Aswang sa Bubuyan

4 0 0
                                    

"H- huwag kang lalapit sa akin. H- huwag mo akong papatayin!H- hindi ikaw ang Manang ko! Layuan mo ako,
h-halimaaaaaaw!

***

1965
Calamba, Laguna

Isay: O Pepe, bakit hindi ka pa nakagayak d'yan? Malayo pa iyong pupuntahan natin.

Pepe: Sandali lang Manang, hinahanap ko pa kasi iyong paborito kong polo. Hindi ko naihanda kagabi at napasarap ang katuyog (tulog) ko.

Halos isang taon na kami ni Manang Isay dito sa Punta, Calamba, Laguna. Nasa edad disinueve ako at siya naman ay bente dos. Dito pa rin kami umuupa kina Manang Celes dahil bukod sa napalapit na rin ang loob namin sa pamilya niya, tahimik na rin ang buhay namin dito. Malaki ang pasasalamat namin sa Poong Maykapal dahil hindi na ulit pa kami ginambala ng multo sa kabinet.

Nanatili rin kami sa aming mga trabaho at kahit papano, sa loob ng isang taon ay nadagdagan ang aming mga sweldo.

Pepe: Nakita ko na ang hinahanap ko, Manang!

Tuwang- tuwa ako nang sa wakas ay makita ko na ang aking paboritong polo.

Isay: O siya, bilisan mo na. Huwag mo namang pakadadamihan ang paglalagay sa buhok mo ng pomada. Baka naman hindi na iyan gumalaw kahit mahanginan sa sobrang tigas.

At naggawa pa nga talaga akong tuksuhin ng aking manang. Napangiti na lang ako habang gumagayak.

Araw ng Linggo, wala kaming trabaho. Patungo kami sa kabilang barangay, ang Bubuyan. Tagaroon kasi iyong kaibigan ni Manang Isay na may kaarawan ngayon.

Dahil minsan na siyang naisama ng kaibigan niyang iyon sa tahanan ng mga ito ay madali naming natunton ang lugar.

May kanya- kanya kaming bitbit na regalo para sa may kaarawan. Pagdating doon ay agad kaming sinalubong ng kaibigan ni Manang, si Remedios.

Remy: Mabuti naman at dumating kayo, Isay. Naku, akala ko ay hindi niyo na ako sisiputin, magtatampo na sana ako.

Isay: Ano ka ba, Remy, 'di ba nangako ako sa'yo na pupunta ako? Ito kasing si Pepe, nagpaguwapo pa nang husto. Malay nga naman niya kung may mga bisita ka rin na magagandang dalaga.

Nagtawanan ang dalawang babae kapagkuwan na ikinapula naman ng aking pisngi.

Maya- maya ay inakay na kami papasok ni Remedios matapos naming maiabot sa kanya ang dala naming regalo. Marami- rami rin ang kanyang mga bisita at masasarap ang mga putahe na nakahain sa mesa.

Remy: O, Pepe, Isay, kain lang nang kain ha. Wag kayong mahihiya. Aasikasuhin ko lamang iyong iba pang mga bisita.

Dahil hindi na kami nag- almusal bago umalis ng bahay ay tinikman namin lahat ng nakahain sa mesa.
Magkatabi kaming umupo ni Manang Isay sa isang mahabang silya na yari sa Narra. Habang kumakain kami ay napansin ko ang pagdating ng isang matandang lalaki. Nasa seisenta siguro ang edad. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nabalisa nang magtama ang aming mga mata.

Matanda: Mga bisita rin ba kayo ng pamangkin kong si Remedios ? Ngayon ko lamang yata kayo nakita rito sa amin. ( nakakatakot ang boses)

Nagulat ako nang bigla itong lumapit sa amin. Maging si Manang Isay ay napahinto sa pagkain nang nagsalita ang matandang lalaki.

Isay: Ah...kaibigan po ako ni Remedios. Ito naman po si Pepe, kapatid ko.

Pepe: Kain na po kayo, Mang-

Matanda: Kadyo. Iyan ang aking pangalan, hijo. Sige lang, busog pa ako. Para sa inyo talaga ang mga pagkaing iyan...

Hindi ko alam kung guni- guni ko lamang pero nakita kong nakangisi ang tiyuhin ni Remy na nagpakilalang si Mang Kadyo. May pakiramdam din ako na may iba siyang ibig ipakahulugan sa kanyang mga sinabi.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now