Matandang Kuba sa Kubo (Kulam True Story)

7 0 0
                                    

Ilang araw lang nanatili sina Mamay at Papay sa mga Ante Minda ko dito sa Pola dahil kailangan na nilang bumalik agad ng Capiz. Ako naman ay naiwan muna sa pakiusap na rin ng aking dalawang pinsan na babae. Ngayon lang kasi kami nagkakilala at nais pa raw nila akong makasama ng matagal dahil siguradong matatagalan bago kami magkitang muli.

Sa kanila ng naging karanasan ko sa Bal-Un ay patuloy ko pa ring sinamahan sina Belinda roon tuwing maglalaba. Iniwasan ko na lamang hanggat maaari ang muling magawi sa talahiban.

Naging madalas din ang pagbisita ng pinsan nilang si Amelia dito kina Belinda kaya naman naging malapit na rin kami sa isa't isa.

At hindi ko inakala na maliban sa mga una kong naging mga bangungot sa lugar na ito ay may masasaksihan pa pala ako na mas kahindik- hindik na pangyayari.

Isang beses ay nakiusap sa akin si Amelia na samahan ko siyang mangahoy sa gubat malapit sa paaralan. Hindi nakasama ang dalawa kong pinsan sa kadahilanang abala sila parehas sa mga gawaing bahay.

Dahil medyo madalas ko ngang makasama itong si Amelia ay hindi na kami naiilang sa isa't isa. Pakiramdam ko nga ay humahanga ako sa unang pagkakataon. Hindi naman kami magkadugo dahil pinsan niya sina Belinda sa ama habang pinsan ko naman ang mga ito sa ina.

Maganda si Amelia. Simple lamang at masayahin. Kaya naman sinusulit ko ang bawat sandali ng aking bakasyon dito sa Pola. Inabot kami ng tanghali sa pangangahoy. Nakatatlong sako kami, isa kay kay Amelia at dalawa naman sa akin.

Mga limang bahay ang pagitan mula kina Ante Minda bago ang kina Amelia. Balak kong ihatid na rin siya hanggang doon dahil hindi rin naman niya kayang buhatin ang tatlong sako ng kahoy.

Pagkalabas namin ng kakahuyan ay may natanaw ako na isang maliit na kubo na napapalibutan ng mga di kataasang talahib. Nag- iisa lamang iyon at malayong-malayo sa iba pang mga bahay doon. Tila ba nakakatakot doong tumira lalo na kapag gabi.

Napansin ni Amelia na nakatingin ako sa kubo at nagulat ako sa sinabi niya nang bigla siyang magsalita.

Amelia: Alam mo ba Pepe...aswang daw ang nakatira sa bahay na iyan. Kaya malayo sa mga kapitbahay. Kaya bilisan na natin at huwag ka ng tingin nang tingin pa riyan. Mamaya mahuli ka nung nakatira riyan tapos gamitan ka ng hipnotismo.

Dahil nakatingin ako sa kubo at nakatingin naman sa akin si Amelia, hindi namin parehas namalayan na mayroon palang paparating na tao. Patuloy kaming naglalakad habang nag- uusap at hindi sinasadyang bumangga si Amelia sa kung sinumang nakasalubong namin. Nabitawan niya ang dala niyang sako ng kahoy..tumalsik naman at natumba ang taong nabangga ni Amelia.

Nagulat ako sa bilis ng pangyayari ngunit mas lalo akong nagulat nang makita ko kung sino iyong taong nakahiga sa lupa. Walang iba kundi iyong matandang babaeng kuba na nakasalubong namin nina Belinda noong unang beses ko silang sinamahan sa Bal- Un.

Agad kong tinulungan si Amelia na pulutin ang nalaglag na sako ng kahoy dala niya. Pero hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa.

Amelia: Hoy matandang kuba...sa susunod ay tumingin ka sa dinadaanan mo! Muntik na akong matumba dahil sa'yo...bigla ka na lamang sumusulpot diyan na parang aswang!

Nagulat ako sa iginawi ni Amelia. Nadismaya rin ako dahil sa halip na tulungan niyang makabangon ang matanda sa pagkakatumba nito ay sinigawan niya pa ito at nilait. Biglang naglaho ang anumang damdamin ko para kay kay Amelia na nag- uumpisa pa lamang sanang sumibol.

Parang diring- diri siya sa matanda samantalang dapat nga ay tutulungan niya iyon dahil matanda na iyon at mahina.

Pepe: Nang..pasensya na po kayo sa kasama ko. Pasensya na rin po kung hindi namin kayo agad nakita dahil abala po kami sa pagkukuwentuhan kanina..

Tinulungan ko siyang makatayo at nakita ko ang sugat sa tuhod niya na marahil ay tumama sa matulis na bato noong natumba siya. May konting bahid pa iyon ng dugo. Nakaramdam naman agad ako ng awa at simpatya para sa matanda.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now