ESKAPO

4 0 0
                                    

Magandang araw, Hukom. Itago na lamang ninyo ako sa pangalang Denden. Kasalukuyang naninirahan dito sa Cavite. Isa ako sa mga masugid mong tagasubaybay kaya naman nais ko rin sanang ibahagi ang kahindik-hindik at tunay na karanasan ng aking Lolo Badong.

Dahil tubong Iloilo ang mga magulang ko, ipinamulat din nila sa aming magkakapatid ang ilan sa mga nakagawian nila noong panahon ng kanilang kabataan. At isa na roon ang pagkukuwento sa amin ng bedtime stories.

Pagod sa maghapong trabaho sina Nanay at Tatay kaya ang aming Lolo Badong ang mas madalas na ka-bonding namin sa storytelling.
Karaniwang pambata ang mga ikinukuwento niya sa amin, tungkol sa mga alamat at disney stories. May mga pagkakataon din naman na ang ibinibida niya sa amin ay ang tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

Isang gabi, katatapos lamang ng storytelling session namin nang may bigla akong maalala...

Denden: Lo...totoo po ba iyong kwento ni Maria Labo? Sabi nila, tagaroon daw po siya sa probinsya ninyo. At kinatatakutan dahil isa siyang aswang! Kinatay at kinain niya ang sarili nyang mga anak...

Napansin kong natigilan saglit si Lolo sa naging tanong ko. Pagkatapos ay biglang sumeryoso ang mukha niya.

Lolo: Hindi ko siya personal na nakaengkwentro, apo. Ngunit naniniwala akong totoo ang mga aswang...

Hindi ko alam kung bakit sa halip na makaramdam ng takot ay parang na-excite pa ako pagkar sa sinabi ng aking Lolo. Tuluyang nawala ang antok ko at napalitan iyon ng matinding kuryosidad. Siguro, nagmana ako kay Lolo. Sabi kasi ni Nanay, mahilig daw si Lolo sa adventures noong kabataan nito.

Kinulit ko si Lolo na magkwento tungkol sa aswang pero tumanggi siya. Hindi nakaligtas sa akin ang biglang pag-ilap ng kanyang mga mata. Masyado pa raw akong bata para sa mga ganoong maseselang kwento. Pero sa huli ay nakumbinsi ko rin siya.

_____________________________________

LOLO BADONG POV

Bata pa lamang ako, naririnig ko na sa mga matatanda sa aming lugar -sa Leganes, Iloilo- ang tungkol sa isang baryo na pulos aswang daw  ang naninirahan. Ngunit hindi ako naniniwala. Sabi-sabi lamang iyon ng mga matatanda upang takutin kaming mga kabataan, lalo na ang kagaya kong napakahilig dumayo sa ibang lugar kapag may mga sayawan at pyestahan.

Nagkamali sila sa pag-aakalang masisindak nila ako sa  pamamagitan ng paghahabi ng mga kwentong wala namang katotohanan. Hindi totoo ang mga aswang. Masyado lamang silang mapamahiin palibhasa ay mga tao sa una.

Ngunit hindi ko inaasahang mababago ang paniniwala ko dahil sa isang nakakikilabot na pangyayari noong ako ay 20 anyos. Isang gabi, pag-uwi ko galing sa sayawan sa kabilang baryo, dahil sa labis na kalasingan ay naligaw ako. Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa daan.

Nagising na lamang ako kinabukasan sa  isang hindi pamilyar na lugar. Nasapo ko ang kumikirot kong ulo habang dahan-dahang bumabangon.

May natanaw akong isang kubo sa di kalayuan at nagpasya akong doon magtanong kung saan ako naroroon at kung paano ako makakauwi sa baryo namin.

Nakailang katok din ako at 'Tao Po' bago ako pinagbuksan ng pinto ng isang matandang babae na sa tantiya ko ay nasa edad 60 pataas.
Nang mapagtanto niya na marahil ay dayo lamang ako sa kanilang lugar, akmang tatalikuran na sana niya ako nang biglang lumitaw mula sa loob ang isang matandang lalaki. Hindi nagkakalayo ang edad nila at nakatitiyak akong mag-asawa sila.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagtutol sa mukha ng matandang babae na patuluyin ako ngunit wala itong nagawa dahil tinanggap ako ng asawa niya sa kanilang munting tahanan.

Hanggang makapasok ako sa loob ng bahay ay hindi ako kinikibo ng matandang babae. Nauunawaan ko namang marahil ay nag-iingat lamang siya. Mahirap din kasi magtiwala sa kagaya kong estranghero.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now