TAGAPAGMANA (Ang Lihim Ng Aking Lola)

7 0 0
                                    

     Nasa modernong panahon na tayo at marami sa atin ang hindi na naniniwala sa mga kababalaghan at misteryo. Pero sa maniwala kayo at hindi, may mga ibang nilalang pa rin na naninirahan dit sa mundo hanggang sa mga panahong ito.

   Bata pa lamang ako, madalas na akong makakita ng mga kakaibang bagay, tao at pangyayari na hindi kapani- paniwala...pero totoo...

   May mga naka- encuentro na akong aswang at iba pang mga hindi ordinaryong nilalang.

  Pero ang ibabahagi ko ngayon sa inyo ay ang karanasan ng isa sa mga kaibigan ko na itatago na lang natin sa pangalang Carling. Ayon sa kanya, noong 14 taong gulang siya ay natuklasan niya ang nakakakilabot na lihim ng kanilang pamilya.

1981
Romblon

   Ipinanganak at lumaki si Carling sa isang maliit na isla na sakop ng Romblon. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Ang pangunahing hanapbuhay sa lugar nila noong mga panahong iyon ay pangingisda at pagsasaka.

  Katulong din ng kanilang ama ang kanilang ina sa pagtatanim maging siya at ang panganay nilang si Ben.
Mayroon din silang mga alagang baka, baboy at kambing. Dagdag na kita rin para pantustos sa pag- aaral nilang magkakapatid. 

  Nakatira sina Carling  sa pinakadulong barrio sa isla. Malapit ang bahay nila sa Parola- isang lugar sa kanila na kinatatakutang puntahan dahil marami raw nagpapakita. Itinayo kasi iyon ng mga Hapon noong panahon ng giyera.

  Halos walang kaibigan ang magkakapatid. Maging sa eskwelahan ay pinangingilagan sila ng kanilang mga kaklase dahil may bali- balitang aswang daw ang kanilang pamilya.

   Masakit iyon para kay Carling lalo pa at gustung- gusto niyang magkaroon ng kaibigan. Kaya isang araw, habang pinagsasaluhan nila ang hapunan,hindi na  siya nakatiis at lakas- loob na tinanong niya ang kanyang mga magulang.

  "May...Pay..may pangutana ( tanong) po sana ako sa inyo" ang nag- aalangang wika ni Carling .

"Ano iyon, anak?" Ang kanyang ama ang sumagot.

  "Tungkol po sa escuela..." mahinang tugon ng binatilyo.

  "May mga babayaran ba kayo anak? Paano ba iyan...minsan lang makapamana (makapangisda) ang Papay niyo gawa ng habagat..." nag- aalalang wika naman ng ina ni Carling.

  "Hindi po tungkol doon, May..Pay...
May mga naririnig po kasi kami ni Manong Ben na usap- usapan...tungkol po sa ating pamilya. Halos lahat po ng mga tagarito sa atin... pati na ang mga kaescuela namin ay iniiwasan kami...dahil lahi raw po tayo ng mga aswang!"

  Nagkatinginan ang mag- asawang Gener at Belen dahil sa sinabi ng kanilang anak. Ang panganay naman na si Ben ay tahimik lamang  na kumakain habang ang dalawa pang kapatid ni Carling na sina Rico at Roma ay tila walang pakialam sa kanilang pinag- uusapan. Bata pa kasi ang dalawang iyon kaya tutok na tutok lang sa pagkain.

  "Huwag nyo na lamang pansinin kung anuman ang mga naririnig niyo sa labas. Ang mahalaga ay maayos tayong pamilya- buo at masaya." wika ni Gener na biglang sumeryoso.

  Ang ina naman ni Carling ay hindi na nagkomento. Maya- maya ay napansin niyang wala pala ang kanilang lola Conchita.

  "May...bat wala po si Nanang Conching? Ngayon lang po yata siya hindi sumabay sa atin sa paninghapon (hapunan)." nagtatakang tanong ng binatilyo.

  Pero nagulat silang lahat nang biglang tumayo si Belen at galit na nagsalita.

   "Masyado kang maraming napupuna, Carlito! Iyang pagkain na lang ang intindihin mo. Bilisan mo riyan at ikaw ang nakatokang maghugas ng pinagkainan!"

Tales Of YGWhere stories live. Discover now