ALINDOG

3 0 0
                                    





Ang kasal , bagaman isang kasunduan
ng puso, diwa at isipan , ay ginagawad bilang simbolo ng pagpapahayag sa lipunan ng pag-iisang dibdib ng dalawang tao . Ito ay pangako , o sagradong tipan , isang espiritwal na tanda o bigkis sa pagitan ng dalawang taong ikinasal at ng Diyos.

Ang gayong kasal ay tunay na pagpapakita ng pananampalataya at lakas ng loob na patatagin ito , na magtiis hanggang sa wakas , sa kabila ng  mga pagsubok at problema , kabiguan at paminsan-minsang mga pagkukulang ng bawat isa sa kanilang kabiyak . Kaakibat din ng kasal ang pagtanggap sa mga kondisyon at mga obligasyon ng isang mabuti at matapat na asawa.

1995 

BATANGAS

Itago nyo na lamang ako sa pangalang Juanito , pero mas kilala ako sa palayaw na Nitoy. Nangyari ang karanasan kong ito noong bagong mag-asawa pa lamang kami ni Esther.

  Nagtatrabaho ako noon bilang Foreman at malakas ako mangontrata . Si Esther naman ay cashier sa isang mall . Pagkalipas ng halos 5 taong relasyon namin bilang magkasintahan , napagkasunduan na naming magpakasal.

Simple lamang si Esther pero maganda . Mabait rin siya, magalang , masipag ,maka-diyos at konserbatibo . Ang mga katangiang hinahanap ng isang lalaki sa isang babae .

Bukod pa roon , malambing din siya at maunawain . Kaya naman , bago pa siya pakasalan , ay nakatitiyak na akong siya na ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa aming pagtanda. 

Ang mga unang buwang ng aming pagsasama ay naging mainit at masaya .Nangungupahan kami noon  sa isang katamtaman lamang ang laki na apartment , eksakto lamang para sa kagaya naming bago pa lamang bubuo ng pamilya. Tinalikuran ko na rin ang mga bisyo ko dahil naenjoy ko naman noon ang aking pagiging binata.

Nadiskubre ko ang iba pang mga magagandang katangian ni Esther kagaya ng pagiging malinis sa bahay at maasikaso . Kahit parehas kaming may trabaho , maaga siyang gumigising para magluto ng almusal at ihanda ang mga baon namin , pati na rin ang personal na gamit ko .

Nitoy: Napakaswerte ko naman talaga sa asawa ko . Kahit kape pa lang , napakasarap na ! Eh di lalo na iyong mga niluluto mo .

Esther: Hmm. . . aga mo mambola , Mister . Anong gusto mong ulam mamayang gabi ?

Nitoy: Tinatanong pa ba iyan , syempre  yong pinaka-paborito ko sa lahat . . . ikaw !

Esther: Hay naku , tigilan mo nga iyang mga kalokohan mo! Sige na at baka ma-late tayo pareho sa trabaho.

Ganoon ang umpisa ng pagsasama namin ni Esther . . .  ika nga nila , matamis ! At dahil nauuna ako umuwi sa kanya galing sa trabaho , kapag wala pa siya ay nagluluto na ako . Sa ganoong paraan man lang ay makabawi ako sa mabait kong asawa . Pagkatapos , susunduin ko siya sa mall kung saan regular na siyang nagtatrabaho .

Tatlong buwan na kaming kasal nang mag-buntis si Esther sa aming panganay. Syempre , halos mapatalon ako  sa tuwa nang malaman kong malapit na akong maging isang tatay.

Mahirap maglihi ang asawa ko kaya naman todo alaga at alalay ako noon sa kanya . Palagi ko rin siyang binibilhan ng  prutas at iba pang mga pangangailangan ng isang babaeng nagdadalang-tao .

Humingi siya ng leave sa trabaho pero pagkatapos ng paglilihi , pumasok na siyang muli . 

Isang buwan bago siya manganak ay pinatigil ko na siya sa trabaho . Baka kasi magkaproblema pa kami kung kailan malapit na ang kabuwanan niya .

Noong araw na manganganak na siya ay mas aligaga ako . Halos pabalik-balik ako sa banyo . Mas ako iyong nininerbiyos kesa kay Esther . Laking pasalamat ko, namin , nang mag- normal delivery siya . Lalo na ng sabihin ng midwife na lalaki ang aming anak .

Tales Of YGWhere stories live. Discover now