Kabaong sa Bal- Un

6 0 0
                                    

Magmula nang magsimula ang karanasan ko sa baybay...sunud- sunod na ang pagkakaroon ko ng mga kakaiba at makatindig- balahibong mga karanasan. Naging malakas din ang aking pandinig at pakiramdam lalo na kapag mayroong kakaiba sa isang tao, bagay at lugar.

Lahat ng iyon ay ikinukwento ko sa aking lola. Hindi ko pala nabanggit na isa siyang mahusay na manghihilot at dinarayo siya sa aming lugar. Pero hindi siya tumatanggap ng bayad na labis kong ipinagtataka. Kapag tinatanong ko naman siya ay ngumingiti lamang sa akin sabay sabing...

Nanang: Masaya na ako kapag mayroon akong natutulungan, apo.

Para sa akin ay makahulugan ang mga salitang iyon ng aking lola. Kung sabagay, karamihan sa nagpapahilot sa kanya ay mga kapos din naman sa buhay. Lalo tuloy akong humanga kay Nanang dahil sa kanyang busilak na puso.

Hanggang sa minsan ay umuwi sina Mamay at Papay ng Calatrava at isinama nila ako sa pagbisita sa isang pamangkin ni Nanang na taga- Pola.

Naiwan sina Manang Isay at Ponso para may kasama si Nanang. Nangako naman ang mga magulang ko na sa susunod na bakasyon ay isasama nila kaming tatlo pauwi kina Papay sa Capiz.

1962
Pola, Oriental Mindoro

16 taong gulang ako ng mga panahong ito. Mula Calatrava ay sumakay kami ng bangka na biyaheng Mindoro. Hindi ito iyong karaniwang bangka na ginagamit ng mga mangingisda dahil higit na malaki ito, may katig rin at may makina. Nasa 200 katao ang limitado na pasahero kabilang na ang mga ibinibyaheng hayop at iba pang mga kalakal.

Ito rin iyong pinakaunang biyahe ko na tatawid ng dagat. Mabuti na lamang at hindi ako malulain kaya naman gising lang ako sa buong biyahe namin. Tuwang - tuwa ako ng madaanan namin ang mga karatig- isla na dati ay naririnig ko lang kina Nanang o di kaya ay natatanaw ko lang mula sa Calatrava.

Habang biyahe ay may nadaanan rin kami na isa raw mahiwaga at delikadong bahagi ng karagatan ayon sa aking ama. Ito ay ang tinaguriang Tatsulok ng Romblon kung saan marami raw mga barkong lumubog na ikinasawi ng maraming buhay.

Kapansin- pansin nga ang pag- iwas ng kapitan na mapalapit sa bahaging iyon. Naging palaisipan na naman sa akin ang tungkol doon pero hindi ko na inusisa si Papay dahil may mga kausap siya na ibang mga pasahero.

Ang aking ina naman ay hinayaan lang namin na matulog dahil nahihilo ito sa biyahe. Gabi na nang makarating kami sa Pola. Akala ko ay malapit lamang ang bahay ng tiyahin ko pero nagkamali ako dahil napakalayo pala ng tirahan nila. Paakyat pa iyon ng bundok tapos patag naman pagdating sa kanila.

Walang anumang masasakyan noong mga panahong iyon kahit motorsiklo kaya nilakad lang namin ang patungo roon. Sobrang nakakapagod kasi may mga dala pa kami na mga paninda nina Papay tapos mayroon ding pasalubong para sa pamilya ng tiyahin ko. Halu- halong prutas at gulay galing Capiz at Calatrava.

Elias: Napakalayo naman talaga nitong sa inyo, Minda. Tingnan mo itong pamangkin mo at hinapo na sa paglalakad.

Hindi mapigilan ni Papay ang magreklamo habang pumapasok kami sa loob. Dala na rin siguro ng sobrang pagod. Agad naman akong nagmano sa tiyahin ko katulad ng turo sa amin mula pagkabata.

Minda: Kaawaan ka ng Diyos, anak. Ito na ba si Pepe, Manang Consuelo? Aba ay binata na at magandang lalaki ha!

Bakas ang kasiyahan at sinseridad sa mukha ni Ante Minda habang sinusuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Elias: Aba..eh saan pa ba naman magmamana iyan?

Lahat kami ay natawa dahil sa sinabi ni Papay na kahit may kayabangan ay alam naman namin na may halong pagbibiro. Pero sa loob- loob ko ay nakaramdam ako ng hiya dahil naging tampulan ako ng tukso.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now