GABAY

2 0 0
                                    

G A B A Y

.*Exclusively Written For Ingkong*

Naniniwala ako na  bawat isa sa atin ay mayroong tinatawag na guardian angel o anghel na tagapag-agala. Ito ay ang anghel na itinalaga upang protektahan at gabayan ang isang partikular na tao, grupo o bansa. Ang ating guardian angel ay kasama na natin mula pa sa oras na tayo'y isinilang hanggang sa ating kamatayan. Palagi silang nasa tabi natin sa lahat ng sandali ng ating buhay.

Tawagin na lamang po ninyo akong Beth. Isang simpleng maybahay. Nasa edad 52 na sa kasalukuyan. Gusto ko sanang ibahagi sa inyo ang aking mga pambihira at nakakikilabot na karanasan na resulta ng aking kakaibang kakayahan.

1996
Sampaloc, Manila

Bata pa lamang ako ay pakitain na. Ang sabi nila, bukas daw ang aking third eye  o ikatlong mata. Nakakita, nakakarinig at nakakaramdam ako ng mga nilalang na hindi nakikita ng ordinaryong paningin.

Mga elemento sa lupa , masasamang enerhiya at mga ligaw na kaluluwang hindi natin alam na kasama pala natin sa ating pang araw- araw na pamumuhay. Kung minsan nga ay kasabay pa natin sa paglalakad o di kaya ay katabi sa higaan.

Tandang-tanda ko pa noong unang beses akong makakita ng tinatawag nilang multo. Halos hindi ako nakatulog noon pati ang Nanay ko dahil magdamag niya akong  binantayan. Dahil sa sobrang takot, pumikit ako  at nagdasal habang umiiyak, kaya hindi ko nakita kung anong wangis niya.

Ang ibang mga kapitbahay namin noon ay napagkamalan pa akong nababaliw na dahil may mga pagkakataong bigla na lamang akong umiiyak at sumisigaw.

Kahit sa eskwelahan, ramdam ko na mayroong palaging parang nakabantay sa bawat galaw ko. Kaya naman, hindi ko noon hinayaan ang aking sarili na walang kasama lalo na kapag pupunta ako sa banyo.

Pansamantalang nabawasan ang mga ganoong karanasan ko noong high school. Siguro ay dahil ramdam nila na iniiwasan ko silang makita. Mabisang panlaban din daw ang panalangin kaya naman palagi akong nagdadasal at nagsisimba.

Ang sabi ng lolo ko, ang mga ganoong multo raw na madalas magpakita sa tao ay mga kaluluwang hindi matahimik at naghahangad ng hustisya sa kanilang biglaang pagkamatay. Mayroon din naman daw na may gustong iparating na mensahe o huling habilin sa mahal sa buhay.

Pagtuntong ko ng kolehiyo, napilitin akong mamuhay ng mag- isa . Mas praktikal kasi kung malapit lang ang tirahan ko sa University na pinapasukan ko noon. Swerteng nakahanap naman ako ng murang boarding house .

Mabait din ang land lady na si Tita Norma. Ang tatlo ko namang kasama sa bahay na sina Riza, Chona at Vivian ay nakagaanan ko rin ng loob kahit halos tuwing Linggo lang kami talaga magkasama- sama. Working students kasi sina Riza at Vivian, kaya wala rin sila sa bahay tuwing gabi. Si Chona naman ay nagtatrabaho  bilang isang factory worker kaya kahit night shift ang duty niya, tulog naman siya sa araw.

Dahil matagal na ring hindi pinakikitaan ng mga multo at iba pa, panatag ang loob ko noon  kahit madalas ay ako lamang mag-isa sa boarding house. Kapag nakakaramdam ako ng lungkot dahil namimiss ko ang ang pamilya ko, binubuksan ko na lamang ang radyo at nakikinig ng mga paborito kong kanta habang nag-rereview o gumagawa ng assignment. May mga pagkakataong nakakatulugan ko na ang ganoong eksena.

(BG Music)

Pero nagkamali pala ako sa pag-aakalang nilubayan na ako ng mga kinatatakutan kong elemento... lalo na ang mga multo. Isang hapon, pag- uwi ko sa bahay, pagpasok ko pa lamang sa may pinto ay may malamig na hangin na sumalubong sa akin. May  kilabot na gumapang sa aking katawan. Pamilyar sa akin ang mga ganoong eksena. Biglang lalamig kahit napakaalinsangan ng panahon at patay-sindi ang ilaw na akala mo ay disco lights.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now