LIHIM NI LOLA

5 0 0
                                    

Lihim Ni Lola

Martina: Maraming salamat at hindi mo ako binigo, Dolores. Maaasahan ka talaga. Hindi ako nagkamali sa paglapit sa'yo.

Dolores: Tumatanaw lamang ako ng utang na loob, Martina. Pero kung ako ang masusunod ay ayaw ko ng gamitin ang kapangyarihang itim dahil lahat ng itinanim mo sa kapwa, pagdating ng araw ay siya mo ring aanihin!

Martina: Huwag kang mag- alala, aking amiga...tutupad ako sa ating napagkasunduan. At tinitiyak ko sa'yo na walang ibang makakaalam ng ating sikreto. Babaunin ko iyon hanggang sa kabilang buhay....



Bagamat malaki na ang naiunlad at malayo na ang narating ng pangkalahatang agham at teknolohiya, marami pa ring tao-sa Pilipinas, o saang lupalop man ng mundo-ang matindi pa rin ang pagkakakapit sa mga paniniwalang superstisyon.

Isang halimbawa ng pamahiin na pinaniniwalaan pa ng maraming tao sa kabila ng modernidad ng kasalukuyang panahon ay ang pagkakaroon ng mga bruha - mga indibidwal na nagsasagawa umano ng pangkukulam at pambabarang.

1989
Tanay, Rizal

Itago ninyo na lamang ako sa pangalang Angela. Kasalukuyang naninirahan sa Tanay, Rizal. 17 taong gulang na ako ngayon, 2nd year college sa kursong Bachelor of Elementary Education.

Tatlong taong gulang pa lamang ako ng sabay na bawian ng buhay ang aking mga magulang sa probinsya. At dahil sa murang edad ko noon, halos hindi ko pa maalalang mabuti ang kanilang mga hitsura. Laking pasasalamat ko noon dahil kahit papano ay may naitabi si lola na kaisa- isang larawan ng aking namayapang mga magulang na magkasama.

Mula nang ibigay iyon sa akin ni lola ay itinago ko iyon at dala ko hanggang sa lumipat kami rito sa Tanay.

Maayos ang tirahan namin dito ni lola. Ang totoo nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung saan kami kumuha noon ng pera para makaluwas ng lungsod at para magkaroon ng ganitong klaseng tirahan. Hindi kami umuupa. Ang bahay na tinitirhan namin ay nakatirik sa isang pribadong lote na tanging mga may sinasabi lamang sa buhay ang may kakayahang magmay- ari.

Angela: La, yung may- ari po ba nitong tinitirhan natin ay siya ring nagpapaaral sa akin?

Dolores: Oo apo. At itong bahay ay regalo na niya sa ating dalawa. Dito na tayo maninirahan hanggang sa magkaroon ka na ng sarili mong pamilya. Sa atin na rin daw pati ang buong lote...maaari kang magpatayo ng isa pang bahay.

Angela: Ibig sabihin, hindi na rin po tayo babalik ng Siquijor ? Ang tagal na po nating hindi umuuwi roon, kahit man lang po sana maikling bakasyon.

Agad na napawi ang matamis na ngiti sa labi ng aking lola dahil sa aking naging katanungan. Kapansin- pansin rin ang biglang pagdilim ng kanyang mukha.

Dolores: Halos isang dekada na tayo rito, Angela. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin tuluyang nawawaglit sa iyong isipan ang tungkol sa lugar na ating pinagmulan? Kaya nga tayo nandito ay upang magbagong- buhay. Kalimutan mo na ang nakaraan, apo...

Hindi na lamang ako sumagot pang muli para hindi na kami magkasamaan pa ng loob ng aking lola. Matanda na rin kasi siya. Ngunit lalo lamang nadagdagan ang mga katanungan sa aking isipan.

Bagamat maganda at maayos ang aming bagong tirahan, konkreto at maraming appliances. Mayroon din kaming tig- isang kwarto ni Lola Loleng. Malambot din ang kama na aming hinihigaan at masasarap ang mga pagkaing natitikman..hindi ko pa rin maiwasang mangulila sa buhay na aking kinagisnan.

(BG music/ slow)

(Flashback)
Dolores: Angela...aalis na muna ako. Iyong bilin ko sa'yo ha? Huwag na huwag kang lalabas o makikipag- usap sa kahit na sino. Panatilihin mong nakasarado ang mga bintana. Baka matagalan ako bago makabalik, apo. May pagkain diyan, kapag nagutom ka at wala pa ako, mauna ka ng kumain.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now