Murto Sa Baybay

7 0 0
                                    

   Naniniwala ba kayo sa mga kababalaghan at misteryo? Mga bagay na mahirap ipaliwanag at paniwalaan lalo na ngayon na nasa moderno na tayong panahon.

  Kung ako ang tatanungin nyo, oo ang sagot ko. Dahil isa ako sa mga magpapatunay na totoo ang mga aswang, engkanto, mangkukulam at iba pang mga nilalang na naninirahan din kasama natin....dito sa mundo.

  Ang pangalan ko ay Jose Ginete,75 taong gulang. Ingkong Pepe ang tawag sa akin ng lahat. Ang aking ama na si Elias ay tubong Capiz. Ang aking ina naman na si Consuelo ay tubong Romblon. Tatlo kaming magkakapatid. Ako, ang nakatatanda kong kapatid na babae na si Elisa at ang aming bunso na si Alfonso.

  Nang magpakasal ang mga magulang namin ay sa Romblon kami nanirahan. Pero dahil nasa Capiz ang hanapbuhay ng aming ama, lumaki kaming magkakapatid sa piling ng nanay ng aming ina.

  Isa hanggang dalawang beses lang sa isang buwan kung umuwi sila noon ng Romblon para bisitahin kami. Mahirap kasi ang biyahe at mahal din ang pamasahe. Nakakalungkot dahil minsan lang kami makumpleto pero naiintindihan naman namin na ang ginagawa nilang sakripisyo ay para sa aming pamilya.

  Ipinanganak ako noong ika- 13 ng Abril, 1946. Mahalaga ang taong iyon sa kasaysayan ng Pilipinas dahil iyon  din ang taon kung kailan pormal na kinilala ng Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas, na nagsilbing pagtatapos ng isang mahabang prosesong sinimulan noong 1916.

  Ayon sa kasaysayan, minarkahan ni Manuel Roxas ang kasarinlan ng Pilipinas nang siya ay muling manumpa bilang pangulo ng Pilipinas at inalis ang pledge of allegiance sa Estados Unidos na kinakailangan bago ibigay ang kasarinlan. Dahil dito, nagsimula ang Ikatlong Republika ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Manuel Roxas. Patuloy na ipinagdiwang ang 'July 4 Independence Day' hanggang huling bahagi ng 1962.

  Si Pangulong Manuel Roxas ay isinilang  sa lungsod na ipinangalan sa kanya noong siya ay mamatay, ang lalawigan ng Capiz ngayon ay lalawigan ng Roxas, na siya ring pinagmulan ng aking mahal na ama.

  Hindi kami gaanong nangulila noon sa aming mga magulang dahil mabait at mapagmahal ang aming Nanang Crisanta. Busog rin kami  sa pangaral kaya naman lumaki kami na mabait, magalang at masunurin. Sinanay rin niya kami sa mga gawaing bahay.

   Masasabi kong masaya at makulay ang aking kabataan. Hanggang sa mangyari  ang isang di inaasahang karanasan noong ako ay 10 taong gulang... na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalilimutan...

1956
Pangulo, Calatrava, Romblon

  Simple lamang pero masaya ang buhay dito sa aming probinsya. Kapos man sa mga materyal na bagay, tinuruan kaming makuntento at pahalagahan ang lahat na mayroon kami. Maliban sa produktong marmol, isa rin sa maipagmamalaki naming mga Romblomanon ay ang magagandang baybayin na madalas dayuhin at pasyalan ng mga turista.

  Ang bahay ng lola ko ay malapit s tabing - dagat o baybay kung tawagin sa amin sa Calatrava. Dalaga pa ang aking ina nang mamatay ang aming lolo kaya naman mag- isa lamang ang aming lola na nag- aruga sa aming tatlong magkakapatid. Ang mga ibang kapatid naman ng aming ina ay pawang may mga asawa na rin at nagtayo na ng kanya- kanyang tirahan malapit lang din sa bahay ng aming lola. Dahil nga malapit kami sa baybay, pangingisda o pamamana pangunahing ikinabubuhay ng mga tagarito.

  Mang Usting: O Pepe...ang aga mo namang magbantay dito sa baybay. Mamaya pa ang dating ng mga angkol(tiyuhin) mo."

Nginitian ko lang si Mang Usting. Isa rin siyang mangingisda kagaya ng mga tiyuhin ko.

Pepe: Maaga po kasi akong natapos sa mga gawain sa bayay  (bahay), Angkol Usting..kaya dumiretso na po agad ako rito pagkatapos ng paninghapon (hapunan). Si Manang Isay naman ang nakatokang maghugas ngayon ng mga pinagkainan.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now