Chapter 15

754 19 0
                                    

Kung makikipagtalo ka sa isang Paris Mondejar kailangan mo pala ng matinding kaalaman sa kalokohan at isang mahabang pasensya na hindi gaano makikita saakin.


Buti nalang at nandoon sila Murphy kaya sila nalang ang pinakausap ko doon dahil kumukulo na talaga ang dugo ko. Yung gate ko na nga kasi ang natamaan parang yung gate ko pa din ang mali. Pinipigilan na din sya ng kaibigan nya pero tuloy pa din sa pagputak. Mabait naman ang mga magulang nya pero bakit ganon ang naging ugali ng anak nila?


"Maximo, nakaalis na sila. Napagdesisyonan nalang na magbabayad sya ng tama at ikaw na ang bahalang maghanap ng mag-aayos." Tumango ako at nagpasalamat at natapos na din ang problemang maliit pero pinalaki ni Paris at ang solusyon pala ehh yun ding naisip ko.


Sumunod na din ako kay Gideon sa pagbaba at naabutan ko sa sala sila Murphy at Lennon na nagbabalat ng mani at nanonood ng cartoons. Nagtungo ako sa kusina para tignan ang ginagawa nila Terrence at Damon dahil baka mamaya masunog na nila ang bahay ko.


"Oh! Captain nandyan ka pala! Tikman mo nga itong ginawa kong carbonara." Kinuha ko ang inabot nitong platito saka tinikman ang carbonara na nakalagay doon. Masarap.


"Okay na?"


"Hmm....masarap."


"Yun ohh!" Binaba ko ang platito sa island counter saka binatukan ko si Damon dahil akala ko ay magluluto din ito pero nagbabasa lang pala ng libro na may kinalaman sa bdsm.


"Hoy! Tigilan mo nga yan! Tulungan mo si Terrence sa mga niluluto!" Hinimas nito ang ulo nang nakangiti. Putek! Mukhang kinain nanaman ng sistema ng bdsm.


Binaba nito ang binabasa saka tumulong na din sa ginagawang paghihiwa ni Terrence. Dahil nahihiwagaan ako sa kung ano ang laman ng libro na binabasa ni Damon kinuha ko iyon saka binuksan pero agad ko ding sinara at binaba nang bumungad saakin ang unang sentence na nagpataas ng balahibo ko. Shit! May umuungol agad!


Umalis na ako sa kusina saka inasikaso na ang pinapagawang trabaho saakin ng nakatataas.


Naupo ako sa pang-isahang sofa sa sala saka nagsimula na pero hindi ko pa nakakalahati ang ginagawa ko nang magsalita si Lennon.


"Max, sa tingin mo magagawa pa kaya nya yung suit natin kahit nagkaroon kaya ng hindi pagkakaintindihan?" Tumigil ako sa ginagawa saka inangat ang tingin kila Lennon.

"Gagawin pa din nya yon." Binalik ko din agad ang aking tingin sa ginagawa at hindi na pinansin ang usapan ng dalawa.


Tumigil akong muli nang makarinig ako ng tunog mula sa cellphone ko. Binuksan ko iyon at hindi na ako nagulat nang makita na may nagnotif saakin tungkol sa pera na trinansfer sa bank account ko.


"Maximo, about nga pala sa kasal na pupuntahan natin. Sabay-sabay ba tayong pupunta doon kasi hindi namin alam yung daan papunta doon ehh." Nag-isip ako ng saglit saka tumango din.



"Kapag nandoon tayo sulitin nyo lahat dahil pagkatapos non babalik nanaman tayo sa kampo at ang balita ko ipapadala daw tayo sa Visayas para sa isang mission. Hindi tayo makikipaglaban kundi tutulong tayo sa mga nasalanta ng bagyo na hanggang ngayon ay nasa evacuation area pa din." Pinatay ko na ang laptop saka nagtungo sa labas ng bahay.


Nakita ko nanaman ang gate kong sira. Hindi naman talaga ako magagalit sakanya kung nakipag-usap lang sya ng maayos saakin. Buti nalang talaga hindi natamaan yung sasakyan ko.


Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Lt. Gen.Mondejar at nanghihingi ito ng paumanhin sa nagawa ng anak nya. Mukhang sinabi na ni Paris sa ama nya ang nangyari pero kahit ganon hindi pa din mababago na nasira nya gate ko.


Papasok na sana ako nang biglang may tumawag saakin at paglingon ko nagsisisi na ako na lumingon pa ako.


"Captain! Maximo! Baby! Babe! Nakabalik kana pala sana sinabihan mo ako para pinaghandaan kita. Tara sa bahay ko! Laro tayo." Umatras ako ng kaunti saka nginitian ito ng pilit.


Hindi naman sa pagmamayabang pero matagal na akong sinasabihan ng ganyan ni Maribelle. Simula palang noong tumira ako dito at nakita nya ako hindi na sya tumigil kakasunod at kakapunta dito sa bahay. 14 years old sya nang una nya akong makita at ngayon 16 years old na sya pero hindi pa din sya nagsasawa saakin.


Dahil nga sira ang gate ko agad itong nakapasok at nakalapit saakin. Kahit gusto ko syang pagbawalan dahil nga mali ang ginagawa nyang basta basta nalang pumapasok sa bahay ko ay hindi ko magawa dahil sa oras na gawin ko yon bigla bigla nalang syang magwawala at hindi na nya alintana kung nasaang lugar sya o bahay at kung ano man ang masira nya. Pinagsasabihan na sya ng mga magulang nya pero patuloy pa din ito at mukha sigurong wala ang mga magulang nya sa bahay kaya nakalabas na nanaman si Maribelle. Sabi ng mga magulang nya may sakit daw ito sa utak at patuloy pa din nilang pinapagamot kaya intindihin nalang daw namin ang ginagawa nya.


"Wow! Ang gwapo gwapo mo talaga Maximo! Palahi nga!" Fvck! Palahi?! What?


"Uhm....ahh...ehh....M-Maribelle...t-tawag kana ng m-mommy mo." Para akong nanginginig dahil sa kaba na baka kung ano nanaman ang gawin nya.


"Hindi! Wala sila mommy sa bahay! Si daddy wala din kaya dito muna ako sayo! Boyfriend naman kita ehh." Shit! Lumapit ito ng sobra saakin at unti-unting nilalapit ang labi nya sa labi ko.


"Excuse me!" Natigil ang pagtangkang paghalik saakin ni Maribelle dahil naagawa nang nagsalita ang atensyon nya.


"Sino ka naman?" Maribelle's bitchy mode is on!


Tinignan ko din ang nagsalita at nanlaki ang mata ko na si Paris iyon na nakataas na ngayon ang kilay kay Maribelle. Pasasalamatan ko na talaga si Paris sa pagsulpot nya bigla dahil naligtas nya ang first kiss ko


"I'm Paris, and you?" Woah! Babe ko yan- joke hindi!


"I'm Maribelle, the girlfriend of Maximo!" Woah! May jowa na pala ako nang hindi ko nalalaman!


"Ahh okay! Pasabi dyan sa boyfriend mo kung natanggap na ba nya yung bayad ko." Hala naniwala sya? Tinignan ko si Paris at base sa nakikita ko para syang naiirita....pero di ko alam kung saan....baka sakin kasi nga malaki ang inis nya saakin.


"Uyy, babe natanggap mo na daw ba?" Bago pa ako makasagot umalis na si Paris at sumakay na ito sa sasakyan nya.


Ano bang meron at grabe nalang ang nararamdaman nyang inis saakin?

------------------------------------

The Captain's Heart (Will go under major editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant