TAGAPAGMANA 2 ( Sakripisyo)

8 0 0
                                    

Marlyn: Umalis na tayo sa bahay na ito, Ben! Aswang ang Nanay mo!Nasaksihan mismo ng dalawang mata ko ng magpalit siya ng anyo! Hihintayin mo pa ba na mapahamak ako...o ang anak natin bago ka pa matauhan?!

Ben: P- pero Marlyn...hindi ko kayang iwanan ng ganon ganon lang ang pamilya ko..

Marlyn: Kung ayaw mo, pwes, ako na lang ang aalis! Hindi ako makakapayag na maperwisyo ng Nanay mong halimaw ang sanggol na nasa aking sinapupunan!

Belen: Walang aalis sa bahay na ito!
(Malalim, nakakatakot, dumadagundong ang boses at nanlilisik ang mga mata sa galit)

***Walang ibang naggawa si Marlyn kundi umiyak at sumigaw***

1993
Batangas City

Ilang taon na rin ang mabilis na lumipas. Sa kasalukuyan ay naninirahan kami dito sa Batangas kasama si Mamay at mga kapatid ko.

Nang mamatay si Papay sa probinsya noong nasa huling taon ako sa high school, nagpasya ang aming ina na mamasukan dito bilang isang kasambahay upang matustusan ang pag- aaral naming magkakapatid.

Si Manong Ben, siya na ang tumayong tatay namin at tinulungan niya si Mamay sa pagtataguyod sa aming pamilya.

Naiwan ako noon sa probinsya kasama sina Rico at Roma. Nang makatapos naman si Rico ng high school, lumipat na kami ng tuluyan dito sa Batangas. May nahanap na upahang bahay si Manong Ben na mayroong dalawang kwarto, tamang- tama lang para sa aming lahat. At dahil tatlo na kaming nagtatrabaho nina Manong Ben at Rico, pinatigil na namin si Mamay sa pagiging kasambahay. Dito na rin ipinagpatuloy ng aming bunso na si Jovy ang kanyang pag- aaral.

Isang gabi, nagulat kami nang dumating si Manong na may kasamang babae...

Ben: May, Carling...si Marlyn nga pala, nobya ko...

Ang mga mata ni Mamay ay nakatutok sa mga bagahe na dala- dala nina Manong Ben.

Belen: Huwag mong sabihing....nagtanan kayo..?

Nahihiyang tumango lang si Manong habang ang kanyang nobya naman na ipinakilala niya bilang Marlyn ay nakatungo lamang at hindi umiimik.

Belen: Ben, anak..ano itong ginawa mo? Paano kapag nalaman ng mga magulang ng nobya mo ang ginawa nyo at sumugod bigla rito sa atin? Paano kapag....

Ben: May, nagmamahalan ho kami ni Marlyn. Kung hindi ko siya inilayo sa kanila, baka tuluyang ipalaglag ng Tatay niya ang kanyang dinadala.

Napatitig lamang si Mamay sa impit puson ni Manang Marlyn dahil sa sinabi ni Manong Ben. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon. Tila ba siya napangiti. Marahil ay dahil sa katotohanang malapit na siyang magkaroon ng apo. Ako naman ay magkahalong gulat at pagkasabik ang naramdaman dahil sa kaalaman na magkakaroon na pala ako ng pamangkin.

Pagkalipas ng ilang sandali ng katahimikan ay sinabihan ni Mamay ang magkasintahan na doon na muna manatili sa silid ni Roma.

Inutusan niya rin ako na maghain na para sabay- sabay na kaming kumain ng hapunan.

(BG music)

SA bawat araw na dumadaan ay hindi mawala kay Mamay ang pangamba na baka biglang dumating ang mga magulang ni Manang Marlyn upang bawiin ito. Napag- alaman kasi namin na isa pala itong guro at tutol sila sa relasyon ng dalawa dahil isa lamang panadero si Manong Ben.

Ngunit habang tumatagal din sa amin si Manang Marlyn ay nasaksihan ko na tunay ang pagmamahal niya sa Manong ko. Malambing din siya at maasikaso.

Mabait din siya at tinutulungan si Mamay sa mga gawing bahay kaya naman lahat kami ay magaan ang loob sa kanya.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now