TAGAPAGMANA 4

2 0 0
                                    

1998


Dalawang buwan pagkatapos naming ihatid si Mamay sa kanyang huling hantungan, bumalik na kaming tatlong magkakapatid ng Batangas. Nagkaroon lamang kami ng munting salu-salo sa bahay noong ika-40 na araw ng kamatayan ng aming ina, dahil wala naman ni isa sa aming kababaryo ang nagpunta sa aming bahay. Alam kong ang iba ay pinagtatawanan kami kung bakit pinadasalan pa namin si Mamay, ngunit kahit  bantog na sa aming lugar ang tungkol sa lihim ng aming pamilya, hindi pa rin kami aamin  sa kanila. Pero mabuti na rin na iwasan nila kami kesa naman kinakausap nga pero talikuran namang kinukutya .
      
Maaring sa paningin ng mga tao, kampon ng diablo si Mamay, oero bilang mga anak nya, saksi kami sa pagiging mabuting tao nya , at lalong- lalo na sa pagiging isang mabuting ina. 

Kaya nagkasundo kaming tatlo nina Rico at Roma na padasalan siya upang maligtas ang kanyang kaluluwa .

( BG Music)

Dahil sa mga di inaasahang mga pangyayari, ipinagpaliban muna namin ni Rosaly ang aming kasal. Kailangan din kasi naming ilihim sa kanya ang tungkol sa aming bunsong kapatid na si Roma. Bilang bagong tagapagamana, maraming pagbabago sa kanyang ugali, kalusugan at hitsura.

Lahat ng pag-iingat ay  ginawa namin para lamang hindi sya mapahamak, kagaya  nina Mamay at Nanang , na kapwa naaksidente ng dahil sa pangangaswang ! Labag man sa aming kalooban , ikinulong namin si Roma sa kanyang silid .

Ayaw ng tanggapin ng kanyang sikmura ang mga dating kinakain. Malaki  rin ang ibinagsak ng kanyang katawan. Kaya nagpasya kaming ibili siya ng sariwang dugo at karne ng baboy at manok sa palengke. Naniniwala kaming malalampasan niya rin ang hirap ng kanyang pinagdaraanan .
         
Alam naming hindi na sya makakalaya sa sumpang ipinamana sa kanya ni Mamay..
ang mahalaga, hind siya makakapambiktima ng mga taong walang muwang lalo na kaming mga mahal niya sa buhay .

Ngunit labis kaming nabahala ng sa paglipas ng mga araw, unti - unti ng nagiging  mabangis si Roma... lalo na tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan !

Halos gibain nya ang silid na kinaroroonan sa pagnanais na makalabas doon. Nangamba
rin kami na baka marinig ng aming kapitbahay ang kanyang mga ungol na punong-puno ng galit. (tunog ng pagwawala at mga ungol)

Nagdulot din iyon ng matinding takot kay Manang Marilyn at sa tatlong anak nila ni Manong Ben .
 
Naturingang puro lalaki kaming tatlo nina Manong Ben at Rico pero halos maiyak kami  kami dahil sa nakakahabag sa sitwasyong kinakaharap ng aming pamilya, lalong-lalo na ng aming bunsong si Roma!

Hanggang isang araw ....  

Roma: M-Manong Ben ... Manong C-Carling ..?

Agad kong nilapitan si Roma nang marinig ko siyang nagsalita. Kahit nanghihina ay pilit niya pa ring iminulat ang kanyang mga matang halos nangingitim na ang paligid dahil sa kawalan ng tulog at matagal na pagkakasakit.

Nasa trabaho na sina Manong Ben at Rico. Hindi muna ako pumasok sa trabaho dahil walang magbabantay kay Roma at sa mag- iina.

Awang-awa na ako saming bunso. Hindi ko alam kung hanggang kailan sya magiging ganoon. Pati ang kanyang pag- aaral  ay  kailangan niyang isakripisyo  maitago lamang ang madilim na pagkatao.

Roma: N-nong... p-pakiusap talian mo a-ako...
at b-busalan mo rin ang b-bibig ko.

Carling: A-anong .... B-bakit, Roma ?           
  
Roma: Malapit na namang sumapit ang kabilugan ng b-buwan .... baka hindi ko na makontrol ang aking lakas. Ayoko rin kayong mapahamak sa oras na malaman ng mga kapitbahay natin ang tungkol sa sikreto ko! Hindi malayong may makarinig sa akin tuwing inaatake at lumilikha ng mga kakaibang ingay. K-kaya sige na Nong Carling ...itali mo na ang mga k-kamay ko at paa!

Tales Of YGWhere stories live. Discover now