Chapter 57

552 14 3
                                    

"Anak, kain kana.......kaunti lang ang kinain mo kanina." Narinig ko ang paglapag ni mommy ng tray sa side cabinet ngunit ang tingin ko ay hindi pa din nawawala sa kisame.

Nang mawalan ako ng malay ay agad daw tumawag ng doktor sila mommy. Nang magising ako ay parang gusto ko na lang mahimatay muli dahil naririnig ko ang pamilya ko na nagsisisihan sa tabi ko. My dad is shouting ag kuya at si mommy naman ay parehas sinisigawan si daddy at kuya dahil sa pagsasagutan nila. My life is a mess again dahil iniwan nanaman ako.......


"Mom...."

"Yes?"

"Can I go back to my h-house?" Pinigilan kong hindi manginig ang boses ko dahil siguradong mag-aalala nanaman si mommy. Gusto kong makapag-isa para makapag-isip isip. I know it's dangerous for me lalo na't wala akong kasama sa unit pero kasi kailangan ko din ng tahimik na lugar na kung saan kaya kong gawin ang lahat.


"Paris, I know you want to be alone......but I will never let you. Knowing that you're pregnant and may insidente pa na nangyari.......as your mom, I will never let you harm yourself." Naupo ito sa tabi ko saka niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko kayang yakapin din pabalik si mommy dahil parang bagsak na bagsak ang katawan ko dahil sa mga nangyayari.


"M-Mommy......hindi ko na k-kaya......paulit-ulit nalang..." Kaya gusto kong makapag-isa dahil iiyak at iiyak lang ako. Alam kong medyo madrama pero once na maranasan din ito ng isang tao tiyak na malalaman din niya ang tunay na nararamdaman ng mga taong nawalan ng mahal sa buhay.


Habang patuloy pa din ang pagbuhos ng luha ko ay bigla namang pumasok si daddy.

"Paris....." Tinignan ko ang tatay ko ngunit blurry ang paningin ko kaya hindi ko siya makita ng malinaw.

"Kung anuman ang sinabi ng kuya mo ay wala pang confirmation about doon. We are still investigating about the incident and until now ay wala pang malinaw na resulta na binibigay ang grupo na pinadala namin doon. Continue praying dahil baka b-buhay pa si Maximo....." Tumango ako. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako o hindi dahil base sa sinabi ni kuya Rome kanina may 90% daw na possibilities na kasama si Maximo sa mga nasabugan ng granada.....pero kahit 10% nalang ang kakapitan ko na maaaring buhay pa siya ay gagawin ko.


Nagpaalam na si daddy sa amin at sumilip lang si kuya bago sumama kay daddy. Nang makaalis silang dalawa ay kami nalang ni mommy ang natira. Mula kanina ay hindi ako iniwan ng nanay ko dahil baka kung ano daw ang gawin ko sa sarili ko and thanks to my mom dahil baka kung pinabayaan lang nila ako ay baka pinatay ko na ang sarili ko.


Palagi kong sinasabi sa sarili ko na yung unang nangyari ay sapat na para masaktan ako ng lubusan at sana wag na maulit sa ikalawang pagkakataon dahil baka hindi ko na kayanin.

Ngumiti ako ng peke saka pinahid ang nagbabadyang luha sa mata ko. Tinignan ko si mommy saka ngumiti.

"Mom......I'm okay......kaya please payagan mo na ako bumalik sa unit ko....."


Umiling ito ng paulit-ulit. "Anak, yung nangyari noon na hinayaan ka lang namin na magluksa mag-isa ay pinagsisisihan namin ng daddy at kuya mo at hindi na namin kayang ulitin pa iyon."


"Mommy......gusto ko muna bigyan ng oras ang sarili ko kaya please payagan niyo na ako....and I'm o-okay now..." Maslalo kong nilakihan ang ngiti ko.

"Fine. Papayagan kita na bumalik sa unit mo pero sasama ako. Hahayaan kita sa kwarto mo mag-isa but just close your door and don't lock it para kapag kailangan mo ako ay makakapasok ako agad. Okay?" Huminga ako ng malalim dahil siguradong hindi ako mananalo kay mommy.

Tumango ako.

"Okay let's go." Kinuha ko na ang bag ko saka sumunod kay mommy.


Okay lang naman sa akin na kasama ko siya dahil natatakot din ako sa pwede kong magawa sa sarili ko. Buntis ako at ayokong i-risk ang buhay ng anak ko dahil lang sa mga pinaggagawa ko. Alam kong sobrang masakit kung maging totoo man ang sinabi ni kuya Rome but still I need to be strong for my unborn child dahil kapag mangyari iyon ay siya ang pinaka importanteng ala-ala na iniwan sa akin ni Maximo.

