CASIMIRO'S KNIFE

14 0 0
                                    

WELCOME TO THE HOTEL CALIFORNIA
SUCH A LOVELY PLACE..SUCH A LOVELY PLACE
MANY OF ROOMS IN HOTEL CALIFORNIA ---

Maaga pa ay malakas na naman ang patugtog ng kapitbahay. Siguradong may birthday- an na naman at ano pa nga ba ang kasunod kundi inumang magdamagan with matching kantahan.

Bigla ko tuloy naalala si Lolo Casimiro o mas kilala dito sa amin bilang Lolo Sim. Isa kasi ang Hotel California sa mga madalas niyang kantahin sa videoke.

Si Lolo Sim ay isang taong may taglay na pambihirang talino. Hindi ko maalala kung ano mismo ang tinapos niya basta ang sabi ni Papa ay mataas daw talaga ang pinag- aralan ng matanda.

Pero napariwara daw ito nang mabigo sa kaisa- isang babaeng minahal. Lagi din nitong ibinibida na nagkaanak sila pero hindi na niya nakita pa ang mag- ina niya.

Gustung- gusto niya akong kakuwentuhan noon kasi ako lang daw ang nakakasabay sa kanya sa pag- iingles. Marami akong natutunan kay Lolo Sim at isa na doon ang meaning ng 'Rendezvous '. Dati ay spelling lang non ang alam ko. Sa kanya ko lang nalaman na ang synonym pala nito ay ' meeting place.'

Confident siya kapag nagkukwento, kapag nakikipag- usap sa mga tao lalo na kung may kinalaman sa knowledge at wisdom ang topic.

How many is how much?

(Hmmm, napaisip ako much sa tanong.)

Less talk, less mistake.

(May point. Napakalaking point!

One word is enough for a wise man.

(Yeah. Hindi yung akala lagi eh unli.
Tsss.)

Ilan lamang yan sa mga motto niya. At lagi siyang may paliwanag sa bawat linya. Mataba ang utak niya.
Talaga nga na ang karunungan ay hindi kailanman mananakaw sa'yo ng kahit sino.

Aside from Hotel California, may iba pang paborito si Lolo Sim . My love will see you through ni Marco Sison at Words ng Father and Son.

Pero ang pinakagusto ko sa lahat ng kinakanta niya ay Knife ni Rockwell.
Talaga namang na- LSS ako. Sino ba naman kasi ang hindi tatablan at makaka- relate sa chorus ng kantang iyon diba?

" Knife, cuts like a knife! How will I ever heal? I'm so deeply wounded..."

Tagos na tagos hanggang kaluluwa!
Kaya ngayon ay hindi yan pwedeng mawala sa songlist ko at memorize ko na din ang number niyan sa videoke 😁

May isang taon na sa Isla Aramis si Lolo Sim, pinadalhan siya ng pamasahe ng kapatid niya para makauwi at doon na mamalagi.

Hindi ko alam kung babalik pa siya dito sa Batangas but one thing's for sure, mananatili ang mga bakas na iniwan niya sa lugar na ito at sa mga taong naging malapit sa kanyang puso

We meet people not by accident but for a reason.For a certain purpose.

And just like the first line in the song Knife, that old wise man had touched my heart with a softness in the night.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now