BANGKILAN (Ang Syota Kong Aswang)

7 0 0
                                    

1986
Bulan, Sorsogon

Itago ninyo na lamang ako sa pangalang Bernard. Nagganap ang kakaibang encuentro ko sa aswang noong ako ay 27 taong gulang pa lamang ng ipadala ako ng aking ama sa Bulan.

Armando: Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Bernardo. Kailan ka pa ba magtitino? Hindi ko talaga alam kung kanino ka nagmana, hindi naman ako babaero noong araw. Nag- iisa lang ang iyong ina sa buhay ko!

Hindi na bago sa akin ang ganitong pagtatalo namin ng aking ama. Aaminin ko, badboy ako ng pamilya. Blacksheep ika nga ng iba.

Tatlo kaming magkakapatid, ang kuya Brandon ko na kabaligtaran ko ang ugali, matino kasi iyon kaya puring- puri lagi ni Daddy. Ang bunso naman namin na si Brenda, kahit spoiled sa aming mga magulang ay hindi gumagawa ng ikasasakit ng ulo nila.

Armando: Tinawagan ko na kahapon ang tita Arminda mo, doon ka na muna sa Sorsogon. Asikasuhin mo ang negosyo natin doon.

Bernard: Pero Dad....

Armando: Wala ng pero pero! Mananatili ka roon hanggang hindi ka nagbabago. Lilinisin ko pa ang kalat ni iiwanan mo rito sa Maynila. At ito ang tatandaan mo, Bernardo. Huwag na huwag mong dadalhin sa Bulan iyang pagiging playboy mo kung ayaw mong mas lalong mapahamak!

Hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Daddy at binalingan ko ang aking ina na tahimik lamang sa isang tabi. Siya lamang kasi ang nag- iisang kakampi ko sa bahay namin.

Bernard: Mommy...

Elvira: I'm sorry, son, pero sa pagkakataong ito, hindi kita matutulungan. Sundin na lamang natin ang pasya ng daddy mo at para rin iyon sa ikabubuti mo at sa reputasyong matagal niyang iningatan bilang Vice Mayor ng lugar na ito.

Laylay ang mga balikat na dumiretso ako sa aking kwarto. Pagkatapos ng ilang oras na pagmumukmok ay nagpasya na rin akong mag- impake. Dalawang beses na akong nakarating sa Bulan, kahit papaano ay nakaramdam din naman ako ng excitement na makita ang aking tiyahin at mga pinsan sa probinsya.

(BG music)

Rigor: Bernard, insan! Kumusta ka na? Langya, lalo kang gumwapo ah! Pwedeng- pwede ka ng maging artista, o di kaya action star kagaya ng idol kong si Robin Padilla!

Naiiling akong napangiti sa mga sinabi ng pinsan kong si Rigor nang salubungin nya ako sa bus terminal. Tumanggi akong magpahatid sa driver namin kahit anong pilit ng mga magulang ko. Mas gusto kong mag- commute at naenjoy ko naman ang biyahe.

Bernard: Ikaw din naman, insan, magandang lalaki ka rin. At macho haha. Panigurado may syota ka na.

Ang masigla kong tugon kay Rigor habang magkatulong kami sa pagbubuhat ng mga bagahe ko.

Bernard: May dala nga pala akong pasalubong sa inyo nina tita Armi at Regine. Mga pabango at tsokolate. Kung hindi nga lang biglaan ang pagbyahe ko pauwi rito ay nakapaghalungkat pa sana ako ng damitan ko. Marami akong mga damit at sapatos na hindi na ginagamit. Pati na rin si Brenda, kasyang-kasya rin sana ang mga damit niya kay Regine.

Rigor: Naku okay lang iyon, Insan. Sa susunod na lang. Siya nga pala, mamayang gabi ay pupunta ako sa Paminggalan. Sama ka?

Napa- wow ako dahil sa sinabi ng pinsan ko. Unang gabi ko pa lang dito sa Bulan pero mukhang magiging exciting na agad. Bigla tuloy gusto kong pasalamatan si Daddy sa pagtataboy niya sa akin dito.

Bernard: Sige ba, tara! Anong oras mamaya? Marami bang chicks doon? Ipakilala mo ako ha!

Naputol ang masayang pag- uusap namin ni Rigor nang biglang magsalita si tita Arminda. Hindi namin namalayan na kanina pa pala siya roon at narinig niya lahat ng pinag- usapan naming magpinsan.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now