LARAWANG KUPAS

20 1 0
                                    


Sa isang larawang kupas
Ay aking nasilayang muli
Ang ating lumipas

Naghahalungkat ako ng mga old notes ko nung high school at pagbuklat ko sa isang kwaderno ay natigilan ako. Nakaipit doon ang isang bagay na matagal kong iningatan pero ngayon ko lang ulit nasilayan. Medyo malabo na dahil kasama ito sa nabasa noong bagyong Caloy. In slow motion ay kinuha ko ito at tinitigan. It was taken ten years ago. And it was our only picture together...

Kung maibabalik ko lamang
Panahon at ang oras
Hindi sana lungkot at pagsisisi
And dinaranas

I smiled bitterly as my eyes started to water and memories came flashing like those in movies. If only I could turn back time , I'd stay..

Hanggang sa mga sandaling ito
'Di ako nagbabago
Taglay ko pa rin ang damdamin
Sa ating lumang litrato

Ilang taon na rin ang lumipas pero heto pa rin ako, still the woman who's madly in love with you. Lalo akong napaiyak when I felt that familiar pain in my heart again. Mahal pa rin kita and that was unfair.


Ngunit sa'yo
Ewan ko
Ikaw ba'y iba na
Buhat nang tayo'y nagkalayo?

Kumusta ka na kaya?
May mahal ka na sigurong iba. O baka nga may pamilya ka na. Isang dosena pa rin ba ang pangarap mong maging anak ? Wala na akong naging balita sa'yo mula nang umalis ako papuntang Taiwan. Kinalimutan mo na ba talaga ako? Ah, siguro galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon.
Nag- sorry naman ako sa'yo diba? Sana napatawad mo na ako..


Kapit kamay tayong dalawa
Nakangiti at kaawa masaya
At ang tunay na pagmamahal
Nakalarawan kahit kupas na

Nakatitig pa rin ako sa larawan natin kahit nanlalabo na ang mga mata ko. Pasaway na mga luha kasi ayaw paawat . Patuloy sa masaganang pagpatak.Magka- holding hands tayo dito sa picture, naks! Tanda ko pa ito eh, first date natin. Ngiting ngiti ka at titig na titig sa akin. Halatang patay na patay sa beauty ko.

We were so happy ang in love...
How I wish we could go back to that time and be happy forever. Na sana hindi na lang tayo naghiwalay ng landas...

Isa itong yaman ng puso ko
Makulay na yugto ng buhay ko

Alam kong kahit maubos pa ang luha ko ay hindi ko na mababago pa ang nakaraan. But at least I could still treasure you and our happy memories through this faded old photo of us. Every lovestory is beautiful but I want you to know that ours was my favorite...

Nagbabalik ang ligayang lipas
Salamat sa larawang kupas


I really hope that wherever you are right now, you're doing good and having a happy life. I don't regret tue things I've done but those I didn't do when I had the chance...when you were still mine. Maaaring hanggang doon na lang tayo but I know that whenever I look at this photo, magbabalik lahat ng alaala ng ating masayang kahapon . Na minsan sa buhay ko ay nagmahal ako at minahal din pabalik .

Pangako, mahal, iningatan ko ito at pati na rin ikaw. Mananatiling may espesyal na parte ka dito sa puso ko.
Salamat sa lahat. Salamat sa ating larawang kupas .

Tales Of YGDove le storie prendono vita. Scoprilo ora