Chapter 49

512 15 3
                                    

-Dapat last week pa ako nakapag-upload pero nakulangan kasi ako sa mga pangyayari sa chapter na ito kaya nagdecide ako na dugtungan pa siya kahit kaunti lang.

-Thanks to @missyirish18 na nagcomment sa chapter 48. Dahil sayo naalala ko mag-update :) at ginanahan ako tapusin ang chapter 49 dahil sigurado aabot nanaman ito ng 2 weeks kapag hindi ko pa din ginawa. hehehehe

Btw, Enjoy Reading Everyone!!!

--------------------------------------------------------------------------------------

"Tell me the truth. Paris, are you pregnant?" Hindi ko siya pinansin at tinalikuran nalang. Nakabusangot akong tinakpan ang mukha ko dahil ayoko na guluhin pa niya ako.


"Paris....." Paris na ang tawagan wala nang baby. Ayoko na nga!


Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang paggapang ng kamay nito sa baywang ko saka hinaplos ang hita ko paitaas. Paulit ulit niya iyong ginawa hanggang sa hindi ko na kaya, kaya sa huli ako din ang sumuko at hinarap ko na siya. Karapatan din naman kasi niya malaman ang tungkol dito dahil ama siya ng bata.


"Hindi ka magagalit?" Kumunot ang noo nito saka bumangon mula sa pagkakahiga at tinignan ako ng seryoso. His eyes are full of different emotions that I can't I cannot figure out.


"Why would I?"


"Sagutin mo muna kasi ako!" Pagmamaktol ko dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya. I want him to accept our child and be with me during my pregnancy.


"Hindi ako magagalit." Napasimangot ako nang marinig ang maikli niyang sagot pero desidido na ako ngayon na sasabihin ko na talaga sakaniya ang totoo dahil kung ipagpapabukas ko pa ay baka magsisi lang ako at isa pa ang plano ko kasi ay bukas pupunta kami sa bahay para sabihin na din kay daddy ang lahat. Ayoko na magtago ng kung ano sa pamilya ko dahil maslalo lang akong mahihirapan. Malalaman din naman ni daddy na magkakaapo na siya dahil palaki ng palaki ang tiyan ko sa bawat paglipas ng buwan.


"Are you sure?" Tumango ito.

"Fine." Bumangon ako saka kinuha ang pregnancy result ko sa side cabinet saka inabot ito sa kaniya. Tumayo ito saka binuksan ang ilaw at agad ding bumalik sa pwesto niya kanina saka binasa na ang resulta.


Habang binabasa niya ang result ay hindi ko maialis ang mata ko sa kaniya. Patagal kasi ng patagal ay para akong binubuhusan ng malamig na tubig at para na din ako nakakaramdam bg ilang kabayo na tumatakbo sa puso ko.


"T-tagal mo naman yata magbasa." Lumipas na kasi ang ilang minuto ay binabasa pa din nito ang resulta. Kung ako kasi ang titingin ay titignan ko lang kung positive or negative ang result at syempre kapag positive ay ibigsabihin buntis nga ako pero base sa nakikita ko kay Maximo ay parang may hinahanap pa siya na ikinatakot ko dahil kung may hinahanap pa siya ibigsabihin ay hindi agad siya naniniwala sa pruweba na binigay ko sa kaniya.


Maghahanda na ba ako maghanap ng magiging step-father ng anak ko?


Umiling-iling ako sa samu't-saring isipin na pumapasok sa utak ko saka mahaba pa din ang pasensya na hinintay matapos si Maximo.


Hinanda ko ang sarili ko nang ibaba na niya ang resulta saka tinignan ako muli gamit ang seryoso niyang tingin. Iba't-ibang senaryo ang pumapasok sa utak ko kung kaya hindi ko magawang magfocus kay Maximo. Masyado kasi akong advance dahil iniisip ko na agad ang maaaring mangyari kay sa akin kung hindi niya ako panagutan at kung ano ang magiging reaksyon ni daddy kapag ginawa iyon ni Maximo.


The Captain's Heart (Will go under major editing)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu