ANG HIGANTENG PUGITA SA PAROLA

46 1 0
                                    

Sa Isla Simara ay may isang akong paboritong puntahan, ang Parola. Mayroon din akong paboritong storyteller, si lolo Eli. At ito ang kwento niya tungkol sa misteryo ng Parola...

" Itinayo ang Parola ng mga Hapon noong panahon ng giyera. Mayroon itong bantay sa itaas upang magsilbing tagahudyat kapag may paparating sa Isla. Pero nasira ang orihinal at ang kinagisnan niyo ay renovated na ng mga Amerikano.

Sa gabi ay nagsisilbing tanglaw ito ng buong isla maliban sa buwan at mga bituin. Solar energy ang nagpapagana rito.

Ngunit noong panahon ng aming mga ninuno ay kinatatakutan ng lahat na magawi rito. Bukod sa masyadong malalim ang tubig ay may kababalaghan din na nagaganap dito tuwing gabi.

Mayroon daw tunnel sa ilalim ng Parola at doon nananahan ang isang higanteng pugita. Bihira lamang magpakita ang naturang halimaw pero marami ng nabiktima.

Kaya naman naging banta ito sa mga taga- isla. Pero maraming taon na ang nakalipas mula nang huling lumitaw ang higanteng pugita. Ang haka - haka ng mga tao ay baka patay na ito o di kaya naman ay tuluyan nang naglaho".

Sa ngayon ay tuluyan nang nakalimutan ang tungkol sa kinatatakutang halimaw. Isa na ang Parola sa mga sikat na pasyalan sa Isla at halos araw- araw ay dinadayo ito ng mga tao lalo na ng mga bakasyunista.


Tales Of YGWhere stories live. Discover now