Sa Piling Ng Mga Encanto

7 0 0
                                    

1960
Brgy. Talisay, Calatrava Romblon

Kasalukuyang naglalaro ang 14 taong gulang na si Jimmy kasama ang mga pinsan niya. Araw kasi ng Sabado kaya walang pasok sa escuela. Maaga silang nangahoy at nakapagsibak na rin. Pati ang  pag- iigib ay tinapos na nila para tuloy- tuloy na ang kanilang paglalaro.

Maya- maya ay napansin ni Jimmy na dumating ang kanyang lolo Teodoro. Alam na niya kung ano ang pakay ng abuelo...hihingi na naman ito ng upos (tabako) sa kanyang mamay. Iniwan niya muna saglit ang mga pinsan at nilapitan ang abuelo at inabot ang kamay nito.

Jimmy: Mano po, Tang.

Teodoro:Kaawaan ka ng Diyos, apo. Mukhang masadya (masaya) kayo ng mga pinsan mo, ah?

Jimmy: Ah..opo, Tang. Maaga po naming tinapos iyong mga dapat naming gawin para wala na kaming aalalahanin pa. Bukas po ay siguradong hindi kami makaka- idamo dahil adlaw (araw) po ng simba.

Tumango- tango lamang si Lolo Teodoro sa sinabi ng apo nito. Maya- maya ay muling nagsalita.

Teodoro: Nariyan ba si Rosita?

Jimmy: Si Mamay po? Nasa loob po yata..
pasok na lamang kayo roon sa bayay(bahay)..

Sagot ni Jimmy na malapad ang pagkakangiti habang nakatingin sa abuelo.

Teodoro: O sige balikan mo na ang mga pinsan mo, apo...

Tumalima naman si Jimmy at patakbong bumalik sa kinaroroonan ng kanyang mga pinsan.

Muli siyang nalibang sa paglalaro at saglit nawala sa isipan ang tungkol sa abuelo. Hanggang sa bigla niyang marinig ang tila pagtatalo nito at ng kanyang ina.

Rosita: Ay naku, wala akong maibibigay sa inyo at kulang pa sa akin ang pambili ko ng upos. Eh halos dalawang buwan na akong hindi pinadadalhan ng mga apo ninyo sa Batangas! Siguro ay nagsipag- asawa na!
(naiinis, medyo npataas ang boses. )

Hindi na sumagot pa si Lolo Teodoro sa anak. Si Jimmy naman mula sa kinaroroonan ay awang- awa sa abuelo pero nanatili lang siyang nakatanaw rito at sa mamay niya. Ang mga batang katulad niya ay hindi pinahihintulutang makisabat sa usapan ng mga matatanda.

Maya- maya pa ay malungkot at tahimik na lang na umalis ang matandang Teodoro. Gusto sanang sundan ni Jimmy ang abuelo kaso ay nasa tarangkahan pa ng bahay nila ang kanyang Mamay Rosita..kaya nagkasya na lamang siya na ihatid ng tanaw ang lolo Teodoro niya habang papalayo ito.

May sariling bahay ang kanyang abuelo..hindi naman iyon kalayuan sa bahay nila. Kaso lamang ay medyo natatakot siyang pumunta sa bahay nito dahil nasa gitna iyon ng masukal na kakawayanan at iba pang matatandang puno.

Nang sumapit ang gabi ay tinawag si Jimmy ng Mamay niya para ipasundo ang abuelo. Kasahog kasi ang matanda sa pagkain tuwing hapunan.
Minsan ay pati na rin sa umagahan at tanghalian.

Pero nang puntahan niya ang abuelo sa bahay nito ay nagtaka siya dahil wala ito roon. Naisip niya na baka naroon ito sa mga tiyuhin niya na malapit lang din doon ang bahay pero hindi rin daw naliligaw roon ang matanda.

Laylay ang mga balikat na bumalik si Jimmy bahay nila...

Poldo: O..bakit hindi mo kasama si Tatang?

Agad na tanong ng kanyang ama. Nakahain na ang hapunan nila..nilagang kamote at pinais na lambiyong. Mayroon ding pakasam (bagoong) sa lamesa na may sili at sukang gawa sa uyak. Ang uyak ay parang tuba pero sa puno ng buli ito kinukuha imbes na sa niyog.

Jimmy: Wala po sa kanyang bayay si Tatang, Pay..pinuntahan ko na rin po kina Angkol Charlie at Angkol Encio pero sabi nila hindi naman daw nagagawi roon si Tatang..

Tales Of YGWhere stories live. Discover now