Chapter 9

877 25 0
                                    

Antok na dinilat ko ang aking mata at napangiti ako ng bumungad agad saakin ang napakagandang langit. What a beautiful blue sky!


Inunat unat ko ang aking braso at bumangon. Yung maganda kong ngiti ay napalitan ng gulat nang mapansing nasa ibang lugar ako.


Flashback................


3am kakauwi ko lang ng bahay galing sa pinuntahan kong party. Dapat sa condo na ako matutulog pero ibang address kasi ang nalagay ko sa grab kaya ayown deretso ako dito.


Lutang kong tinignan ang malaki naming gate at natawa. Pumunta ako sa maliit na gate. Hightech ang lock dito sa bahay dahil fingerprint mo lang makakapasok kana agad pero syempre para lang yon sa mga nakaregister na fingerprint.


Tamad kong nilagay ang aking hintuturo at hinintay na madetect iyon pero ang lumalabas ay incorrect fingerprint.


"Wtf!" Nilagay ko ang isa kong hintuturo at ganun uli. Pinalayas na ba ako nila daddy at bakit wala na yata akong fingerprint dito?!


Dahil sa sobrang bwiset ko in-scan ko lahat ng daliri ko pero sa pang-apat ko palang na try biglang nakita ko sa monitor na nagbibilang ito para sa next fingerprint try. Putek! Isang pagkakamali ko nalang tutunog na ng malakas sa loob ng bahay at pagkakamalan na akong kriminal.


"Ano ba kasing klaseng daliri ang nalagay ko sa scanner na to'?" Lumayo ako sa gate at tinignan ang taas nito. Bwiset! Ang taas!!!!


Humanap ako ng pwedeng pagpatungan para makaabot sa itaas ng gate. Para akong sinabuyan ng confetti nang makita ko ang puno sa labas ng bahay. Pwede na to'.


Wala akong experience sa pag-akyat ng puno pero keri na to' basta makapasok lang ng bahay. Tinignan ko muna ang aking sarili, nakasuot ako ng maikling dress at pumps. Kinuha ko ang pumps ko at clutch bag saka binato iyon sa loob ng bahay. Tinakpan ko ang tenga ko dahil para akong nasasaktan kapag naririnig kong bumagsak mula sa mataas na bahagi ang aking luxury things. Maarte na kung maarte basta ako to'.


Wala naman ng gising siguro dito na pwedeng makita akong umaakyat ng puno kaya tinaas ko ng kaunti ang aking dress para makaakyat ako ng maayos dahil fitted ang dress ko ngayon. Cinareer ko talaga ang pag-akyat ng puno kahit na nasusugatan na ako wapakels pa din basta makapasok lang. Narating ko ang tuktok ng gate namin kaya lumipat ako sa isang puno para gamitin iyon sa pagbaba ko.


Napapikit nalang ako tuwing nararamdaman ko na nagagasgas ang makinis kong legs dahil sa puno. Nang successful akong nakababa kinuha ko yung mga binato ko kanina at nagcat walk patungo sa big door ng bahay. Hinanap ko sa aking clutch bag ang susi ng bahay pero ilang minuto ko nang nakalkal ang maiit kong bag pero wala pa din. Nalabas ko na lahat lahat ang gamit na naroroon pero wala talaga.


Napapadyak nalang ako sa sobrang dismaya at inis dahil nakalimutan ko ang susi!!!!!



Lumingon lingon ako kung saan-saan at naghanap ng pwedeng gawin para makapasok sa bahay pero lutang na lutang na talaga ang utak ko at isa pa antok na din ako kaya wala nang pumapasok na kahit na ano sa utak ko maliban nalang sa idea na nakapark ang ranger car ni daddy kaya matulog nalang ako doon at bukas na pumasok sa bahay na parang wala lang nangyari.


Tumango tango ako. Pwede!


Napatingin ako sa sinampay at sakto na puro mga unan at kumot ang nakasampay kaya kinuha ko agad ang dalawang malalaking unan at dalawang makapal na unan saka mabilis na sumakay sa likod ng sasakyan. Inayos ko ang aking hihigaan at napangiti nalang ako nang makita na maayos na ito.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon