ANG BANTAY SA PUNONG MANGGA

5 0 0
                                    

2002
Brgy. 1st District, Jala- Jala, Rizal

MATAGAL ng residente sa lugar na ito si Chad, 18 taong gulang isang estudyante. Karaniwan lamang ang hisura ni Chad, kulay Plipino. Dahil tinedyer pa ay may kapayatan at hindi pa rin gaanong katangkaran.

Medyo singkit ang kanyang mga mata, katamtaman lang ang ilong na bumagay naman sa hugis ng mukha, hindi makapal at hindi rin naman manipis ang labi.

Katulad ng ibang normal na tinedyer, mahilig siyang gumala at makipagbarkada. At si Chad ay hindi naniniwala sa mga misteryo at kababalaghan dahil sa modernong panahon na rin naman siya namulat.

Isang gabi ng Sabado, pauwi na siya galing sa panonood ng basketball na dinayo pa nila sa kabilang barangay. Nagkataong ang uuwian niya ang pinakamalayo sa kanilang magbabarkada.

" O pa'no tol, dito na ako. Hindi na kita maihahatid kasi siguradong may naghihintay na sa aking sermon sa bahay..."ani Marcus na tanging natirang kasama niya.

"Okay lang, tol. Kayang- kaya ko na 'to, ako pa ba? Haha. Sige na , pasok ka na sa loob. Kitakits na lang ulit sa school sa Lunes."

Hinintay muna ni Chad na tuluyang makapasok sa loob si Marcus bago siya nagpatuloy sa paglalakad.

Alas diyes na natapos ang laban at kahit kanina pa siya inaantok ay tiniis niya para hintayin ang kanyang mga tropa.

Mapuno at madilim ang daan pauwi sa bahay nila pero sanay na si Chad. Ginamit niya ang flashlight ng cellphone niya para kahit papaano ay maaninag niya ang dinadaanan..Medyo nanlalabo na rin kasi ang paningin niya dahil sa antok.

Kinalakhan na ni Chad ang lugar pero may kaunting kaba pa rin siyang nararamdaman. Ikaw ba naman ang mag- isang naglalakad sa gitna ng dilim, dis oras ng gabi?

Bago ang bahay nila ay madadadaanan muna ang bahay ng tiyahin niya, kapatid ng kanyang ama.
Nang malapit na siya roon ay bigla siyang kinilabutan dahil biglang umalulong ang aso mga ito na si Blacky.

Pero nang mapansin niya na buhay pa ang ilaw sa salas ay medyo nakahinga siya nang maluwag.

Nang papasok na siya gate ay bigla namang bumukas ang pinto at sabay pa sila ng tita Myrna niya na nagulat pagkakita sa isa't- isa.

"O, Chad..gabing- gabi na, ah..saan ka na naman galing na bata ka?"

"Ahh..sa kanilang barangay po, tita. Nanood po kami ng mga tropa ko ng basketball. Eh kayo po, bakit gising pa?" wika ni Chad at pagkatapos ay nagmano sa tiyahin.

"Kaawaan ka ng Diyos, anak. Oo nga pala, malapit na ang pista sa Malaya. Kaya pala may mga paliga na...ang totoo nakaidlip na ako, naalala ko lang ang gate kaya lumabas ako para i- check kung naikandado ko ba." Mahabang sagot ni Mryna sa pamangkin.

"Ganoon po ba? Hindi na rin ako magtatagal, tita . .napansin ko lang kasi na bukas pa ang ilaw at gate kaya naisip ko baka may gising pa sa inyo. "

"Ay naku hindi ka dapat nagpapagabi masyado sa daan, 'nak. Delikado. Lalo na at kanina pa umaalulong si Blacky. Sigiradong may nakikita na naman iyan na kakaibang nilalang.
Hindi ka ba natatakot na baka may makasalubong kang aswang o di kaya eh iyong nagbabantay sa punong mangga! "

Natatawang napakamot sa batok si Chad sa sinabi ng tiyahin.

"Naku ayan na naman kayo, eh. Tita...iba na po ang panahon ngayon . 2002 na po. Hi- tech na...hanggang ngayon nagpapaniwala pa rin kayo s mga ganyan? "

Bigla namang sumeryoso si Myrna bago muling nagsalita.

"Huwag mong tawanan ang mga sinabi ko, Ricardo. Baka mamaya kapag nagpakita nga sa'yo ang kapre ay atakihin ka sa puso."

Tales Of YGOnde histórias criam vida. Descubra agora