ROOM 4

4 0 0
                                    

2014
Jala- Jala National High School, Jala- Jala, Rizal

BIYERNES ng umaga...kasalukuyang magkakasama ang apat na magkakaklase at magkakaibigan na sina Leonard, Gray, Mikael at Anton. 7am- 2pm ang pasok nila araw- araw. 6:30 naman ang flag ceremony pero nagkasundo sila na huwag dumalo.

Ang mga silid sa paaralang ito ay hindi gaya sa ibang paaralan na magkakadikit..dito sa JNHS, may pagitan ang bawat silid.

  Takot sila na makita at mahuli ng guwardiya kaya nagpasya silang magtago sa nag- iisang bakanteng silid ng paaralan - ang room 4. Matagal na itong hindi ginagamit at hindi rin naman sila interesado kung bakit.

Nang makapasok na sila lahat ay agad na ikinandado ni Gray ang pinto at mga bintana. Ayaw nilang may makaalam na nagatatago sila roon.

"Guys, tara na lang kaya umattend ng flag ceremony. Abot pa rin naman siguro tayo, e." wika ni Mikael na siyang pinakamatatakutin sa kanila.

"Ayoko nga. E di mag- squat tayo bilang parusa? Kung gusto mo, ikaw na lang mag- isa." Asik ni Leonard.

"Alam nyo guys  mabuti pa maglaro na lang tayo  ng spirit of the glass...para naman mas may thrill iyong pagtatago natin dito. Hanap tayo ng baso..siguro naman kahit papano may mga gamit pa ang silid na 'to." Si Leonard ulit.

"Sira ka talaga, Leonard..hindi magandang laruin iyon lalo na at balita ko eh dating sementeryo raw itong pinagtirikan ng paaralan natin." sabat naman ni Anton.

"K- kanino mo naman nabalitaan iyan, Anton?" si Mikael na agad kinabahan sa  nalaman.

"Sa mga estudyante rito at saka sa mga guards. Palibhasa kasi ikaw Mike, babakla- bakla ka kaya wala kang alam kundi makipagchikahan s mga kaklase nating babae" sagot ni Anton at inasar pa si Mikael.

"Oo nga..huwag na lamang iyon ang laruin natin. Baka mamaya may matawag o magising pa tayo na nananahimik na kaluluwa. Mag- isip na lang tayo ng iba..." suhestiyon naman ni Gray.

"Okay, majority wins. So, ganito na lang...sayaw na lang kayo or kahit ako tapos ako taga- video." Si Leonard na hindi paawat sa mga naiisip na kapilyuhan.

"Last day na ng pasok Kaya sulitin na natin, guys. Lunes pa ulit tayo magkikita at magkakasama..." hirit pa ni Leonard pagkatapos ay nagtungo sa mesa ng guro at ipinatong ang dalang headset at itim na scarf doon.

  "Sige na nga..maganda cellphone mo, eh. Itong sa akin kasi de keypad lang. Sana all rich kid!" wika ni Anton.

Ang mga bag nila ay nasa loob na ng kanilang silid sa room 7 dahil maaga naman silang pumapasok. Tamad lamang talaga umattend ng flag ceremony.

"Simulan na natin, guys! Dito ako pupuwesto sa pinakalikod para makuhanan ko kayo ng ayos. Souvernir na rin mating apat at ng ating High School life! " excited na wika ni Leonard. Tinungo na nito ang dulong upuan habang ang mga kasama naman ay nasa unahan, nakaharap sa kanya at nakatalikod sa pisara.

"O, Gray,  mauna ka na. Ikaw naman ang pinaka- talented sa ating apat." wika ni Anton.

"Hindi naman kailangan ng talent..remembrance lang naman ito, diba Leonard?" wika ni Gray.

Pero sa pagtataka nila ay hindi tumugon si Leonard. Nakatitig lamang ito sa hawak na cellphone at biglang namutla na tila ba may  nakakakilabot itong nakikita.

"Uy, Leonard..anyare sa'yo?Para kang nakakita ng multo." Biro ni Anton.

Pero hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Leonard...maya- maya ay pautal- utal itong nagsalita.

"Y- yung p- panyo ko....t- tumataas ng k- kusa!"

Agad namang lumingon ang tatlong nasa unahan pagkarinig  sa sinabi ni Leonard pero wala namang nabago sa posisyon ng panyo. Nandoon pa rin nakapatong lang sa mesa.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now