Delubyo

5 0 0
                                    

DELUBYO


Bankero ( 50): Mga Nene, hindi ninyo dapat hinawakan ang YASOG... at lalong hindi ninyo ito dapat pinagkatuwaan! Baka mamaya ay kumulog ng malakas o di kaya ay magkaroon ng matinding kalamidad!

_____________________________________

2004

Romblon

Halos magdadalawang-dekada na rin mula nang maganap ang isang sakuna... isang trahedya na resulta ng katigasan ng ulo at kawalan ng respeto ng mga dayo na napadpad sa aming payapang isla.

Itago ninyo na lamang ako sa pangalang Ella.

Marahil ang ilan sa inyong mga tagapakinig ay pamilyar sa bagyong Unding. Isa sa pinakamalakas na bagyong nasaksihan ko at talaga namang sumalanta sa lugar namin. Labingwalong  taong gulang ako noon at nasa first year high school.

Buwan ng Nobyembre, nagbakasyon ang tita ko na sa Maynila na naninirahan. Kasama niya noon ang anak ng isa ko pang tiyahin. Dahil matagal na namalagi sa siyudad si tita Helen, labis siyang nasabik sa islang pinagmulan. Agad niya akong niyayang magtungo sa dagat kasama ang pinsang kong si Ericka na noon ay 2 taong gulang pa lamang. May dala silang salbabida at camera. Hindi na kami nagbaon ng kahit anong makakain dahil malapit lamang naman ang aming tirahan sa baybay.

Enjoy na enjoy kami noon sa pagsu-swimming dahil maganda ang panahon. Kalmado rin ang mga alon. Nagplano rin kaming babalik ulit sa dagat kasama sina lola dahil kaarawan ni tita Helen kinabukasan.

Samantala... sa isang lugar sa isla na kung tawagin ay Payayasog, masayang nagtatampisaw naman ang tatlong babaeng dayo. Kilala sila sa taguri na mga 'bulaklak' dahil nagtatrabaho sila noon sa isang videoke bar na pag-aari ng isang negosyante sa amin.

Lingid sa kaalaman ng mga bulaklak , ang Payayasog ay isang sagradong lugar. Ang pangalan nito ay ibinase mismo sa malaking bato na hugis itlog  ng lalaki o Yasog sa salitang ASI. Palibhasa ay hindi mga laking isla, pinagkatuwaan ng tatlong bulaklak ang napakalaking YASOG. First time nilang makakita ng ganoon kaya naman manghang-mangha sila.

Kapag low-tide, nakaangat iyon kaya kitang-kita ang kabuuan  at kapag high-tide naman,halos nakalubog iyon sa tubig kaya hindi gaanong mapapansin ang kakaiba nitong hugis.

Bulaklak 1: Tingnan ninyo, ang laking ano....! (hagikhik)

Bulaklak 2: Oo nga! Grabe, ngayon lang ako nakakita ng ganitong bato sa buong buhay ko! Para talaga siyang totoong itlog ng lalaki!

Agad na nilapitan ng isang bulaklak ang hugis yasog na bato at namamanghang hinipo iyon. Halos hindi makapaniwala na may makikita siyang ganoon sa aming isla.

Agad din namang nagsilapit ang dalawa niyang mga kasama at tuwang-tuwang hinimas ang bato. May isang bankero ang nakakita sa ginawa ng mga bulaklak at patakbong nilapitan ang mga ito.

Bankero: Mga Nene, hindi ninyo dapat hinawakan ang YASOG... at lalong hindi ninyo ito dapat pinagkatuwaan! Baka mamaya ay kumulog ng malakas o di kaya ay magkaroon ng matinding kalamidad!

Mababakas sa mukha ng bangkero ang kakaibang takot ngunit binalewala lamang inyon ng tatlong babae. Ipinagpatuloy pa rin nila ang ginagawa... walang kamalay- malay sa paparating na sakuna.

 (BG Music)

Kinagabihan, naghahanda naman sa pag- alis ang tiyuhin kong si Tito Mike. Nagtatrabaho siya bilang gormete sa pampasaherong  bangka sa isla. Wala silang byahe dahil naririnig nila sa balita na may bagyong paparating , ang Unding . Ayon sa balita, sa Mindoro magla-landfall ang bagyo pero dahil malapit ang isla namin sa Mindoro, hindi pinayagan ng mga coast guard na bumyahe ang mga sasakyang dagat maging sa mga kalapit na lugar.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now