Kabinet

9 0 0
                                    

   Iyon na ang una at huling bakasyon ko kina Ante Minda sa Pola. Maaga kasing nakapag- asawa si Belinda at buhat noon ay kinuha na niya ang kanyang pamilya para manirahan kasama nilang mag- asawa.

  Hindi rin natuloy ang pagbabakasyon naming magkakapatid sa Capiz sa kadahilanang may biglang oportunidad na dumating sa amin ni Manang Isay. Nang magbakasyon kasi ng Calatrava ang isang kapatid ng aming ina ay isinama niya kami pabalik ng Laguna.

  Naiwan si Ponso na noon ay nag- aaral pa kasama ang aming lola. Ang mga magulang naman namin ay sa Capiz pa rin namamalagi at dumadalaw lang kina Nanang at Ponso dalawang beses sa isang buwan.

  Ipinasok kami ni ng aming tiyuhin sa   kapatid ng amo niya. Si Manang Isay bilang tagapag- alaga ng bata at ako naman ay katu- katulong nila sa kanilang munting talyer. Mabait sila at halos hindi na iba ang turing sa amin.

Hindi kami umuwi sa probinsya ng dalawang taon dahil nagkasundo kaming magkapatid na mag- ipon muna. Buwan- buwan ay walang palya ang aming pagpapadala ng pera at mga grocery kina Nanang at Ponso.

  Ngunit sadyang malupit minsan ang kapalaran...nalugi ang talyer ng aming amo kaya napilitan kami ni Manang Isay na maghanap ng bagong trabaho at matitirhan.

  Nakakita naman kami ng marerentahang bahay malapit  sa palengke kung saan nag- apply si Manang Isay bilang tindera sa gulayan. Ako naman ay natanggap bilang katulong ng matador o taga- tadtad ng karne. Kaya kahit medyo abandonado ang hitsura ng bahay na titirhan namin ay binalewala na lamang namin dahil malapit iyon  sa bago naming trabaho.

  Celes: Ako nga pala si Celeste. Manang Celes na lang.

  Nakangiti ang babae na tagabantay ng bahay na aming titirhan habang nakikipag- usap sa amin. Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan. Napag- alaman din namin na ang totoong may- ari pala ng mga bahay na iyon ay matagal ng naninirahan sa ibang bansa.

  Celes:  Kayong dalawa lamang ba ang titira rito? Naku eh pasensya na kayo..matagal na rin kasi mula nung huling may tumira rito kaya masyadong makalat at marumi.

Isay: Naku wala ho iyon, Manang Celes. Ako nga hi pala si Elisa. Isay na lang ho. Ito naman ho ang kapatid kong si Pepe. Kami na ho ang bahalang mag- ayos at maglinis dito.

  Matapos naming makapag- usap tungkol sa paglipat namin sa bahay na iyon ay nagpaalam na sa amin si Manang Celes. Mabuti na lamang at may naipon kami parehas magkapatid kaya may naibigay kami para sa paunang bayad.

  Dahil kapwa sanay naman kami sa mga gawaing bahay ay mabilis naming natapos ang paglilinis. Sa totoo lang, iba ang pakiramdam ko sa bahay na iyon pero di ko na lamang binanggit kay Manang Isay.

  Napansin ko rin ang isang  malaking kabinet na sinauna  ang yari
na nasa sulok malapit sa banyo. Nilapitan ko iyon para sana linisin rin at nang may mapaglagyan kami ng mga damit namin kaya lamang ay nakakandado iyon. Naisip ko na baka may laman iyon na mahalagang bagay na pag- aari nila Manang Celes o di kaya ay ng totoong may- ari ng bahay.

   Nang  dumaan kami sa palengke ay bumili na rin kami ng banig, dalawang unan at kumot. Dahil sa pagod ay maaga kaming nakatulog na magkapatid.

  Kinabukasan ay maaga naman kaming pumulas at sabay na nagpunta ng palengke para harapin ang kanya- kanyang trabaho.

  Halos magkalapit lamang ang pwesto ng tindahan ng gulay na pinapasukan ni Manang Isay at ang pinagtatrabahuan ko.

Mang Berto: Sa una lamang iyan, Pepe. Pag tumagal ay masasanay ka rin. Anong malay mo at pagdating ng araw ay maging isa ka pala sa pinakamahusay na matador dito sa palengke.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now