Paleos Lithos (Sa Kamay Ng Mga Asuwang )

5 0 0
                                    

  "Sugod mga alagad! Salakayin ang buong tribo! Tiyakin ninyo na walang matitirang buhay sa kanila! Magpakabusog tayo ngayong gabi!"

  Nakabibingi ang mabangis at nakakakilabot na tinig ng pinuno ng mga asuwang na tulisan  habang inuutusan nito ang kanyang mga alagad na paslangin  kaming lahat.

  Nanlulumo at lumuluha kong pinagmamasdan ang unti- unting pagkasawi ng aking mga kasamahan.
Kabilugan ng buwan at idinaraos ng aming tribo ang isang kasiyahan. Wala kaming kamalay- malay sa balak na pagsalakay ng mga kalaban.

  Patuloy sa pagdanak ang dugo...ang mga kaawa- awang bata at walang muwang na mga sanggol ay kanilang  pinagpiyestahan..animo'y  sabik na sabik sa sariwang laman ng tao!

  Noong una ay sinubukang lumaban ng aming mga kawal at mga mahuhusay  na mangangaso ng aming tribo, ngunit dahil napakarami ng bilang ng mga kalaban ay unti- unting humina ang aming depensa at tuluyang  naggapi ang aming mga mandirigma.

  Habang ako, ang Agorang at ang aming Mahal  na Pinuno  ay ginawang bihag ng mga kaaway........
    (Pangitain ng Punong Babaylan)

**********************************

  Ayon sa mga antropologo na naniniwala sa ebolusyon, nabuhay  ang mga ninuno ng tao  sa pagitan ng dalawang milyon hanggang 20,000 bago ipanganak si Kristo.

  Noong Panahon ng Pleistocene ay natunaw ang mga yelo na siyang naging dahilan ng pagkawala ng mga tulay na lupa, na siyang ginamit ng ating mga ninuno patungong Pilipinas.

  Dito nagsimula ang ebolusyon ng mga halaman, hayop at tao sa daigdig at partikular sa panahong ito ang pagkalikha at pag- unlad ng mga unang tao sa daigdig.

  Tinawag din itong 'AGE OF HUMANITY ' kung kailan nangyari rin ang tinatawag sa kasaysayan ng mundo na 'GREAT ICE  AGE'.

Ang Ebolusyong Kultural ay tumutukoy naman sa proseso ng pag- unlad ng paraan ng pamumuhay ng mga unang tao dulot ng pakikiayon sa mga pagbagagong nagaganap sa kanilang paggawa ng kasangkapan, panirahan at sa uri ng kanilang kabuhayan. Karaniwang nahahati sa dalawang malalawak na kultura at isa na rito ang Panahong Paleolitiko.

  Ang Panahong Paleolitiko o Panahon ng Lumang Bato ang pinakamaagang panahon sa pag- unlad ng tao. Ang terminong ito ay mula sa mga katagang Greek na paleos  (matanda/luma) at lithos (bato ). Ito ang pinakamahabang yugto ng sa kasaysayan ng sangkatauhan at sinasabing dito nagsimula ang paggamit ng kasangkapang bato ng mga hominid.

  Ito rin ang hudyat ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene. Sa panahong ito, nagkaroon ng pagbabagong pisikal at anyo ang tao mula sa pagiging isang malabakulaw na nilalang hanggang sa pagiging Homo Sapiens. Isa sa pinakamalagang parte  ng panahong ito ay ang pagkatuklas sa paggamit ng apoy.

  Ang mga pagbabagong ito ay lubhang napakatagal at nagpatuloy pa sa loob ng tatlong mahabang dibisyon.:Lower,  Middle at Upper Paleolithic.

  Noong 1970, natuklasan ni Dr. Robert Fox,  isang Amerikanong arkeologo na nagmula pa sa Pambansang Museo ng Pilipinas,  ang mga Kweba ng Tabon sa Palawan. Kasama ang kanyang mga kasamahan, natagpuan nila rito ang mga kagamitang yari sa bato.

  Kilala ang mga yungib na ito dahil sa pangibabaw na panakip ng bungo ng Taong Tabon na may 22, 000 taong gulang. May mga tapayan din sa loob nito na ginamit sa paglagak ng mga buto ng mga tao na may kasamang hayop.

  Ang mga unang tao ay bumuo ng tribo. Karaniwang may 50- 100 kasapi ang bawat tribo. Ang pinakamalakas na mangangaso ang ginagawang pinuno. Ang mga babae naman ay nangangalap ng pagkain. Sila rin ang nagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng tribo.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now