Haligi Ng Tahanan 3

3 0 0
                                    

Ang ama ay tinagurian bilang haligi ng tahanan . . . sapagkat siya ang tumatayong proteksiyon ng kanyang buong pamilya .

Ngunit paano kung ang padre de pamilya na inaasahan ng anak na poprotekta sa kanya ay siya pa palang magdudulot ng panganib sa kanyang buhay ?

Ang mismong maghahatid sa kanya

sa hukay ! ! !


Hindi ko alam kung gaano na katagal na kaming nakakulong ni Nanay dito sa aming bahay . Ang bahay na minsan napuno ng saya at pagmamahalan .
Ngunit ito rin ang naging saksi sa karumal-dumal na sinapit ng nag-iisa kong kapatid , sa kamay ng sarili naming ama ! Sa bahay na ito naganap ang masalimuot na kapalaran naming mag-iina . 

Kailan kaya matatapos ang bangungot na aming nararanasan ? Nang sa gayon,  matakasan na namin ni Nanay ang aking ama na isa palang kampon ng kadiliman . . . isang halimaw ...

isang . . . aswang !

********************************************

Kahit litong-lito ang isipan at hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat, sa mga  natagpuan kong pira-pirasong katawan ni Lito sa sako ,
agad akong napatakbo papasok sa aming bahay ng marinig ko ang malakas na hiyaw ni Nanay . . .

At doon , sa pintuan pa lang nakita ko siyang umiiyak habang nakaluhod sa harapan ni Tatay  .

Hindi man ako tinapunan man lang ng tingin ng aking ama ay batid kong naramdaman niya ang aking presensya . Tila ako itinulos sa aking kinatatayuan, habang nagpalipat - lipat ang tingin sa aking mga magulang .

Malayong-malayo ang mga kaganapan sa naglalarong tagpo noon sa aking imahinasyon sa pagbabalik ng aming ina .

Masayang mukha ni Tatay at lalo na naming magkapatid . . . mahigpit na yakapan at mga ngiti ng kaligayahan sanhi ng labis na pangungulila , sa matagal na panahong pagkakawalay sa isa't-isa .

Ni hindi sumagi sa isip ko kahit minsan na taliwas pala ang kahihinatnan ng lahat .

Marahil ay isang kahibangan,  ngunit pilit ko pa ring kinukumbinsi ang aking sarili na baka panaginip lamang ang lahat . Isang masamang panaginip lamang . . . sana . . . !

" Hindi ako nagkamali ng akala , Celeste . Hindi mo rin kami matitiis. Babalikan mo rin kami ng anak nating si Romeo . Magsisimula tayong muli bilang isang buo at masayang pamilya ! "

Nakangiti si Tatay ngunit hindi naman umabot iyon sa kanyang mga mata . Hindi ko rin alam kung bakit may nahihimigan akong pait at galit  sa kanyang tinig .

" Para mo ng awa , Anselmo ! Hayaan mo na akong isama sina Romeo at Lito ! Sila lamang ang dahilan kung bakit hindi ko pa tuluyang  nililisan ang lugar na ito ! Nakikiusap ako sa'yo , hayaan mo na akong makasama ang mga anak ko !"

Paulit-ulit na pagmamakaawa ni Nanay kay Tatay habang umiiyak .

" Balak mo pala talagang  iwan ako ng tuluyan , Celeste ?!  Habang ako ay araw-araw na nananabik sa iyong pagbabalik at parang ulol na naghihintay na makita at mayakap kang muli !"

May dumaang kislap ng sakit sa mga mata ni Tatay ngunit saglit lamang iyon . Agad ding napalitan ng poot . . . biglang naging mabalasik ang kanyang anyo . Nasaksihan ko kung paano siya magalit sa unang pagkakataon .

" Inalis ko na sa landas natin ang lahat ng  hadlang sa ating pagmamahalan , Celeste . Si Santiago . . .  at ang bunga ng kataksilan ninyo ! "

Ngumisi si Tatay  pagkatapos ay tumawa nang malakas na tila  ba nawawala na sa katinuan . . .

Si Nanay naman , sa nanlalaking mga mata ay biglang napatayo pagkarinig sa mga huling katagang binigkas ng aking ama .

" A-anong ibig mong sabihin , Anselmo ?
N-nasaan si Lito ? Anong ginawa mo sa anak natin ? !

Tales Of YGWhere stories live. Discover now