kakaiba. Kindly share?" Kita ko sa mukha ni daddy na kalmado sya pero alam kong sa likod ng kalmadonh reaksyon ni daddy ay ang tunay at nakakatakot nyang aura.

"D-daddy kasi ano.....ano.....muntikan na akong mapaaway si...I-Ivon kasi masyado sya..." Fck! Buti nalang nasalba ko. Nilingon ko si Maximo at nakita ko na ngingiti ngiti iyon pero hindi kasi napansin ni daddy kaya ligtas ang mokong.

"Fine." Ngumiti ako ng kaunti nang hindi na nagtanong pa si daddy.

"Btw, may napag-usapan kami kanina ni Maximo about something. Paris sasabihin ko sayo ngayon na yung nakasama mong lalaki habang nawawala ka he is Calvin Villavega. Delikado para sa mga tulad mo ang malapit sa lalaking yon. Nasa kalagitnaan palang ang imbestigasyon sa lalaking yon dahil napakadami nyang hawak sa gobyerno. Hindi kami pwede mag-akusa agad kaya unti-unti namin inaalam lahat ng mga tinatago nya. Kaya ngayon I want you to stay away from that guy. Nalaman ko sa secretary mo na nagpapagawa sya ng suit sayo. Please anak, makinig ka sa akin, don't accept his offer to you. Pwede natin masabi na malaki ang ibibigay nya sayo para gawan sya ng suit pero sana wag na wag no iyong tatanggapin for your safety." Tumingin ito kay Maximo saka binalik din ang tingin sa akin. Curious ako sa lahat ng nangyayari and I want to ask for more information pero sabi nga ni dad unti-unti palang silang nag-iimbestiga so it means baka kaunti palang ang information na nakukuha nila at yung iba doon ay baka hindi pa pwede ipaalam sa iba.

"Si Maximo ang bahala sayo kapag may nangyaring ganon. Don't worry Paris...I trust this guys more than anybody else na nagpapakilala sa akin na manliligaw mo." Napangiwi ako. So ibigsabihin yung isa kong manililigaw noon na sinabi nya na I like you for my daughter ay pineke lang nya. Mygosh kelan pa natuto ang tatay ko na maging ganon.

Nag-usap pa kami ng tungkol sa mangyayari. Maximo is injured right now at hindi ko alam sa tatay ko kung ano ang pumasok sa isip nya at pagbabantayin nya si Maximo kahit na injured ito.

"Uhmm....Maximo may pag-uusapan tayo muna saglit bago kami umalis para magkalinawan na." Tinignan ako ni daddy saka ngumiti ng mabilis. What was that for?

Naiwan ako sa loob ng condo dahil lumabas na din si mommy at mukhang kakausapin nila ng masinsinan si Maximo.

Anong meron bakit ayaw nila sabihin sakin? Dahil ba hindi ako sundalo? Pero may iba kasing pinaparating si daddy.......matanong nga si Maximo mamaya......

The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now