BIGLANG LIKO

2 0 0
                                    


Ang kwentong ito ay rated SPG. May maseselang tema, lengguwahe, karahasan, seksuwal, horror na hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan.

Intro/ teaser

Mia : P-Paul k-kinakabahan ako sa . . . g-gagawin natin . . .

Paul : A- ano ka ba, love ? Ngayon ka pa ba kakabahan ? Napag-usapan na natin 'to, diba?Magtiwala ka lang sa ' kin . . . Hindi kita sasaktan at lalong hindi kita pababayaan...hmmm

Mia : P-pero paano kung m-mabuntis ako ? Itatakwil ako nina Nanay at Tatay --

Paul: Tsk . . . kung anu-anong masamang bagay ang iniisip mo . Gagamit tayo ng proteksyon , Mia, at kung sakali naman na magbunga itong gagawin natin , pangako, pananagutan kita.

Mia : S-sigurado ka ? Pananagutan mo ako , love ?

Paul : Oo naman . Mahal na mahal kita , Mia . Ang tagal kong hinintay ang araw na to . . . ang pangako mong magiging akin ka na...akin lang!

Ang lahat ng pag-aalinlangan ng dalaga ay unti-unting naglaho nang simulan na siyang halikan ni Paul na buong puso naman niyang tinugon. Maya-maya pa ay nakapulupot na ang mga braso niya sa batok ng nobyo . Nadarang si Mia sa apoy , sa init na dulot ng pagkadikit ng kanilang mga katawan . Kapwa sila alipin ng kapusukan at pagkasabik sa isat-isa . Nalimutan na ni Mia ang pangako sa mga magulang maging ang kaniyang mga pangarap . Ang tanging mahalaga lamang sa kaniya noong mga oras na iyon ay silang dalawa ni Paul .

Paul: Mia....! (tonong nasasabik)

Mia: Paul! Mahal na mahal kita...(paanas)

____________________________________

Magandang araw, Ingkong. Tawagin na lamang po ninyo akong Jerome. Ang istoryang nais kong ibahagi sa'yo ay kuwento ng kababata ko , na matalik na kaibigan ng kapatid ko.

Halos dalawang dekada na rin ang nakalilipas ngunit sariwa pa rin ang sugat na dulot ng isang di inaasahang pangyayaring gumulat sa aming lahat. Paminsan-minsan, minumulto pa rin kami ng mga alaala ng nakaraan...

Taong 2000
Maynila

Puno ng pagkamanghang nakasilip si Mia sa labas habang umaandar ang sinasakyang bus. Mas pinili niyang sa may tabi ng bintana umupo para makita niya ang bawat lugar na madaraanan . Kahit tutol ang mga magulang , lalo na ang kanyang ama , ay desisyon pa rin ng dalaga ang nasunod sa huli . Tinanggap niya ang alok ng bestfriend niyang si Joan na mamasukan sa Maynila kasama nito .

Kabado man dahil first time niyang makakarating sa siyudad ay pilit kinakalma ni Mia ang sarili . Noong bata pa lamang kami, pangarap niyang maging guro . Kaya lamang , maagang nagsipag-asawa ang mga ate niya kaya hindi na siya nakapag-aral ng kolehiyo.

Bilang bunso , at siya na lamang ang walang asawa , gusto ni Mia na makatulong sa mga magulang at mabigyan ang mga ito kahit kaunting kaginhawahan man lang . At dahil halos sabay kaming lumaki, ako ang madalas na takbuhan niya noon lalo na nang magtrabaho sa Maynila ang kapatid kong si Joan.

Pagbaba ni Mia sa Crossing ay matiyagang hinintay niya ang susundo at maghahatid sa kanya papuntang Makati .

Natural na sa unang gabi ng pamamalagi sa malaking bahay ng kanilang mga amo ay hindi agad makatulog si Mia . May sariling kwarto ang mga katulong , kaya magkatabi sila ni Joan sa higaan . Ilang taon din silang hindi nagkitang magkaibigan kaya naman inabot sila ng madaling - araw sa pagkukuwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga buhay .

Masaya silang nagbahagi sa isa't - isa ng mga bagong karanasan pati na ng mga pangarap sa pamilya .

Ang kagandahan sa Maynila , may kanya-kanyang toka ng trabaho . Pag-aalaga ng bata ang iniatang kay Mia at si Joan naman ay obligado sa paglilinis , pag-luluto at paglalaba . Kapag tulog ang alaga ni Mia na 2 taong gulang na batang lalaki , tinutulungan niya ang bestfriend niya sa mga gawaing bahay .

Tales Of YGWhere stories live. Discover now