DAYO (Aswang True Story)

4 0 0
                                    


Ang kwentong ibabahagi ko ngayon sa inyo ay mula sa isang kaibigan..
tungkol sa isang bangungot na kanyang naranasan kasama ang kanyang pamilya. At kahit ilang dekada na ang lumipas ay nanatili pa rin sa isip niya ang mga kakila- kilabot na alaala ng nakaraan...

1964
Negros Occidental

(true story po kaya di ko na nilagay ung eksaktong lugar)

Masaya at tahimik na namumuhay ang 25 taong gulang na si Celso, kasama ang kanyang maybahay na si Celia na noon ay 23 taong gulang naman. Biniyayaan sila ng 2 mababait na anak na babae- sina Aida (9) at Ana (7).

At dahil karaniwan na sa mga probinsya ang pangingisda, isa iyon sa mga hanapbuhay noon ni Celso. Maliban doon, umeekstra rin siya paminsan-minsan ng pagkokonstruksyon lalo na kapag mga panahong mahina ang huli ng isda.

Isang araw..habang nagwawalis si Celia sa kanilang bakuran ay naging panauhin niya ang ina ng kanyang asawa.

Ising: Kumusta naman kayo rito, Celia?Aba'y malaki na iyang sinapupunan mo ah. Kailan ka ba manganganak?

Celia: Kabuwanan ko na nga ho, 'Nay. Kaya nga ho kayod kalabaw ngayon iyang anak niyo. Ang dami lasing gastusin, sa susunod na taon ay papasok na rin si Ana sa eskwela.

Ising: Naku anak...pasensya na kayo at gipit na gipit rin kami ngayon...hayaan mo at kapag nakatapos ng kolehiyo si Rebecca, kahit papaano ay giginhawa ng kaunti ang buhay natin.

Celia: Ano ba kayo..wala ho iyon sa amin, 'Nay. Alam naman namin ni Celso na hirap na hirap din kayo maigapang lamang sa pag- aaral ang bunso ninyo.

Ising: Eh maiba pala ako...huwag niyo na munang palalabasin ang mga apo ko. Mayroon na naman daw kasing gumagala na aswang dito sa ating barrio...

Celia: H- ho? Eh saan naman daw ho galing, Nay?

Ising: Ang balita eh dayo lamang dito sa ating lugar...iyong kambing na bagong panganak ng isa nating kababa- barrio ang unang pinuntirya.
Ubos lahat ng anak at iyong inahin, halos buto na lamang ang itinira! Kaya mag- iingat kayo..lalo ka na at buntis ka pa naman.

Nabalot ng kilabot ang buong sistema ni Celia pagkarinig sa ibinalita ng kanyang biyenan. Nag- alala siya para sa mga anak at lalo't higit sa kanyang sarili.

Nang gabing iyon ay ikinuwento niya rin sa asawang si Celso ang tungkol sa aswang na gumagala diumano sa kanilang lugar.

Celso: Baka naman may dagdag lamang iyang kwento, Celia. Alam mo naman ang tsismis, bago pa makarating sa'yo eh iba't ibang bersyon na.

Celia: Ang inay na ang nagsabi sa akin, Celso. Wala naman sigurong masama kung mag- iingat tayo. Nag- aalala lang ang iyong ina para sa atin lalo na at medyo malayo ang kanila rito sa atin..tapos madalas ka pang wala.

Ang lupang kinatitirikan kasi ng bahay nina Celso ay namana niya sa kanyang mga magulang. Kaya lamang, malayo iyon sa mga kapitbahay dahil dati nila iyong sakahan. Mayroong bahay- kubo na ilang kilometro ang pagitan mula sa kanila ngunit walang nakatira roon.

Celso: Sabagay, maige na rin nga iyong alerto tayo. Huwag mong palalayuin ang mga bata..hangga't maaari ay dito na lamang sa loob ng bakuran natin sila maglaro. Lalo ka na..ilang linggo na lang ay iluluwal mo na ang ating pangatlo. Sana naman ay lalaki na iyan, Celia.

Sinunod nga ni Celia ang bilin ng asawa at biyenan. Ang mga anak naman niya ay pinalaki nilang masunurin kaya magmula nang kausapin niya ang mga ito ay halos hindi na talaga lumalabas ng bahay.

Aida: Nay...may tao po sa labas ng bakuran natin...

Napatigil si Celia sa paglalaba nang lapitan siya bigla ng panganay niyang si Aida. Dahil nga kabuwanan na niya, nahirapan siyang tumayo upang silipin kung sino ang bisita nila.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now