Si mommy ang nagmaneho ng sasakyan ko at ako ay tahimik lang sa tabi niya. Tahimik ang buong byahe namin papunta sa unit ko. Tahimik si mommy pero alam ko na nagmamasid siya sa mga kinikilos ko at hinayaan ko na lang iyon.


Nang makarating kami sa unit, agad nagpaalam sa nanay ko at tumungo na sa kwarto. Sinunod ko naman ang paalala niya na hindi ako maglolock ng kwarto basta nakasara lang ang pinto.


Agad akong nahiga sa kama at doon binuhos ko lahat ng nararamdaman kong sakit. Sigaw ako ng sigaw sa kwarto na alam kong naririnig ng nanay ko ngunit hindi siya tumungo sa kwarto ko.


Para akong baliw na nagsasalita mag-isa at saka tatawa at sisigaw pagkatapos. Hinayaan ko ang sarili ko na maging ganon dahil baka doon lang ako kakalma ng kaunti pagkatapos.


Bumangon ako saka tumungo sa banyo saka dumuwal. Hinawakan ko ang tiyan ko saka naiyak nanaman.


"T-Thanks baby.....d-dahil pinaalala mo s-sa akin na nandyan ka pa...." Bumalik ako sa kama pagkatapos kong linisin ang pinagsukahan ko. Luminga linga ako sa kabuoan ng kwarto saka naalala lahat ng ala-ala na binuo namin dito. Napangiti ako saglit nang maalala na parte din ang kwarto na ito sa ala-ala kung paano namin nabuo ang bata na nasa sinapupunan ko. Kaakibat ng aking pagngiti ay bumuhos muli ang luha ko.

Habang nakahiga ay tumingin ako muli sa kisame at saka nagdasal. Habang nagdadasal ay patuloy sa pagtulo ang luha ko. Nagmamakaawa ako na sana makauwi pa din na ligtas si Maximo at iba niyang kasamahan na sinabing nadamay din daw sa pagsabog. Hanggang sa makatulog ako ay puro si Maximo pa din ang laman ng utak ko.

*

Mahapdi ang mata akong dumilat at naaninag ko agad ang araw. Umaga na pala. Bumangon ako saka tumungo sa kwarto upang naghilamos at magtoothbrush. For now, parang sumasang-ayon sa akin ang anak ko dahil hindi ako nagkakaroon ng morning sickness. Tuwing umaga kasi ay nagpaparamdam na siya palagi kaya wala akong magawa kahit na antok na antok pa ako ay babangon talaga ako ng mabilisan para tumungo sa kwarto.

Nang matapos akong gawin ang morning routine ko sa kwarto ay agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si kuya Philip upang malaman ang resulta sa imbestigasyon nila. Kaunting impormasyon lang naman kailangan ko kaya sana sabihin niya.

Saktong pagbukas ko palang ng cellphone ko ay bumungad sa akin ang tawag mula sa dalawa kong kuya at kay daddy. Nakita ko din na tumawag sa akin ang mommy ni Maximo ag daddy nito na ikinakunot ng noo ko.

Ano nanamanh ibigsabihin nito?


Lumabas ako ng kwarto at doon naabutan ko nanay ko kasama ang magulang ni Maximo. Habang nakikita ko si Tita Maricris na iyak ng iyak ay alam ko na agad ang dahilan at doon ay maslalong gumuho ang mundo ko.

Nang makapunta ako malapit sa kanila ay bigla na lang tumayo si Tita at saka yumakap sa akin ng mahigpit habang patuloy pa din sa paghagulgol ng malakas. Sa mga nakikita ko ay hindi ko na maslalong magalaw ang katawan ko dahil para na akong namamanhid.


Umalis si tita sa pagkakayakap sa akin at babalik na sana siya sa pagkakaupo nang mawalan ito bigla ng malay at buti na lang ay agad iyong nasalo ng daddy ni Maximo. Agad na tumawag si mommy ng doktor para tignan si tita habang ako ay tulala lang na nakaupo at iyak ng iyak. I also want to help them pero baka maging useless ako at tuwing gagalaw naman ako ay pinipigilan ako ni tito dahil baka pati ako ay mawalan din daw ng malay.

Habang naghihintay ay doon naman pumasok si daddy. Parang may sariling utak ang paa ko dahil bigla na lang akong tumungo sa harapan ni daddy.

"Dad, tell me the truth." Huminto saglit si daddy saka tinignan ako bago inabot sa akin ang isang puting sobre. Agad kong binuksan iyon dahil baka iyon ang makakasagot sa lahat ng katanungan ko pero iyon pa pala ang makakapagguho pa lalo ng mundo ko nang makita ang mga salita na kinukumpirma na isa sa nasawi si Maximo sa nangyaring pagsabog.

"Maximo......b-bakit mo kami i-iniwan....."

The Captain's Heart (Will go under major editing)Where stories live. Discover now