Chapter 35

684 10 2
                                    

"Baby, let's go!" Nilingon ko ang kinaroroonan ni Maximo saka binitbit na ang isa ko pang bag.


Dapat talaga mga 5:30am palang ay nakaalis na kami dito dahil gusto ng parents ni Maximo na ang dating namin doon ay maaga pero dahil sa pagod kagabi 11:32am na at paalis palang kami.


Sinukbit ko na sa sarili ang sling bag at binitbit na ang isang malaking paperbag na puno ng pagkain namin para sa byahe. Tuwing nasa byahe gusto ko palaging kumakain o kaya umiinom ng kung ano-ano tulad ng alak kapag hindi ako nagdadrive but for now juice and water muna dahil ayaw ni Maximo. I respect him so hindi talaga ako nagdala ng alak at isa pa ayoko namang humarap sa magulang nya na lasing.


Sabay na kaming bumaba ng unit at sakto naman na nakahanda na doon ang sasakyan ni Maximo at tinawag nalang ako sa unit kanina so isa syang masipag na lalaki.


Pinagbuksan ako nito ng pinto kaya ngumiti ako sakanya ng pabiro at nakita ko naman ang kunot noo nito bago ako sumakay at isara ang pinto. Nang makarating sya sa driver seat inayos na muna nya ang mga gamit na nakakalat bago paandarin ang sasakyan.


Habang nasa byahe sinimulan ko na agad lantakan ang binili naming potato chips kahapon. Hindi pa kami nakakalayo kumakain na ako pero wala akong pake dahil madami naman kaming nabili.

"Kung iihi ka sabihin mo lang sa akin dahil hindi ako tumitigil kapag walang nagsasalita." Nilingon ko si Maximo saka tumango.


"Pagdating natin sa bahay may isang bakanteng kwarto doon. You can choose if you want to sleep in my room or not. Don't worry the vacant room is air conditioned kaya kung sanay ka sa malamig edi pwede ka doon." Dinilaan ko ang dalawang daliri ko na gamit sa pagkuha ng chips saka inosenteng tumingin kay Maximo.


"Bakit walang aircon sa kwarto mo?" Tumigil ito sa may stop light saka nilingon ako.


"Bakit gusto mo matulog sa kwarto ko? Pwede naman dahil malaki naman ang kwarto ko at yung kama. Hindi naman din sya bibigay kung may mangyaring k—-"

"Shut up!" Narinig ko ang saglit na halakhak nito bago paandarin muli ang sasakyan.

"Tinatanong ko lang naman pero gusto ko sana matulog sa kwarto mo at tabi tayo pero inasar mo ako kaya wag nalang." Tatawa sana ako bigla akong kinabahan nang bigla nitong ginilid ang sasakyan na naging dahilan nang paghawak kong mahigpit sa may seatbelt ko.


"If you want to sleep with me then sleep with me."

"Ayoko nga" Tumingin ito sa akin at naramdaman ko agad ang pagkaseryoso nya.


"May multo sa bakanteng kwarto na yon." Napangisi ako. Mygosh matanda na ako para matakot sa mga multong iyan.


"Excuse me Mr.Maximo Madox Arcega, matagal na akong mag-isang tumitira sa unit ko at alam kong mayroon din doon pero hindi ako natatakot kahit na maghalikan pa kami ng multong iyan hindi pa din ako matatakot." Shit! Napakawild ko naman non kung makikipaghalikan pa ako sa multo pero syempre joke lang naman yon.


"What?! Makikipaghalikan ka?"


"Mygosh Madox! Don't tell me na pinagseselosan mo din ang mga multo?!" Binalik nito ang tingin sa daan nang paandarin na nya muli ang sasakyan.


Hindi ako natanggap na kahit na anong sagot mula sakanya kaya imbes na kulitin sya ay kumain nalang ako at binusog ang mata sa paligid na palagi ko nang nakikita. Nasa lungsod pa din kami dahil medyo traffic.


Nang makawala kami sa traffic ay hayahay na ang lahat. Panay ang lingon ko kay Maximo dahil parang may iba itong iniisip at baka mamaya makalimutan nya na nagmamaneho sya.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now