Ang Bakasyunista

13 0 0
                                    

  1958
Pangulo, Calatrava, Romblon

Tuwang- tuwa sa akin si Nanang dahil namana ko raw ang pagiging mausisa niya. Nakikita niya raw sa akin ang sarili niya noong  panahon ng kabataan niya. Katulad ko, napakarami rin daw niyang tanong noon sa kanyang ama na si Lolo Crisanto...

Pepe: Nang...madalas po mabanggit sa akin ni Angkol Miyong yung tungkol sa kwento ng pinsan niya sa Simara... na delikado raw po roon sa may Parola. Tapos may aswang daw po na nakatira malapit doon na ngayon ay lumipat na dito sa atin. Totoo rin po ba iyon?

Tanong kong muli kay Nanang.

Nanang: Mahirap magsalita pagdating sa mga ganyang maseselang bagay, Pepe, apo. Pero kilala ko kung sino ang tinutukoy na aswang ng mga tao. Hindi naman siya kailangang katakutan dahil wala pa naman siyang napeperwisyo rito sa atin. Isa pa ay nagbabakasyon lang iyon dito sa kanyang mga kamag-anak. At marahil ay namana niya ang pagiging aswang sa kanyang mga magulang dahil hindi naman mismong tagarito sa isla ang mga iyon...

Pepe: Wala po ba siyang magagawa para mawala ang pagiging aswang niya?

Nanang:  Sa totoo lang...hindi rin naman niya ginusto ang maging ganoon..dahil isa iyong sumpa. Kaya lamang ay wala na siyang magagawa lalo na kung nasa lahi na nila ang pagiging aswang. At sigurado ako na ipapamana niya iyon sa isa sa mga anak niya...

Napaisip ako ng malalim sa mga sinabi ni Nanang...Mayroon pala talagang ganoon, iyong ipinamamana ang pagiging aswang?

Nanang: Hanggat hindi ka nila ginagalaw ay wala kang dapat ikabahala, Pepe.  Kaya sana lamang ay patahimikin na sila ng mga tao. Ang Parola sa kabilang isla...ayon sa Lolo Anto mo ay talagang kinatatakutan noon dahil mayroon daw nagpapakitang higanteng pugita. At nakatira ang nasabing halimaw sa tunnel sa ilalim ng Parola.

Pepe:  Kaya po ba walang pumupunta sa Parola? Sa tingin nyo ba...nagtatago pa rin sa tunnel ang higanteng pugita hanggang ngayon?

Sunud- sunod na tanong ko na naman sa aking abuela.

Nanang:  Sabi ni Tatang...hindi na rin nila naabutan iyon. Walang nakakaalam kung patay na ba o nagtatago lang. Pero dapat pa ring mag- ingat dahil kung sakaling buhay pa ito, hindi natin alam kung kailan muling aatake. Malapit lang ang Simara rito sa atin kaya naman hindi malabong makaabot dito ang higanteng halimaw na iyon!

Ang sunod na ikinuwento ni Nanang sa akin ay ang tungkol sa nakaraan. Ang mga karanasan ni Angkol Miyong ng magbakasyon ito noon sa kabilang isla, na naganap  may 15 taon na ang nakararaan...na may kaugnayan sa Parola at sa




aswang!

  Nang makatapos ng high school si Angkol Miyong ay sumunod na rin ito sa mga kapatid na nasa Batangas upang magtrabaho. Nais din daw kasi nitong makatulong kina Nanang at bukod pa roon, sabik din siyang maranasan ang  buhay sa lungsod. Nagtrabaho siya sa bakery kung saan nagtatrabaho rin ang mga pinsan niya. 

  Kung minsan, kapag pahinga sa trabaho o bago matulog sa  gabi, kinukwentuhan niya rin ang mga kasama niya. May mga natutuwa at mayroon ding hindi naniniwala. At higit sa lahat, mayroong natatakot sa mga kwento niya na tungkol sa mga aswang, encanto at iba pang mga nakakatakot na nilalang.

  Masaya ang buhay sa Batangas,  ibang- iba kaysa sa buhay sa Calatrava. Maraming nakilala si Angkol Miyong at mayroon din siyang mga bagong natutunan. Marami ring magagandang pasyalan. Minsan ay isinasama siya sa Laguna ng aking ina, na noon ay dalaga pa...doon kasi ito nagtatrabaho. Minsan naman ay pumapasyal siya sa pinsan niyang  Taga- Mabini Batangas ang napangasawa.

  Pero kahit nawiwili si Angkol Miyong sa bagong buhay at mga bagong karanasan...hindi niya pa rin maiwasang mangulila sa kanyang mga magulang na naiwan sa isla.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now