Chapter 53

473 13 2
                                    

Sorry for super late update😅 Nagbabantay kasi ako palagi sa pamangkin ko every weekdays kaya hindi ko magamit yung phone ko dahil doon siya nanonood ng cocomelon and during weekends naman ay pahinga ko and working of something ang ginagawa ko.

If you want to check some updates about this story and upcoming stories please follow or send a friend request to this account.....

Facebook Acc: Mgm WP

Dito po ako magpopost palagi ng updates about sa stories.

Thank you and enjoy reading everyone!
——————————————
SPG : Sensitive Topics

Patungo kami ngayon sa lugar kung saan magaganap ang lahat. Katatanggap lang namin ng report at sinabi na sampu ang dinukot na sibilyan na ngayon ay nalalagay sa panganib. Akala namin ay umurong na sila dahil lumipas ang apat na araw ay wala pa din kaming natatanggap na balita tungkol sa kanila. Yung huli kasi naming punta doon ay sinabi ng mga nakatira doon ay fake news lang daw ang nabalitaan namin kung natigil ang pag-iimbestiga ng mga team na tumungo doon.


"Kapitan.....mukhang naliligaw yata tayo...." Tinignan ko si Murphy saka nilingon kung anong ruta ang tinatahak namin ngayon.


Mukhang naiiba nga kami ng daan pero lahat ng sasakyan ay patungo doon at lahat ng mga nagmamaneho ng sasakyan ngayon ay alam ang ruta kaya paano kami maliligaw?

Kinalampag ko ang harapang bahagi ng sinasakyan namin upang patigilin ang nagmamaneho ngunit imbes na tumigil ito ay maslalong binilsan ang pagpapatakbo ng sasakyan.


Naalarma ang lahat sa naging galaw ng mga nagmamaneho dahil pareparehas ang mga ruta na tinatahak nito. Natatandaan ko na tumigil kami kanina sa isang bayan upang mag-imbestiga sa nangyaring pagsabog doon pero pagdating namin doon ay maayos at payapa ang lugar at may nagsabi na wala namang nangyaring pagsabog talaga sa lugar at mukhang pinaglalaruan lang kami ng kung sino. Nireport na namin siya sa mga nakatataas para sila na ang bahala sa kaso ng fake news bago kami umalis doon.


Patuloy kong pinagkakalampag ang harapang bahagi ng sasakyan para patigilin ang nagmamaneho pero parang wala itong nararamdaman dahil patuloy lang sa pagmamaneho. Nilabas ko ang baril ko at aamba na sana ako paputukan ang nagmamaneho nang mapagtanto ko na mali ang ginagawa ko dahil hindi ko pa naman alam kung sino ang taong iyon.


Tinawag ko ang isa kong kasamahan saka inutusan ito na tawagan si Sgt. Villaramos na nakaatas sa pagmamaneho ng sasakyan namin kanina.

Hinintay ko ang sagot saka binantayan ang tinatahak naming daan nang biglang tumigil ito at lumabas ang nagmamaneho. Sinenyasan ko ang mga kasamahan ko na maging alerto at ako muna ang mauunang lumabas.

Dala ang baril ay dahan-dahan akong bumaba ng sasakyan at nang makaharapan ko na ang hindi kilalang lalaki na nakasuot pangsundalo ay agad ko siyang tinapatan ng baril.


Ang lahat ng sasakyan ay nakatigil at alerto ang lahat sa galaw ng mga taong hindi kilala. Ang nasa harapan ko ngayon na lalaki ay unti-unting tinaas ang kaniyang mga kamay saka mangiyak-ngiyak na nagsalita.


"A-alam kong papatayin nila ako pagkatapos nito.....k-kaya nagmamakaawa po a-ako sa inyo na protektahan niyo ang p-pamilya ko...." Dahil sa sinabi nito unti-unti kong binaba ang baril ko ngunit nandoon pa din ang pagiging alerto sa nga mangyayari.

Sinenyasan ko si Lennon na kunin ang nakatagong baril sa likod ng lalaki at paluhurin ito at lagyan ng posas.

Sa pagluhod ng lalaki ay nagsibabaan din ang ilan ng baril at piniling sumuko.

The Captain's Heart (Will go under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon