Chapter 25

699 19 0
                                    

Hindi ko mapigilan ang mag-alala sakanya kaya kahit kailangan ko pang magpahinga umalis pa din ako. Hindi naging madali ang pagtakas ko dahil may mga bantay na nasa labas ng ospital at hindi ko magawang makatakbo ng mabilis dahil sa tama sa hita ko. Nagawa ko lamang makatakas nang biglang may dumaan na taxi at tumigil sa harapan ko. Mabilis kong natakasan ang mga sundalo doon kaya ngayon nandito na ako sa sa building.

Alam kong naging OA ako kanina pero nag-aalala lang naman ako at isa pa buong araw na ako nag-iisip kung nasaan sya. Kahit napakasungit ni Paris at kung ano-ano nalang ang galit na binibigay nya sa akin hindi pa din mababago non ang nararamdaman ko.


Natulos ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang mainit nitong yakap na hindi ko akalaing gagawin nya. Alam ko kung paano ako tratuhin ni Paris kaya hindi ako makapaniwala sa ginawa nya.

Pinalibot ko na din ang braso ko sa kanya at niyakap sya pabalik ng mahigpit. Tumagal ang yakapan naming dalawa hanggang sa makarating kami sa floor kung nasaan ang condo unit nya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil ayaw ko pa bumitaw dahil sigurado once na bumitaw ako hindi na mangyayari ito. Mukhang ayaw din naman bumitaw ni Paris at nakasiksik pa din ang mukha nya sa dibdib ko.

Dahan-dahan kong sinilip ang unit kung may mga nakabantay na sundalo at buti nalang wala kaya nagdesisyon na akong putulin ang yakapan naming dalawa dahil baka madisgrasya pa kami kapag naglakad kaming magkaharap. Kada hakbang ko ay mahina akong napapadaing dahil sa sakit ng sugat ko pero pinipilit ko pa din maglakad at umakto na parang normal sa harap ni Paris. Laking pasasalamat ko nang makarating kami sa tapat ng unit ni Paris nang hindi ako napadapa dahil sa sakit. I wait for her to open the door but after minute we're still here outside her unit.

"Paris....."

"I just want to ask you.....are you my stalker?" Napakunot ako sa tanong nito na pabigla bigla.

"W-why did you ask?"

"Coz' you now my unit." Tumingin ito sa akin saka ngumisi. Teka anong meron na dito sa babaeng to'? May ginawa ba si Villavega sakanya kaya sya naging ganto?

"Pagkatapos mong mawala kahapon nagkaroon ng investigation ang mga pulis at sakanila ko nalaman kung saan ang unit mo." Pormal kong sambit.

"Binalita nila sa TV?"

"Nope. Nagtanong lang ako sakanila at isa pa kasama ang team ko sa naghahanap sayo kagabi." Tumango tango ito na parang inosente saka binuksan ang pinto gamit ang password nito.

Sumunod ako sakanya sa loob at napahanga ako sa ganda ng condo nya. Halos lahat ng gamit ay parang nakaayos sa kani-kanilang pwesto at pati ang mga maliit na kagamitan tulad ng remote, magazines, and etc.

"The password of my condo unit is 117218." Napatingin ako dito at kita ko ang blanko nitong reaksyon.

"Bakit mo sinsabi sa akin yang password mo?"

"Gusto ko na may nakakaalam kahit na isa sa code ng condo ko and I choose you to be that one. Hindi ko kilala ang mga kasama ko kahapon maliban lang sa pangalan nila at may kutob ako na may tinatago sila sa akin at hindi ko din alam kung bakit nila ako kinuha at ang tanging sinabi lang sa akin ay they need me. They didn't hurt me.....pero may kutob pa din ako sakanila." Nang sabihin nya na hindi naman pala sya sinaktan ay napahinga ako ng maluwag pero syempre nandoon pa din ang ilang katanungan sa isip ko kung ano nga ba ang kailangan nila kay Paris base sa sinabi nito kanina.

"Capt. Maximo Arcega, I want you to—-" Naputol ang pagsasalita nito nang biglang nagkaroon ng sunod-sunod na doorbell mula sa labas.

Tinignan ako ni Paris at kita ko doon ang kaunting pagpapanic.

"I think dad and mom is here. " Tumayo ako nang lumakad ito patungo sa pinto at tinignan ang maliit na screen kung saan makikita mo ang nasa labas ng condo unit mo.

Bago buksan ni Paris ang pinto nilingon na muna nya ako na parang naniniguro kung bubuksan nya ba yon o hindi. Tumango ako dahil mukhang walang balak itong buksan ang pinto kung hindi ako sasagot.

"Maximo, pumunta ka sa kwarto ko at magtago ka doon hanggang sa makaalis sila mommy at daddy." Tinignan ko ito na parang sinusuri kung ano ang pumapasok sa isip nya dahil wala naman talaga akong balak na magtago. Kung mapaparusahan ako dahil makikita ako ni Lt.Gen.Mondejar dito sa bahay ng anak nya ay tatanggapin ko.

"No need. Haharapin ko ang ama mo." Nakikita ko ang pagdadalawang isip sa mukha nito pero desedido pa din ako na haharapin ko si Mr.Mondejar.

Naupo ako sa sofa ng pormal saka hinintay ang magulang ni Paris. Nang marinig ko mga yabag na patungo sa sala ay tumayo ako upang paggalang saka sumaludo kay Mr.Mondejar.

Kita ko ang gulat sa reaksyon ng ama ni Paris pero pinagpaliban na muna nya iyon saka tinanong ng kung ano-ano ang anak.

May mga pumasok din na ilang tauhan ng PNP na sigurado ko ay kasama pa mula kahapon ng ama ni Paris sa paghahanap sakanya.

Balak ko munang lumabas ng condo unit ni Paris dahil mukhang may mga pag-uusapan sila at hindi ako kasama doon pero kasabay ng paglakad ko palayo ay ang pagtawag ni Mr.Mondejar sa pangalan ko.

"Captain Maximo Arcega." Nilingon ko ito saka sumaludo. Nagpaalam ito sa pamilya nya at sa ilang tauhan ng PNP saka lumabas kasabay ko.

Nang nasa labas na kami nagsalita ito agad. "Ang usapan na ito ay lalaki sa lalaki hindi sundalo sa sundalo kaya didirestohin na kita...."

Tumango ako saka naghintay sa susunod nitong sasabihin. Sa paghihintay para akong nanlalamig dahil sa kaba at hindi ko alam kung ano ang dapat gawin kung may sasabihin man ito na layuan ko na ang anak nya.

"Bakit ka nandito at bakit mo kasama ang anak ko? may relasyon ba kayo? Sagutin mo ako Arcega. Alam nyo na isa lang ang babaeng anak ko kaya pinoprotektahan namin si Paris kahit may isip na yan dahil ayokong kahit na sino ang manakit sa anak ko."

Nang marinig lahat ng tanong may parte sa akin na hindi kayang sagutin ang tanong pero ayoko naman na hindi ako pagkatiwalaan ni Mr.Mondejar para sa kay Paris lalo na't may gusto ako sa anak nya.

"Sir, sasagutin ko po kayo ng diretso at kayo na po ang bahala kung paniniwalaan nyo ako o hindi pero sinisigurado ko po na lahat ng sasabihin ko sainyo ngayon ay totoo." Wala akong nakitang kahit na anong reaksyon mula kay Mr.Mondejar kaya pinagpatuloy ko na lamang ang pagsasalita.

"Wala po akong relasyon sa anak nyo pero may gusto po ako sakanya. Tatanggapin ko po kung ayaw nyo ako sa anak nyo pero hindi ako titigil doon hanggang sa magustuhan nyo ako kay Paris."

"Nandito po ako sa bahay ng anak nyo dahil nag-aalala po ako sakanya nang malaman ko na nawawala sya. Sir, kilala ko po kung sino si Villavega at alam ko kung ano ang pwede nyang gawin sa anak nyo. Alam ko pong may nilabag ako dahil imbes na nagpapahinga ako sa ospital ay nandito ako at nakikigulo. Gusto ko lang po kasi makita ang anak nyo dahil baka kung ano na ang nangyari sakanya. Kung paparusahan nyo man po ako dahil sa paglabag ko ay tatanggapin ko po iyon." Tumigil ako saka tinignan ang walang emosyong reaksyon ni Mr.Mondejar. Base sa nakikita ko ngayon hindi ang kilala naming Lt.Gen.Mondejar ang kaharap ko ngayon kundi ang ama mismo ni Paris.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon