ANG BABAE SA BINTANA

6 0 0
                                    


Taong 2009
Brgy. Malaya, Pililla Rizal

NAKAGAWIAN na namin tuwing bakasyon ang bumisita sa mga kapatid ni Mama sa Rizal. Minsan sa tita Lena ko sa Carissa at minsan naman sa tita Ana na nasa Malaya.
Palipat-lipat lang.

Pero nang makagradweyt ako ng high school ay umabot ng dalawang taon ang pamamalagi ko roon. Palibhasa nagkaroon ako ng boyfriend kaya makulay ang buhay.

Tandang-tanda ko pa nung una  akong nakarating sa Malaya, iba na agad ang feels ko sa lugar. Pagpasok pa lang sa gate kung sa compound na tinitirhan  nina tita Ana ay may antique house na walang nakatira. Kaya ang creepy! Tumataas talaga ang balahibo ko pag napapadaan ako roon.

May mga ibang nakatira rin naman sa loob ng compound. Bale dalawa ang kapitbahay nina tita. Sa kabilang bakod naman, may malaking bahay din. May kawayanan sa likod kaso palaging sarado ang mga bintana pati nga iyong gate nila. Naisip ko siguro masungit iyong mga nakatira.

Takot din ako gumamit ng banyo kasi nakahiwalay sa bahay nina tita. Mga ilang hakbang din. Tapos magdadala  ng isang timbang tubig kasi walang ring gripo sa banyo. At ang isa pang ayaw ko e walangi ilaw kahit man lang mumurahing bombilya.

Kaya mas wili ako magstay sa Carissa kahit hindi kami gaanong magkasundo ni tita Helena.

Isang umaga, late ako naggising. Wala ang mag-anak ni tita, nagsimba sila sa chappel malapit lang sa  bahay. Ang kusina at labahan nina tita nasa labas ng   bahay. Tapos katapat ng gate nila iyong   bintana  ng   bahay sa kabilang  bakod. Nagtimpla ako ng kape at pagkatapos ay naupo sa isang silyang   naroon.

Nawirduhan ako kasi ang aga-aga ang lakas ng tugtog sa sa bahay sa kabilang bakod. Tapos graduation at wedding songs pa. Nakakakilabot!

Hindi sinasadyang napatingin ako roon sa  bintana at muntik ko nang mabitawan ang tasa ng kape na hawak ko. May babae kasi sa loob, nakasilip sa bintana! At nakatingin siya sa akin! Nakasabog ang buhok niyang mahaba. Ang lakas ng kaba ko kasi nanlilisik ang mga mata niya!

Mabilis akong napatakbo sa loob  ng  bahay, hindi alintana kahit natapon ang kape sa tasang hawak ko. Ang isang kamay ko naman ay naihawak ko sa dibdib ko na sobrang lakas pa rin ang kabog dahil sa takot sa aking nakita.

Gustung-gusto kong tumakbo palabas kaya lang pag dumaan ako sa gate, baka nandoon pa iyong babae. Kaya wala akong choice kundi hintayin ang pag-uwi nina tita. Mabuti na lamang at maraming alagang aso at pusa si tita Ana kaya kahit paano ay may kasama ako.

Pagdating nila, ikinuwento ko agad kay tita ang nangyari. Sabi niya safe naman daw iyong babae pero nakakatakot talaga ang mukha. Hindi raw kasi iyon lumalabas ng bahay at hindi rin nag-aayos kahit magsuklay ng buhok.

Hindi rin daw basta nagpapapasok ang pamilya ng babae ng ibang tao kasi wala silang tiwala dahil sa nangyari rito.

Nag-aaral daw ito noon sa Maynila ng kolehiyo. Maganda at matalino. Pero masaklap ang sinapit roon. Ginahasa ito at hindi man lang nakamit ang hustisya. Iniwan rin ito ng nobyo na nangako sa kanya ng kasal.

Noon ko lang naintindihan ang lahat. Nasagot ang mga tanong sa isip ko. Ganunpaman, hindi pa rin nawala ang takot sa dibdib ko kaya mula noon, iniwasan ko nang tumingin sa bintana ng bahay sa kabilang bakod.

Tales Of YGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora